Umaga na ng makauwi si Georgia. Nasa tapat na siya ng gate nila. Magang maga na ang mata niya. Papasok na sana siya nang may makita syang envelope sa tapat ng gate nila. Kinuha niya. Nagdadalawang isip siya kung bubuksan yun o hindi. Pero pinili niyang buksan. May passport, ticket at iba pang travel document sa loob. At isang sulat. Binasa niya.
Georgia
Anak miss na miss kana ni papa. Siguro galit ka pa rin sakin dahil sa pag iwan ko sa inyo ng mama mo. Pero hindi mo ko masisisi dahil nasaktan lang ako. Nagtatampo na nga din ako dahil sa dami ng sulat na pinadala ko sayo kahit isa wala kang sinagot.
Inayos ko na pala lahat ng kailangan mo para kung sakaling gusto mong mag bakasyon sakin wala ka ng aayusin. Gusto na kitang makasama anak kahit ngayong bakasyon lang.
Mahal na mahal ka ni papa.
Muntik ng mahulog ang hawak niya pagkabasa ng sulat ng papa niya.
"Si papa, sumusulat siya sakin?" Nanginginig ang buong katawan niya. Umiiyak na naman siya.
Mabilis siyang pumasok sa loob ng bahay. Pumunta siya sa kwarto ng mama niya. Wala ito, hinalungkat niya ang mga gamit nito. May nakita siyang kahon. Pag open niya, maraming sulat at puro galing sa papa niya. Binasa niyang lahat. Tumutulo ang luha niya hanggang matapos siyang magbasa.
Bumukas ang pinto. Nagulat ang mama niya. Namutla ito ng makita ang hawak niya.
"Anak, im sorry. Hindi ko alam kung pano ko sasabihin sayo ang totoo kaya.." Umiiyak nitong sabi.
Tumayo si Georgia at lumapit sa ina. Galit na galit siya.
"Kaya ano ma?! Kaya niloko mo ko?! Puro kayo manloloko! Masaya ba kayo na niloloko ko ha?!"
"Anak patawarin mo ko. Hindi ko gustong lokohin ka."
"Ma, kinamuhian ko si papa kasi akala ko iniwan niya tayo ng walang dahilan. Yun naman pala, ikaw yung may kasalanan. Ma ginawa mo kong tanga. Hinayaan mo kong magalit kay papa kahit di naman dapat."
"Anak pinagsisihan kong lahat. Hindi ko sinabi sayo kasi ayokong pati ikaw iwan ako."
"Selfish ka ma! Kahit magsisi ka, huli na dahil napuno ng galit ang puso ko dahil dyan sa pagiging makasarili mo!" Sigaw ni Georgia sa ina habang patuloy sa pag iyak.
Hinawakan siya sa balikat ng ina pero tinabig niya ang kamay nito.
"Wag mo kong hahawakan ma. Galit ako sayo! Kinamumuhian kita!" Sabay talikod. Pumunta siya sa kwarto niya. Nakapag desisyon na siya. Pupunta siya sa papa niya.
Sinundan siya ng ina. Inabutan siya nitong nag eempake.
"Anak san ka pupunta?" Umiiyak nitong tanong.
Hindi sumagot si Georgia. Inakap siya sa likod ng ina.
"Anak patawarin mo ko. Wag mo kong iiwan please. Mahal na mahal ka ni mama."
Humarap si Georgia dito.
"Mahal? Sarili niyo lang ang mahal mo ma!"
Tinapos niya ang pag eempake. Pagkatapos niya, mabilis siyang bumaba ng hagdan. Sinundan siya ng ina. Malapit na siya sa pintuan ng abutan ng ina. Hinawakan siya sa braso.
"Anak wag kang umalis pakiusap." Umiiyak nitong pakiusap.
Inalis ni Georgia ang kamay nito at humarap dito.
"Hindi niyo na ko mapipigil. Pupuntahan ko si papa, na matagal ko na sanang nagawa kundi lang dahil sa panloloko mo sakin."
Wala ng nagawa ang mama niya. Tuluyan na siyang lumabas. Pakiramdam niya talagang sasabog na ang dibdib niya. Punong puno ito ng galit. Hinang hina siya. Dalawang taong mahal niya ang nanloko sa kanya. Napakasakit! Hindi na niya kayang makita o makasama ang mga ito. Lalayo muna siya.
Nag stay muna siya sa hotel dahil inayos pa niya ang sched ng flight niya. Tinawagan na rin niya ang kaibigan para sabihin ang nangyari at ang desisyon niya. Di naman ito tumutol dahil naintindihan siya nito. Sa papa niya muna siya hanggang bakasyon.
BINABASA MO ANG
When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?
Teen FictionPaano ba magmahal ang isang playboy? Kaya ba niyang gawin ang lahat para sa taong mahal niya? Paano kung sa manhater siya mainlove? Posible ba ang love sa isang playboy at manhater? Basahin niyo nalang para malaman niyo :)