"Best!" Sigaw ni Kath habang kumakaway.
Palabas na sila Georgia sa airport. Nakita niyang kumakaway ang kaibigin. Nag wave din siya dito. Pagkalapit niya dito nag hug sila.
"I missed you best!" Kath.
"Mas namiss kita best."
"Nah! Mas namiss kaya kitang bruha ka!"
Nag hiwalay sila sa pagkakahug. Tapos naghawak sila ng kamay habang magkaharap.
"Ang ganda mo naman best!" Kath.
"Dati na kong maganda nuh!"
Nagtawanan sila.
"Mali ako best. Ang ganda ganda mo ngayon. Ikaw ba talaga yan?" Hindi makapaniwala si Kath dahil ibang iba na si Georgia. Very sophisticated na siyang tingnan, malayong malayo sa dating Georgia.
Umikot si Georgia tapos nagtawanan sila.
Napansin ni Kath ang kasama ng kaibigan.
"Sino siya best?"
"Ha? Edi si papa."
"Weh? Pinaglololoko mo ba ko best? Boyfriend mo siya nuh? Infairness! Mas type mo na pala yung mas may edad sayo ng konti. Pero dibale, gwapo naman eh!"
Natawa ang papa ni Georgia.
"Nakakatuwa pala yung bestfriend mo anak haha!"
Nagulat si Kath. Nanlaki ang mata nito.
"Anak? Ikaw talaga yung papa ni best?"
Tumango ito.
"Hehe sorry po. Ang bata niyo naman po kasing tingnan eh." Nahihiyang sabi ni Kath.
Nagtawanan ang mag ama.
Ngayon lang napansin ni Kath na kahawig nga ito ng kaibigan.
-------
"Anak?!" Nagulat ang mama ni Georgia ng makita kung sino ang nagbukas ng pinto ng kwarto niya. Nakahiga ito. Mula ng iwan siya ng anak humina ang katawan niya kaya lagi siyang nakahiga.
"Ma!" Naawa si Georgia sa kalagayan ng ina. Pumayat ito at nawala ang dating ganda ng mukha nito. Napaiyak siya. Lumapit siya dito at inakap ng mahigpit ang ina.
"Anak patawarin mo ko." Umiiyak nitong sabi.
Umalis sa pagkakayakap sa ina si Georgia. Hinawakan niya ang dalawang kamay nito.
"Matagal na kitang pinatawad ma. Sorry po kung nagpadala ko agad sa galit ko sayo."
"Hindi anak. Kasalanan ko naman ang lahat. Patawarin mo ko sa ginawa ko."
Inakap niya ang ina.
"Sobrang namiss kita ma."
"Namiss din kita anak."
"I love you ma."
"I love you too anak."
Bumukas ulit ang pinto.
"Hindi niyo ba ko isasali dyan?"
Napalingon ang mag ina. Nagulat ang ina ni Georgia sa nagsalita.
"Rigo?"
Nag smile ito.
"Ako nga Carmi."
Pinilit tumayo ng mama ni Georgia pero medyo nabuwal ito kaya inalalayan siya ni Georgia tumayo.
"Rigo, patawarin mo ko. Hindi ko sinasadyang lokohin ka. Nadala lang ako pero maniwala ka, ikaw lang yung lalaking minahal ko. Yung nakita mo, pinilit lang ako ni Tomas. Malakas siya kaya wala akong nagawa." Umiiyak na sabi ng ina ni Georgia.
Umiiyak naman si Georgia habang pinapanood ang parents niya.
"Matagal na kitang pinatawad Carmi. Sorry kung hindi kita pinakinggan noon. Sorry kung naging mahina ako. Nag desisyon akong iwan kayo ng hindi ako nag iisip. Nagpadala ko sa galit ko. Akala ko niloloko mo ko. Sorry kung hindi muna kita hinayaan na magpaliwanag. Patawarin mo ko kung hindi ko kayo nagawang balikan sa mahabang panahon. Natakot akong harapin ang problema, naging duwag ako. Pero nang makita ko ulit ang anak natin, i realized something. Hindi pa naman siguro huli ang lahat para itama natin lahat ng mali nating nagawa." Umiiyak na ring sabi ng papa ni Georgia. Sabay yakap sa asawa.
Sumali si Georgia sa parents niya at nag group hug sila.
Masayang masaya si Georgia dahil masaya at kompleto na ulit ang family nila.
BINABASA MO ANG
When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?
Dla nastolatkówPaano ba magmahal ang isang playboy? Kaya ba niyang gawin ang lahat para sa taong mahal niya? Paano kung sa manhater siya mainlove? Posible ba ang love sa isang playboy at manhater? Basahin niyo nalang para malaman niyo :)