Hahaha! Tawanan ng barkada ni Lance.
Kanina pa nila pinagtatawanan si Lance.
"Di nga pare, kinabahan ka talaga? Haha!" Shayne.
"Masama na bang kabahan ha?!" Naiinis na tanong ni Lance.
"Oo nga pala, first time mo nga palang manligaw haha!" Dagdag pang aasar ni Karl.
"Seryoso ka na ba talaga sa kanya?" Peter.
"Ewan ko. Pero sa kanya ko lang kasi to naramdaman. Ayoko siyang nasasaktan. Masaya ko pag andyan siya. Namimiss ko siya lagi. Iba siya sa mga babaeng nakilala ko." Seryosong saad ni Lance.
"Iba talaga siya pare, kasi manhater siya haha!" Karl.
Tumingin ng masama si Lance dito.
"Iba siya, coz i love her."
"Seryoso ka nga sa kanya pare. Pero sana lang di mo talaga sya sasaktan." Peter.
----------
"Talaga? Ok lang kay tita?" Kath.
Tumango si Georgia.
"Bakit parang di ka naman masaya?"
"Masaya ko."
"Masaya ka na ng lagay na yan? Bakit kanina ka pa di ngumingiti o mag smile man lang?"
"Best, you think seryoso si Lance sakin?"
"Tingin ko? Ahmm.. Tingin ko naman seryoso siya. Bakit mo natanong?"
"Wala."
"Nag aalala ka ba na baka iwanan ka din niya? Best, sa love hindi lahat may happy ending. Minsan kahit mahal ka ng isang tao darating at darating yung time na iiwan ka niya, iba iba nga lang ng paraan ng pag iwan. Sabi nila, pag nagmahal ka daw dapat u're ready to take all the risk. Mahal mo ba siya? Ready ka na ba?"
"Tingin ko mahal ko na siya. Pero di ko alam kung ready na ko. Baka kasi iwan lang din niya ko. Or baka mamaya pinaglalaruan lang pala niya ko."
Napansin ni Georgia na may tinitingnan ang kaibigan.
Lumingon siya sa likod niya. Nakita niya si Lance kasama yung tatlo.
"Lance!"
"Hindi ka ba naniniwalang seryoso ko sayo?"
"Hi-hindi naman sa hindi ako naniniwa.."
Hindi na niya natapos ang sasabihin.
"Nakikita niyo ba tong babaeng to?" Sigaw ni Lance.
Napatingin ang mga estudyante sa canteen.
"Siya yung babaeng mahal ko." Sigaw ulit ni Lance.
Iba iba ang reaksiyon ng mga estudyante. Yung iba natutuwa. Yung iba naiinggit. Yung iba kinikilig. Yung iba nanghihinayang kasi taken na si Lance.
Namula si Georgia. Tumayo siya sa harap ni Lance.
"Ano ka ba! Nakakahiya."
Tumawa si Lance.
"Gusto ko lang malaman nila na ikaw yung mahal ko. At wala na silang pag asa sakin. At.."
"At?"
"At wala ng pag asa yung mga admirer mo dahil sakin ka na." Sabay kindat nito sa kanya.
Magsasalita pa sana si Georgia pero ninakawan siya ng halik ni Lance sa lips.
Napanganga ang mga nakakita sa ginawa ni Lance.
"Kakainggit naman! Hinalikan siya ni Lance." Sabi ng isa.
"How i wish ako nalang yung girl." Sabi pa ng isa.
Nakatulala si Georgia.
"Hoy best! Nagdedaydream ka ba?!" Sigaw ni Kath.
Natauhan si Georgia.
"Ha? Ano yun?"
"Anong iniisip mo ha? Kinindatan ka lang ni Lance natulala ka na."
"Shocks! Ano ba kasi yung naisip ko na yun? Bakit ko naisip na hinalikan niya ko? Hay nakakahiya!" Georgia talking to herself.
"Georgia ok ka lang ba?" Lance.
"Ha? Ok lang ako."
"Bakit namumula mukha mo? May sakit ka ba?"
"Wa-wala, ok lang ako."
Lumapit si Lance at inakbayan siya.
"I think hindi ka ok. Halika na ihahatid na kita sa bahay niyo."
Lumakad na sila. Kasunod nila si Kath at yung tatlo.
Nakatingin pa rin ang ibang estudyante kay Lance at Georgia. Meaning ( wala na kong pag asa sa prince charming ko )
BINABASA MO ANG
When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?
Teen FictionPaano ba magmahal ang isang playboy? Kaya ba niyang gawin ang lahat para sa taong mahal niya? Paano kung sa manhater siya mainlove? Posible ba ang love sa isang playboy at manhater? Basahin niyo nalang para malaman niyo :)