"Best labas na dali!" Pilit ni Kath kay Georgia.
"Ayoko talaga best. Mamaya nalang, dito nalang muna ko." Nakahawak si Georgia sa gilid ng pintuan ng room nila.
Hinihila naman siya ni Kath palabas.
"Ay! Labas na kasi!"
"Ayoko best. Nahihiya ako."
"Sus! Bakit ka naman mahihiya? Kung sakin lang yang katawan mo, ay naku! Maglaway sila. Dali labas!"
"Ayoko! Bakit ba kasi ganito pa pinasuot mo sakin? Pwede naman na ano.."
"Na ano? Don't tell me magpapants ka? Hello! Nasa beach po tayo. Buti nga hindi two piece pinasuot ko sayo weh!"
Naghihitakan pa rin silang dalawa ng may magsalita.
"Anong ginagawa niyong dalawa?" Peter.
Nagulat si Kath.
"Ay hinog na mangga!" Sabay bitaw kay Georgia.
Boogsh!
"Aray! Ano kaba best! Bakit mo ko binitawan?!" Sigaw ni Georgia. Natumba siya.
Nagulat sila Lance sa sigaw niya kaya lumabas to kasama ng dalawang ugok sa kwarto.
"What's happening here?" Tanong ni Lance.
"Ahh.. Ehh.." Kath.
Narinig nilang umaray si Georgia. Sabay sabay silang napalingon dito.
"Wow!" Karl and Shayne. Halatang nagulat ng makita si Georgia.
Naka over all na swimsuit kasi si Georgia tapos naka double siya ng maikling shorts. Ngayon lang nila to nakitang nagsuot ng mailki. Lagi kasi syang nakapants.
Sumama ang tingin ni Lance sa dalawang ugok.
"Yan kasi titingin tingin pa." Kath. Nag bheelat pa kay Shayne.
Gusto mo ba ikaw yung tingnan ko? Poste girl?" Inis naman na sabi ni Shayne.
"Whatever! Macho-lis ang buto!" Sabay irap ni Kath.
Sa totoo lang nagulat din si Lance ng makita niya si Georgia. Nainis siya sa dalawa, ayaw niya kasing may ibang tumitingin sa girlfriend niya kahit kaibigan pa niya. Nilapitan niya si Georgia para tulungan tumayo.
"Let me help you." Sabay abot ng kamay niya.
Nahihiya si Georgia. Ayaw niya kasing magpakita dito na ganun ang suot niya. Pero masakit kasi pagkakabagsak niya kaya di siya makatayong mag isa. Inabot niya ang kamay nito. Itatayo na sana siya nito pero dahil madulas yung tsinelas niya nabuwal silang dalawa. Nadaganan siya ni Lance.
Titigan portion sila.
Dug.. Dug.. Dug.. Napalunok sila parehas. Nakalimutan nilang may kasama pala sila.
Napatingin si Lance sa dibdib ni Georgia. Lunok.
Napansin siya ni Georgia. Tiningnan niya kung anong tinitingnan nito. Nakita niyang medyo lumitaw yung cleavage niya. Nag blush silang dalawa.
"Ehem! Nandito po kami. Pero kung gusto niyo lalabas muna kami." Panunukso ni Kath sa dalawa.
Natawa yung tatlong ugok.
Namula lalo ang mukha ni Georgia. Parang natauhan naman si Lance. Mabilis niyang itinayo si Georgia.
"Aray!" Sabi ni Georgia pagkatayo nila. Hawak ang balakang niya.
"Kaya mo bang lumakad?" Nag aalalang tanong ni Lance.
"Kaya ko naman siguro." Sabay lakad pero masakit talaga balakang niya kaya napa aray ulit siya.
Nagulat siya ng buhatin siya ni Lance. Hiyang hiya siya sa nangyari kanina pero wala naman siyang magagawa. Hindi siya makalakad mag isa. Dinala siya nito sa kama.
"Lance! Labas ka ha!" Narinig nilang sigaw ni Karl.
Tapos nagtawanan ang mga to.
Nag blush silang dalawa.
"Mga baliw!" Sigaw naman ni Lance.
Ibinaba na niya si Georgia tapos lumabas na siya.
BINABASA MO ANG
When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?
Teen FictionPaano ba magmahal ang isang playboy? Kaya ba niyang gawin ang lahat para sa taong mahal niya? Paano kung sa manhater siya mainlove? Posible ba ang love sa isang playboy at manhater? Basahin niyo nalang para malaman niyo :)