CHAPTER 62

1.6K 25 0
                                    

Nagpunta sa ibang bar si Sandra. Uminom sya ng uminom. Tinawagan niya si Cheska para puntahan sya sa bar. Pagdating nito, kasama nito ang tatlong alipores niya. Nasa isang table sila ngayon.

"So, bakit mo kami pinapunta dito? At bakit ka naglalasing? May nangyari ba?" Maarteng tanong ni Cheska.

Umiyak si Sandra.

"He's breaking up with me." Sabay tungga ng alak.

"What?!" Sabay sabay na sabi ng apat.

"Sobrang nkakagulat ba yung sinabi ko? Sabagay nakakagulat naman talaga. Haha!" Parang nababaliw na sabi ni Sandra.

"OMG! Why? I mean, bakit sya nakipag break?" Cheska.

"Because of her."

"Dahil kay Georgia?!" Sabay sabay na tanong ng alipores ni Cheska.

"May iba pa ba? Nakipag break sya sakin dahil ayaw daw niya kong saktan. Pero tingin ba niya hindi ako masasaktan? I hate Georgia! Dahil sa kanya kaya ako iniwan ni Lance." Sabay inom.

"Hay naku girl! Don't worry, babalik din sayo si Lance at makakaganti kana kay Georgia. That flirt girl!" Cheska.

"But how?"

"Remember our plan?"

"Our plan?"

"Oh! I mean, my plan haha!"

May binulong si Cheska kay Sandra.

"As in? Ngayon na? Are you sure with your plan?" Sandra.

"Oh! Yes girl! Go! Tawagan mo na si Georgia habang maaga pa. Dali!"

Tinawagan ni Sandra si Georgia. Hindi ito sumasagot. Tinawagan niya ulit at sinagot nito.

"Hello. Sino to? Sorry ha? Kailangan ko na kasing matulog eh. Bye!" Ieend na sana ni Georgia nang magsalita si Sandra.

"Girl, tulungan mo ko. Please help me." Kunyaring naiiyak at natatakot na sabi ni Sandra.

Hindi maintindihan ni Georgia ang sinasabi ni Sandra dahil maingay.

"Hello. Sorry hindi kita maintindihan. Tsaka sino kaba?"

"Georgia, its me Sandra. Nandito ko sa bar ( sinabi nito ang address ). Please tulungan mo ko. Wala kasi kong ibang matawagan. Puntahan mo naman ako dito. Natatakot ako, please Georgia. Si Lance kasi.." Biglang naputol ang linya.

"Sa-sandra? Hello Sandra?" Pagtingin niya sa screen wala na syang kausap.

"Ano bang nangyari sa kanya? Si Lance, anong nangyari?" Kinakabahang sabi niya sa sarili. Hindi niya alam kung pupunta sya o hindi. Hindi sya mapakali. Pupunta sya sa bar! Nagpalit sya ng damit at umalis. Di na sya nagpaalam sa parents dahil alam nyang hindi sya nito papayagan dahil almost 10 na ng gabi.

Pagdating niya sa bar hinanap niya si Sandra pero di niya makita. May lumapit sa kanyang lalaki. Natakot siya dito kahit mukhang good boy naman to. Sa totoo lang cute sya.

"Miss don't worry u're safe with me." Nakasmile nitong sabi.

"H-ha?"

"Haha! Im sorry. Im Sandra's friend. Pinahintay ka nya sakin."

"Pinahintay?"

"Yup! May pinuntahan lang sila nung boyfriend niya ata yun. Sabi niya may darating daw syang friend and hintayin ko daw at samahan."

"Samahan?"

"Para di ka mainip sa pag intay sa kanila."

"Pero bakit mo ko kilala?"

Pinakita nito ang screen ng phone niya at nakita ni Georgia yung mukha niya.

"So, pano? Dun tayo sa table namin. Maya maya lang andito na sila."

Sumunod si Georgia sa lalaki. Pagdating nila sa table ng mga to pinaupo sya nito.

"Oh, by the way. Im John." Nakangiti nitong sabi sabay lahad ng kamay.

Nag smile din sya dito at nakipag kamay.

"Im Georgia."

Naiinip na si Georgia. Kanina pa siya nakaupo at nag hihintay pero walang dumarating. Kinakausap sya ni John pero puro ngiti lang ang sagot niya dito. Napansin nitong parang naiinip na sya.

"Naiinip kana?" Tanong nito.

Nag smile si Georgia.

"You want anything?" Tanong ulit nito.

"Juice nalang siguro."

Umalis yung lalaki at pagbalik nito may dala na tong juice.

"Here!" Nakasmile nitong sabi sabay abot sa kanya ng juice.

Inabot naman niya.

"Ahmm.. Anong oras na?" Tanong niya kay John. Wala kasi syang suot na relo at nakalimutan din nya ang phone nya sa pagmamadali niya.

Tumingin si John sa relo niya.

"Almost twelve. Sige inumin mo na yung juice mo, ihahatid nlang kita senyo after. Baka mamaya pa sila bumalik or baka nakalimutan na nilang darating ka. Para kasing di mapapaghiwalay yung dalawang yun pag magkasama."

Nalungkot si Georgia. Nasasaktan siya. "Kung ganun, nakalimutan na talaga nya ko. Masaya na talaga siya. Sabi niya mahal niya ko pero ganun lang niya ko kadaling kalimutan." Naisip niya. Naiiyak iyak na siya.

Napansin siya ni John.

"Ok ka lang?"

She nodded. Then ininom niya yung juice.

"Sige ihatid mo na ko. Late na rin kasi, bka nga nakalimutan na nila ko." Habang nagpipigil ng luha. Tumayo na sya.

Pagdating nila sa parking, sumakay sila sa kotse ni John. Pinag open pa siya nito ng pinto.

"Thanks!" Nakangiting sabi ni Georgia. Ngumiti rin sa kanya si John.

Nakaupo na silang dalawa at tumatakbo na rin ang kotse nito.

"Ano plang address niyo?" Tanong nito.

Bago makasagot si Georgia biglang para syang nahilo.

"Hey! Ok ka lang?" Narinig pa niyang tanong ni John bago sya mawalan ng malay.

When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon