Nasa cottage sila ngayon at nagpapahinga dahil napagod silang anim sa paglalaro sa dagat. Nakaupo si Georgia habang nakahiga naman si Lance at nakapatong ang ulo sa lap niya. Nilalaro laro niya ang buhok nito. Yung apat naman busy sa pagkaen.
"Can we join you guys?"
Napatingin sila sa nagsalita. Si Cheska nasa entrance ng cottage kasama ang alipores nito. Tumayo si Lance.
"Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Lance.
Nag smile si Cheska.
"Oh well. Wala naman sigurong masama kung dito rin namin gustong i-spend ang vacation namin, right?"
"Sure ka yun lang talaga dahilan? O baka sinusundan mo si Lance?" Singit ni Kath na nakataas ang kilay.
"Haha! Of course not! Nakita lang namin kayo kaya lumapit kami. And malay ba namin na dito din pala kayo pupunta? Right girls?"
"E diba sabi mo susundan natin sila dito?" Alipores1.
Tiningnan siya ng masama ni Cheska.
"Stupid! Ang sabi ko susundan natin yung crush ko dito sa bora!" Sabay tingin ulit ng masama sa alipores. Meaning (ibubuking mo pa kong boba ka!)
"Wew! Baka naman kasi si Lance yung crush mo?" Kath.
Tumawa si Cheska, ginaya naman siya ng mga alipores niya.
"Siyempre hindi nuh!" Pagkakaila ni Cheska.
"Talaga lang ha?" Kath.
"Best tama na yan. Ahmm Cheska, i think wag muna ngayon baka kasi magka war pa." Singit ni Georgia.
Nag smile si Cheska. Smile na parang may binabalak na masama.
"Alright. Bye guys! Enjoy!" Sabay talikod. Pero bigla ulit humarap.
"Georgia?"
Napalingon sila.
"Enjoy your vacation here with Lance. Who knows? Ito na pala yung last bonding niyo together."
"What do you mean?" Lance.
Cheska smiled.
"Oh nothing! Bye!" Sabay talikod. Tapos naglakad na sila palayo ng alipores niya.
"Panira talaga ng moment yung bruha na yun!" Kath.
------
Holding hands while walking. Yan ang peg ni Lance at Georgia ngayon. Naglalakad sila sa dalampasigan habang magka holding hands.
"Lance, pano kung ito na nga yung last bonding natin together?" Tanong ni Georgia.
"Babe, i know magbabakasyon na at baka maging busy sched ko sa modelling but don't worry kahit gano pa ko kabusy i'll assure you na magkakatime pa rin ako sayo."
Huminto si Georgia sa paglalakad. Huminto rin si Lance. Magkaharap sila.
"Hindi naman yun ang ibig kong sabihin Lance. Pano kung.. Pano kung ano.." She bite her lips hindi niya masabi ang sasabihin.
Hinawakan siya sa kamay ni Lance. Nakatingin sila sa isa't isa.
"Ok. I know what you're going to say. Listen to me babe, hindi kita iiwan. Ikaw lang yung babaeng gusto kong mahalin. And you're the girl who i want to spend the rest of my life with. Alam ko masyado pang maaga para sabihin ko yun sayo pero sa tingin ko ikaw na yung babaeng mamahalin ko forever."
Tumulo ang luha ni Georgia.
"Why are you crying?" Tanong ni Lance sabay wipe ng tears ni Georgia.
Nag smile si Georgia.
"Tears of joy?" Sabay tawa ng mahina.
Natawa din si Lance.
"Mahal na mahal kita babe."
"Mahal na mahal din kita Lance."
Nag hug sila.
"Hinding hindi tayo maghihiwalay." Sabi ni Lance habang magkayakap sila.
--------
"Sige lang Georgia. Magsaya kalang habang kasama mo pa si Lance. Dahil bukas, pagsisisihan mong nakilala mo pa siya." Nakangising sabi ni Cheska. Sabay tawang kontrabida.
Kanina pa nila tinitingnan sila Lance at Georgia.
"You're really a bitch!" Alipores1.
"Bitch na kung bitch. Pero hindi isang Georgia ang makakatalo sakin hahaha!"
"You're so bad!" Alipores2.
Tiningnan siya ng masama ni Cheska sabay taas ng kilay.
"Hinihingi ko bang opinion mo?!" Sigaw ni Cheska dito.
Natakot ang alipores niya kaya nagsitahimik ang mga to.
BINABASA MO ANG
When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?
Teen FictionPaano ba magmahal ang isang playboy? Kaya ba niyang gawin ang lahat para sa taong mahal niya? Paano kung sa manhater siya mainlove? Posible ba ang love sa isang playboy at manhater? Basahin niyo nalang para malaman niyo :)