CHAPTER 23

2K 41 0
                                    

"Best ano? Attend tayong acquaintance ha?"

Nasa classroom sila ngayon. Katatapos ng first period nila. Katatapos lang din iannounce na may welcome party para sa mga freshmen tulad nila.

"Ikaw nalang best. Alam mo namang hindi ako umaattend sa mga party na yan." Tanggi ni Georgia.

"Hello! Best i think its about time na maranasan mo naman yung makipag party. Teenager kana nuh!" Nakataas ang kilay na saad ni Kath.

"Ayoko talaga best. Aantukin lang ako dun. Tsaka wala akong isusuot."

"Edi papahiramin kita o kaya magpabili ka kay tita. Im sure papayag yun na pumunta ka."

"Best. No!"

"E pano kung pumunta si Lance? Gugustuhin mo ba na iba yung kadate niya?"

Naalala ni Georgia yung nangyari sa garden.

"Siyempre ayoko."

Nagtilian ang mga classmate nila.

"Oh my gosh si Lance!" Their girls and gays classmate.

"Bakit kaya siya andito? Aayain kaya niya kong maging date sa party?" Kinikilig na sabi ng isa.

"Assuming ka naman girl! Siyempre ako pipiliin niya nuh!" Sabi ng isa pa.

Nakita nilang lumapit si Lance kay Georgia.

"Aww! Taken na nga pala siya." Sabi ng isa.

"Ayan kasi! Mga ambisyosang frog kayo!" Sabi ng isang bakla.

Nag irapan sila.

Naupo si Lance sa tabi ni Georgia.

"Pupunta ka ba sa party?" Lance.

"Hay naku Lance! Hindi daw yan pupunta. Ikaw na ngang kumausap diyan. Singit ni Kath

"Kung hindi ka pupunta. Hindi na rin ako pupunta." Lance.

Nagulat si Georgia. Pati si Kath at barkada ni Lance.

"What pare?! Bakit hindi ka pupunta?" Shayne.

"Kung wala si Georgia hindi rin ako makakapag enjoy."

Kinilig si Georgia. Pero di niya pinahalata. Nakonsensiya siya. Ayaw naman niyang maging dahilan para di pumunta si Lance.

"Sige na, pupunta na ko."

"Talaga best?" Masayang sabi ni Kath.

Tumango si Georgia.

"Yehey!" Lumulundag pa si Kath.

"You're so naive." Sabi ni Shayne dito.

"Bakit masama bang lumundag pag masaya?" Mataray na tanong ni Kath dito.

"Ayan na naman kayo. Mamaya kayo pa magkatuluyan dyan. Ikaw naman kasi Shayne, bakit mo ba laging inaaway si Kath?" Peter.

Nangiti si Kath. Lumapit kay Peter.

"Buti pa si Peter mabait." Sabay bhelat kay Shayne.

"Haist! Parang bata talaga!" Shayne.

---------

"Best!" Tawag ni Kath kay Georgia.

Nasa mall sila ngayon para bumili ng isusuot nila.

Lumapit si Georgia dito.

"Makatawag ka naman best! Ano ba yun?"

"Look! Diba ang ganda?"

May hawak itong blue formal cocktail dress na may silver floral design.

Tiningnan ito ni Georgia.

"Maganda."

"Wow ha! Ganda ng comment mo promise!"

"Alam mo naman na wala kong hilig sa mga dress. Yan ba isusuot mo?"

"Oo na, oo na! Pero hindi ito ang isusuot ko."

"Bakit pinakita mo pa sakin?"

Kath rolled her eyes.

"Epekto ba yan ng pagiging manhater mo dati best? Shunga lang eh nuh? Sino bang walang isusuot satin?"

"Ha? Isusuot ko yan?"

"Ai hindi best. Si Lance magsusuot nito. Tsk!"

"Ayokong isuot yan. Bakit ba kasi kailangan pang ganyan yung suot?"

"Hello! Baka nakakalimutan mo, si Lance Montero ang kadate mo. Ano yun? Gusto mong mag mukhang julalay niya?"

"Siyempre hindi."

"Yun naman pala eh! Ito ang isusuot mo. Trust me! Akong bahala sayo."

"Kailangan ba talaga yan yung isuot ko?"

"Wag ng umangal best."

Wala ng nagawa si Georgia. Binili na nila yung dress.

Next stop. Bilihan ng heels. Wala na din nagawa si Georgia sa pinili ng kaibigan. Binayaran nalang din niya ito kahit hindi siya sure kung kaya niya yun ilakad.

When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon