Halos dalawang oras narin kami dito sa may hospital.Kaso hindi parin namin alam ang mga nangyayari sa loob ng ER. Alauna na ng madaling araw. Ano na?
"Cendley..." pabulong na tawag sa akin ni ate
"Ate? Bakit?" Pabulong ko ring sagot. Wala na akong sapat na lakas.
"Gusto mong kumain muna? Hindi ka pa nakakapaghapunan."
Sa totoo lang kanina pa ako nagugutom.
Pero... iintindihin ko paba 'yon? Eh nasa loob ng Emergency Room ang tatay ko.
Kaya ang sinagot ko nalang ay... "Hindi naman ate, hindi ako nakakaramdam ng gutom ngayo--" bigla namang kumulo yung tiyan ko at nakita kong nangiti ng bahagya si ate
"Pasaway ka talagang bata ka. Teka lang, samahan mo muna si mama dito at bibili ako ng pagkain mo."
Tatayo na sana si ate ng pigilan ko sya sa kaliwang kamay nya "Ako na ate." At nginitian ko sya
"Sigurado kaba? Delikado na. Madaling araw na oh." Saad nya
"Oo naman. May 24 hours na kainan naman dyan sa tapat ng hospital eh. Dun nalang ako kakain. Mabilis lang ito promise." Sabi ko
Tumayo na ako at nagsimula ng maglakad "Hoy bruha, may nakakalimutan ka." Napahinto ako sa paglalakad sa sinabi ni atr at lumingon
Alam kong pinapagaan nya lang ang sitwasyon kaya ganyan nanaman si ate. Napangiti nanaman din tuloy ako ng bahagya. "Ano 'yon?"
Kinuha nya yung bag nya sa kanan at naglabas ng pera sa wallet nya.
"Ayan. Alam ko namang 'yung phone lang 'yang dala dala mo eh. Anong gusto, maghugas ng plato doon dahil wala kang pambayad? Hahaha." Pang-aasar nya pa
Kinuha ko na yung pera. "Ao na. Sarreh naman diba?"
"Magtake out kana rin para samin ni mama. Baka magutom si mama pagkagising nito eh." Sabi nya
Nagsimula na akong maglakad papuntang jollibee, dito nalang yung pinili kong kainan.
Pagkapasok ko ay umorder na kaagad ako ng one piece chicken joy, large fries at strawberry sundae. Kahit madaling araw na at malamig ay mag-aice cream padin ako. Kailangan ko ito ngayon eh.
Mangilan ngilan lang ang tao rito ngayon kaya naman madaming bakanteng upuan.
Mayroon pa nga akong nakita na couples eh. Siguro matanda lang sa akin ng dalawang taon ang mga ito.
"Ps, tumatakas pa sa bahay para makipagdate sa jollibee ng madaling araw?" Pabulong ko sa sarili ko at kumagat ako ng fries habang tinitignan yung dalawa
Naalala ko tuloy si Kuya Angelo. Ay. Biro lang mga ineng.
Kumain na ako ng kumain at sa wakas ay natapos narin kaagad ako. Bumalik na ako sa may counter para magtake out naman ng para kala ate at mama.
"Alden. Stop it. Hahaha." Narinig kong boses ng babae na parang papalapit rin sa may counter
"No ateeee! Pamblock mail ko ito sa'yo." Boses naman nung parang batang lalaki
"I said stop it. Bahala ka, isusumbong kita kay Quinee buka-- Cends?" Napalingon naman ako dun sa babaeng tumawag sa pangalan ko
"A-ashiel?" Nagulat naman ako
"Yes. Aha! One and only. Sino kasama mo sissy?"
"Ah, ako lang." Matamlay kong sagot
"Bakit naman? Umaano ka ng madaling araw dito ng walang kasama? Baka naman mapano ka nyan ha. Sabay na tayong umuwi, hatid ka namin. Gusto mo?"
"Ay hindi Ashiel. Na-nasa hospital kasi kami nga-ngayon eh." Sagot ko at napayuko nalang ako
"Ha? P-pero bakit?"
"Naaksidente si papa." Sagot ko
.
.
Naglalakad na kami papuntang ER.
"Sissy. Wag kanang malungkot. Don't worry bukas nandito narin ang mga gremlins at ang sissies." Sabi nya
Tumahimik nalang ako. Nakakalungkot lang isipin na, palagi nalang bang ganito?
Nandito na kami at iniabot ko naman ang pagkain kay ate. Tulog parin si mama.
Nag-usap naman agad sila ate at Ashiel.
.
And I hate how much
I love you boy
I can't stand how much
I need you
.
Ate Elisse Calling...
Sinagot ko naman kaagad yung tawag. "Hello a-ate!" Bungad ko
"Hi pinsaaaaan! I missed you so much Ngayon na ako tumawag kasi baka busy na sa darating na araw, advance Merry Christmas. Nagising ba kita?"
"Ha-ha... Ano kasi a-ate eh."
"Ano yon?"
"Si papa, nahospital. Hindi pa namin alam ang lagay nya."
"Wa-wait, what? Oh my goodness, si tito Nick. Kailangang malaman nila mama ito." Natataranta na sabi nya
"Nasabi na ata ni eh. Wag kanang mag-alala ate. Magiging maayos rin ang lahat. O'sige, mag-iingat ka dyan ha? Advance Merry Christmas rin. Mwa!"
At ibinaba ko na ang tawag.
Pabalik naman ako mapalit kala ate ng biglang nakaramdam ako ng parang lumindol.
"Naramdaman nyo ba yon ate?" Sabi ko sa kanila nila Ashiel at luminga linga pa sa paligid
"Ang alin?" They said in unison
"Pa-parang ano... Parang lumindol. Hindi nyo ba naramdaman?" Sagot ko
"Hindi naman ah sissy." Sagot ni Ashiel
"Oo nga, halika nga dito. Maupo ka." Sabi ni ate
At nung akmang uupo na ako ay parang lumindol nanaman at nanlabo yung paningin ko at... at dumilim ang paligid ng hospital.
.
.
"Okay naman na ho sya. Nasobrahan lang ho siguro ng pagod itong si Cendley." Naririnig kong sabi ng medyo matandang lalaki
"Okay ho, salamat ho doc." Parang boses ni mama yun ah at nakarinig nalang ako ng pagsarado ng pintuan
"Na-nasaan si Ca-candice?" Narinig kong sabi ni pala, boses nya eh. Parang hinang hina pa
Hindi parin ako dumidilat. Nakikinig lang ako. Nasa kwarto na pala kami at wala na sa may ER.
Mabuti na lamang ho at ayos na si Papa.
"Nasa labas, may binili lang na mga gamot." Sagot ni mama
Ididilat ko na sana ang mga mata ko dahil miss na miss ko na si papa at gusto ko na syang makita at yakapin ngunit may sinabi sya na nalapagpagulo sa isipan ko.
"Kinakarma na... na ata ako Candy. Sigu... siguro dapat malaman... na nila ang totoo." Mahinang na sabi ni papa
"Nick..." pabulong na nasabi ni mama ang pangalan nito at biglang nagkaroon ng katahimikan
Dumilat naman na ako. "Ma? Pa? Ano pong totoo?"
◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆◇◆
•All Rights Reserved 2014•
© coleensumpter •﹏•