CHAPTER 59

1.5K 26 0
                                    

"Best? Ui best? Sorry na nga kasi. Naawa kasi ko kay Lance eh kaya di ko sya natanggihan nung nakiusap sya sakin. Gusto ka lang naman kausapin ng tao. Sorry na ha?" Sabi ni Kath sa kaibigan. Kanina pa sya sunod ng sunod kay Georgia pero hindi to humihinto sa paglalakad. Hindi rin to nagsasalita. Nasa school na sila at papuntang room nila.

"Best magsalita ka naman. Ano, nakapag usap ba kayo? Anong napag usapan niyo? Sobrang galit kaba sakin kaya ayaw mo kong kausapin?"

Hindi pa rin nagsasalita si Georgia, tuloy lang to sa paglalakad. Napansin nyang hindi na nagsasalita ang kaibigan. Napatigil sya sa paglalakad. Nakita niyang may tinitingnan ang kaibigan. Nacurious sya kaya tumingin sya sa tinitingnan nito. Si Lance at yung tatlong ugok kausap ang mga girls. Tuwang tuwa at kilig na kilig naman ang mga babae. Nakita din nya ng dumating si Sandra at hinalikan si Lance sa lips. Nag alisan naman ang mga babae. Nadismaya lang sya sa nakita. Tama! Nasasaktan sya.

Napansin sya ng kaibigan.

"Ok ka lang best?" Tanong nito.

Nag fake smile si Georgia.

"Anong klaseng tanong yan best? Syempre ok lang ako. Tsaka di ako galit sayo, may iniisip lang ako. Lika na baka malate tayo." Sabay talikod.

Pero bago pa sila makapaglakad may nagsalita sa likod nila.

"Hey! Kumusta naman yung makita mong masaya na ulit yung ex mo? Ano? Masakit ba?"

Napalingon silang dalawa sa nagsalita. Nakita nila si Cheska kasama ang alipores nito.

"Excuse me?" Nakataas ang isang kilay na sabi ni Kath dito.

Tinaasan din sya ng kilay ni Cheska habang nka cross arms. Ginaya naman sya ng mga alipores niya.

"So? Anong masasabi mo sa nakita mo Georgia?" Tanong ni Cheska.

"Yeah! Anong masasabi mo dun girl?" Alipores1.

"Oo nga! Anong masasabi mo?" Alipores2 and 3.

Tiningnan sila ng masama ni Cheska. Napayuko ang mga to.

"Wow ha! Sirang plaka lang? Paulit ulit? At ano kayo? Second voice ng amo niyo? Haha!" Kath.

Inirapan sya ng mga to. Inirapan din sila ni Kath.

Napabuntong hininga si Georgia.

"Listen Cheska. Pwede tantanan mo na ko? Wala na kami ni Lance kaya wala na kong pakialam kung masaya sya ngayon o hindi. Tsaka pwede, tigilan mo yung pagsunod sunod sakin kung tungkol lang naman kay Lance yung sasabihin mo? Masyado ka na kasing obvious eh!"

"Obvious? Anong ibig mong sabihin?" tanong ni Cheska.

"Masyado ka ng obvious na patay na patay ka kay Lance. Pero sorry dear, i think wala kna ulit pag asa sa kanya."

Magsasalita sana si Cheska pero inunahan sya ni Georgia.

"Oh! Pero try mong magmakaawa sa kanya, malay mo maawa na sya sayo. And by the way, thanks nga pala ha? Thanks sa video."

Halatang inis na inis naman si Cheska.

"Anong sabi mo?" Inis na inis na tanong nito.

Sasagot sana si Georgia pero may tumawag sa kanya.

"Georgia!"

Napalingon silang lahat. Si Sandra, kasama si Lance at yung tatlong ugok.

Di matingnan ni Georgia si Lance. Naiilang syang tingnan ito pagkatapos ng pag uusap nila.

"What's happening here? Inaaway kaba nila?" Tanong ni Sandra na nakalapit na pala kay Georgia.

Parang nagulat naman si Georgia.

"H-ha?"

Hindi sya sinagot ni Sandra, humarap ito kay Cheska.

"Hey you! Pag inaway mo pa ulit si Georgia, akong makakalaban mo!" Sigaw nito.

Parang nagulat naman si Cheska pero naalala nya yung plan nila. Napangiti sya ng palihim. "Good job girl!" Naisip niya.

"I heard, may gusto ka kay Lance? Sorry girl, pero hindi ako papayag na maagaw mo sya sakin. Kung nagawa mo silang sirain ni Georgia, well, hindi mo yun magagawa samin." Sabay lapit kay Lance at kumapit sa braso nito. "Right honey?" Habang nakatingala kay Lance.

Nag smile si Lance.

"Yes, of course! Walang makakasira satin. And im all yours."

Nasaktan si Georgia. Nasaktan siya dahil naisip niyang hinayaan ni Lance na masira ang relasyon nila pero pagdating kay Sandra hindi ito papayag na masira sila. At sinabi pa nitong kay Sandra lang sya. Nakita din niyang tumingin ito sa kanya pero parang balewala ang presence niya dito. Napansin siya ni Sandra.

"Ooops! Sorry? I didn't mean anything. Inaaway ka kasi nila because of Lance." Kunyaring nag aalalang sabi nito.

"Duh! If i know, gusto mo lang din saktan si best nuh! Bakit ba nauso plastic sa mundo? Urghh!" Bulong ni Kath habang nka cross arms at may pataas taas pa ang kilay. May panguso nguso at pairap irap.

Pero narinig naman nila ang binulong nito. Napatingin sila dito.

"Oh bakit kayo nakatingin? May masama ba sa itsura ko? May mali ba sa sinabi ko?" Pagtataray ni Kath.

Natingin si Georgia kay Sandra. Nag fake smile naman ito sa kanya. Nag smile sya ng pilit dito.

Nag walk out naman si Cheska at ang alipores nito.

"So, pano Georgia? Una na kami ha? Pag inaway ka ulit nun sabihin mo sakin, ok?"

Nag smile lang ng tipid si Georgia. Bumeso pa si Sandra sa kanya bago ito umalis. Nakatingin lang sya kila Lance habang papalayo ang mga to.

"Ibig sabihin ba nun, wala na talaga kayong pag asa ni Lance? Tinapos niyo na talaga?" Tanong ni Kath.

"Matagal na kaming tapos best. Tsaka sabi ko naman sayo, hindi ko na sya mahal." Malungkot na sabi ni Georgia. "Lika na, malelate na tayo." Sabay lakad. Napansin nyang hindi sumunod si Kath sa kanya kaya huminto sya. Paglingon nya, nakita nyang nkatingin to sa kanya. Tingin na parang nag aalala. Gusto nyang umiyak pero pinipigilan nya. Pinilit niyang ngumiti dito bago nagsalita.

"Ok lang ako best."

Hindi nagsalita si Kath. Nilapitan sya nito at hinug sya.

When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon