"What?!" Di makapaniwalang sigaw ni Kath.
Nasa school ground sila ng kaibigan at nakaupo sa bench. Sa lakas ng boses ni Kath, napatingin sa kanila ang ibang estudyante. Napansin ito ni Kath. Tumayo sya at nag pameywang with taas ng kilay.
"Oh, e anong tinitingin tingin niyo dyan? Chismosa lang? Lumapit pa kayo, gusto niyo?"
Nag bawi ng tingin ang mga nakatingin sa kanila. Yung iba parang natakot kay Kath at yung iba umirap muna bago tumalikod.
"Mga chismosang palaka. Tsk!" Sabay upo. Humarap ulit sya kay Georgia.
"Oh, anong balak mo best? Mga bruhang yun! Nag sanib pwersa pa talaga sila huh!" Habang naka cross arms at halatang inis na inis.
"Hindi ko alam best."
"Don't tell me, palalagpasin mo nlang yung ginawa nila sayo?!"
Hindi nagsalita si Georgia. Yumuko sya at napa buntong hininga.
"Hindi naman yun yung mas inaalala ko best. Isa pa, wala din naman nangyari sa plano nila."
"Yeah right! Thanks to Vince! Naku! Mga luka luka talaga yung mga babaeng yun! Ang sarap nilang kalbuhin at ipalapa sa aso. Mali pala, ang sarap nilang ipakain sa buwaya. O kaya, ilibing nlang ng buhay!"
"Best talaga."
"Ayan! Yan problema sayo best. Masyado ka kasing mabait. Kung sakin nila ginawa yun. Swear! Manghihiram sila ng mukha sa aso. Pasalamat sila at di naging successful yung plan nila."
"Kaya nga ayoko na silang patulan best."
"Hay naku! Oo na! E ano ba kasing iniisip mo?"
Yumuko si Georgia bago nagsalita.
"Diba sabi ko sayo. Nakipag break si Lance kay Sandra dahil sakin."
"Oh, anong problema don? Ibig sabihin lang nun, mahal ka pa niya." Biglang napatakip sa bibig si Kath. "Oh my G!" Sabay hawak sa balikat ni Georgia. "Best! Mahal ka talaga ni Lance!" Sigaw niya na parang kinikilig. Buti nlang at wala ng malapit na estudyante sa kanila.
Parang nalungkot naman si Georgia. Napansin sya ni Kath.
"E bakit parang malungkot ka? Hindi kaba natutuwa at nalaman mong mahal ka talaga niya?"
"Ayokong saktan si Vince."
Napakunot noo si Kath.
"Bakit mo naman masasaktan si Vince? Diba, hindi naman talaga kayo?" Nagtatakang tanong nito. Biglang nanlaki ang mata nito. "OMG! Wag mong sabihin sakin best na gusto mo na sya?"
"Hindi naman siya mahirap magustuhan best eh."
"So, gusto mo na nga sya?"
Umiling si Georgia.
"Haist! Kagulo mo naman best eh!" Napapakamot sa ulong sabi ni Kath.
"Umamin sya sakin, ma-mahal daw niya ko." Malungkot na sabi ni Georgia.
"Talaga? Umamin sya sayo?" Naeexcite na tanong ni Kath pero napansin nyang malungkot ang kaibigan. "Bakit malungkot ka pa rin? Mahal ka naman pala ng tao. Umamin ka best, mahal mo pa si Lance nuh?"
"Hindi naman nawala yung pagmamahal ko kay Lance best. Oo, nagalit ako sa kanya. At tuwing maaalala ko yung ginawa niya, bumabalik yung sakit na naramdaman ko. Nasasaktan pa rin ako hanggang ngayon dahil sa kanya. Nasasaktan ako dahil mahal ko pa sya. Nahihirapan ako, ayokong saktan si Vince pero ayoko rin syang paasahin lalo na't alam niyang mahal ko pa din si Lance. Ano bang dapat kong gawin best?" Umiiyak na sabi ni Georgia.
BINABASA MO ANG
When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?
Teen FictionPaano ba magmahal ang isang playboy? Kaya ba niyang gawin ang lahat para sa taong mahal niya? Paano kung sa manhater siya mainlove? Posible ba ang love sa isang playboy at manhater? Basahin niyo nalang para malaman niyo :)