CHAPTER 1

5.7K 144 1
                                    

"Papa wag mo kaming iwan ni mama." Umiiyak si Georgia habang nagmamakaawa sa kanyang ama.

Parang hindi siya nito narinig at di man lang nito nagawang lingunin siya. Tuloy tuloy na itong umalis.

"Mama please don't let papa go." Hawak niya ang kamay ng kanyang ina at nagmamakaawa dito.

Hindi man lang ito nagsalita, umiiyak lang ito.

Naupo sa sahig si Georgia.

"I hate you papa!" Sigaw niya.

Nilapitan niya ang kanyang ina at inakap ito.

"Mama, stop crying. Andito ko, i won't leave you." She hugged her mom tight.

At her very young age, ramdam niya ang sakit ng pag iwan sa kanila ng kanyang ama.

-------

Natapos ang pagrereminisce ni Georgia ng may makabanggaan siya. Si Lance, si Lance Montero.

"Sorry miss."

Napansin niyang umiiyak ito.

"Miss you alright? May masakit ba sayo?" Pag aalala niya dito.

Hindi ito sumagot.

"Miss ok ka lang ba?"

She nodded.

Aalis na sana siya ng pigilan siya ni Lance.

"Ahh.. Oo nga pala, sorry ha?" Inakala ni Georgia na iniintay nito ang sorry niya.

Tatalikod na siya ng hawakan siya ni Lance sa balikat. Ewan ni Lance kung bakit niya un ginawa.

"May kailangan ka pa ba? Wala naman sigurong masakit sayo, mukhang okay ka naman. Sige may klase pa kasi ko. Tsaka hindi ako nakikipag usap sa di ko kilala." Pagtataray niya dito.

"Pare suplada haha!" Si Karl. Ang cute pero may pagkamayabang na kaibigan ni Lance.

Tiningnan siya ng masama ni Lance.

Paalis na ulit si Georgia ng magsalita si Lance.

"Miss, may i know your name?"

Napaharap si Georgia.

"Excuse me? Like i've said, i don't talk to stranger." Halatang irita na si Georgia.

"Pare mataray pala si miss eh. Tsaka di ka daw niya kilala haha!" Shayne, ang joker ng barkada.

"Pare?" Si Peter. Ang mabait at serious type sa barkada. Sabay tapik kay Lance na tulala pa din.

"Pare, tulala ka ah! Tinamaan ka ba dito kay miss. Sungit?" Pang aasar ni Shayne sabay kindat kay Georgia.

Namula si Georgia.

"Lance, don't forget ikaw ang hinahabol ng girls. Hindi ikaw ang naghahabol sa kanila. Interesado ka talaga dito kay miss sungit nuh? Haha!" Dagdag pang aasar ni Karl.

Nagising sa pagkakatulala si Lance. Tiningnan niya ng masama ang mga kaibigan niya. Humarap siya kay Georgia na ngayon ay nakatingin lang sa kanila.

"Pasensya ka na sa kanila ha? Mababait naman yan mga baliw lang talaga." Hinging paumanhin ni Lance habang nakatitig kay Georgia.

Hindi nagsalita si Georgia. Tumalikod na siya ng biglang may tumawag sa kanya.

"Georgia! Best!" Si Kath ang kikay bestfriend niya.

Napa OMG ito ng makita nito sila Lance.

"Hi Lance! Im Kath." Pagpapacute nito sabay lahad ng kamay.

Lance smiled at nakipag shake hand siya dito.

Inamoy pa ni Kath ang kanyang kamay at tumili ng 'my gulay' bago muling nagsalita.

Natawa si Lance.

"Hehe sorry?" Nahihiya pa kunyari si Kath.

"Its ok." Lance with his sweet smile.

"Ehem! Best, malelate na tayo." Inip na si Georgia.

"Wait best!"

Tumingin ulit ito kay Lance.

"Pogi, bakit mo kasama best ko? Nililigawan mo ba-."

Hindi na niya natapos ang sasabihin dahil hinila na siya ni Georgia.

Natawa si Lance.

"So, Georgia pala name niya." Ngingiti ngiti pa si Lance.

When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon