"Sorry Georgia, pero kailangan kong gawin to para kay Cheska."
Buhat buhat ni John si Georgia. Nasa labas sila ng isang hotel ngayon.
------
"Shit! Anong balak niyang gawin kay Georgia? The hell you are! Hindi ako papayag na magawan mo ng masama si Georgia." Sabi ni Vince habang bumababa ng kotse at nakatingin kay John habang buhat nito si Georgia.
Kanina pa niya sinusundan ang kotse nito mula sa bar.
-------
Galing sa CR si Vince. Pabalik na sana siya sa table nila ng mga kasama niya nang mapadaan siya sa CR ng mga babae, nakabukas ito. Hindi naman niya gustong sumilip pero nakita niya si Sandra kasama sila Cheska at nagtatawanan ang mga to. Nacurious sya sa pinag uusapan nito ng marinig niyang binanggit ni Sandra yung name ni Georgia. Tumingin sya sa paligid kung may taong nagdadaan. Nang makita nyang walang ibang tao, sumandal sya sa pader malapit sa pinto ng CR at pinakinggan ang usapan ng mga to.
"Ang sama mo talaga girl! Hindi naman kaya pumalpak yung guy na yun?" Tanong ni Sandra kay Cheska.
"Well, i don't think so. Like i've said, patay na patay yun sakin. And because of that? I think magiging successful yung plan natin." Sabay evil laugh. Tatawa tawa din ang mga alipores nito.
Parang nakokonsensya naman si Sandra sa gagawin nila. Napansin naman sya ni Cheska.
"Wait! Don't tell me, nakokonsensya ka? Oh come on girl! Pag naging successful yung plan natin, babalik na sayo si Lance. Ayaw mo ba yun mangyari? And don't you ever forget na si Georgia ang dahilan kaya nakipag break sayo si Lance. Nah! Don't tell me, suko ka na?"
Biglang naalala ni Sandra yung naging usapan nila ni Lance. Its because of Georgia kaya iniwan sya ni Lance. Sya rin ang dahilan kaya sya nasasaktan. Bumalik ang galit niya dito.
"Of course not! Hindi ko igigive up si Lance para kay Georgia. Kasalanan niya to kaya kailangan nyang magbayad. Hindi ako papayag na makuha nya sakin si Lance."
"That's the spirit girl!"
Then, tumawa silang lahat na parang kontrabida. Natigil lang sila ng may tumawag sa phone ni Cheska. Kinuha ni Cheska ang phone niya pero bago nya sagutin, nag sign sya na tumahimik ang apat.
"Oh, hi John! Are you with her already?"
(----)
"Good! Galingan mo ha? Remember, yung sinabi ko sayo?" While smiling.
(----)
"Alright! Goodluck! Wag mo kong bibiguin John. Bye!" Sabay end call.
Ngumisi si Cheska bago nagsalita.
"Ok na. Kasama na niya si Georgia, nasa parking na sila at tulog na tulog na daw ang loka haha!"
Ngumisi din si Sandra bago nagsalita.
"Good! So pano? Let's celebrate?"
Nag tawanan sila.
Ang di nila alam, naivideo ni Vince ang pag uusap nila. Bago makalabas sila Sandra tumakbo na si Vince papuntang parking para hanapin si Georgia. Pagdating niya sa parking, tamang tama naman na paalis palang ang kotse ni John. Mabilis syang sumakay ng kotse niya at sinundan niya to hanggang sa makarating nga sila sa isang hotel.
Nung makita niyang pababa na to sa sasakyan at pumasok sa hotel buhat si Georgia, mabilis din syang bumaba. Sumunod sya sa loob ng di nalalaman ni John na may sumusunod sa kanila. Pumunta sya sa front desk at kumuha ng room para masundan niya to.
BINABASA MO ANG
When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?
Teen FictionPaano ba magmahal ang isang playboy? Kaya ba niyang gawin ang lahat para sa taong mahal niya? Paano kung sa manhater siya mainlove? Posible ba ang love sa isang playboy at manhater? Basahin niyo nalang para malaman niyo :)