CHAPTER 61

1.6K 26 0
                                    

"Honey, ok ka lang?"

Hindi nagsasalita si Lance. Nakaupo lang ito at umiinom. Nasa bar sila kasama yung tatlong ugok.

"Pare, ang dami mo ng naiinom. Ok ka lang ba?" Peter.

"Mukha ba syang ok pare? Para nga syang namatayan oh! Haha!" Shayne.

"Tama! Namatayan, namatayan ng puso haha!" Karl.

Hindi pa rin nagsalita si Lance. Sanay na rin si Sandra sa tatlo kaya hindi nalang niya pinapansin ang mga to kapag inaasar nila si Lance about Georgia. Pero naiinis sya at nagseselos.

Umalis ang tatlo, sasayaw nlang daw sila at maghahanap ng babae.

"Honey?" Tawag ulit ni Sandra dito. Kumapit sya sa braso nito. Ikikiss sana niya si Lance pero umiwas ito. Ikikiss niya ulit ito pero tinabig sya nito kaya medyo nabuwal sya sa upuan. Buti nlang at mahaba yung sofa sa table nila kaya di sya nahulog.

"Ano bang problema mo Lance?!" Naiinis na pasigaw na tanong ni Sandra.

Parang natauhan naman si Lance. Tumingin sya kay Sandra na katabi nya sa sofa.

"I-im sorry Sandra. Gusto ko munang mapag isa." Habang sabunot ang buhok. "Please, iwan mo muna ko." Sabay inom ng alak.

"No! Ayoko! Hindi ako aalis kung di mo sasabihin sakin kung anong problema." Naka cross arms na sabi ni Sandra na halatang nagpipigil ng inis.

Ibinaba ni Lance ang iniinom at ipinatong ang siko sa table. Ipinatong naman niya ang mukha sa kamay niya na parang nilalamukos ang mukha.

"Please Sandra. Wag muna ngayon." Si Lance. Habang nagpipigil ng inis.

Hindi na napigil ni Sandra ang inis nya kaya tumayo siya.

"Is it because of her, kaya ka nagkakaganyan, ha Lance?!" Sigaw nito.

Napatingin sa kanila ang ibang tao na malapit sa table nila. Hindi sila pinansin ni Sandra.

"Dahil sa kanya diba?! Kaya mo nilulunod yung sarili mo sa alak dahil sa kanya!" Maiyak iyak na sigaw ulit nito.

Naawa si Lance dito nang makita niyang maiyak iyak na to. Tumayo siya para pigilin si Sandra. Hinawakan niya to sa braso pero tinabig nito ang kamay niya.

"Sandra please, wag dito. Ok, mag usap tayo." Sabay hawak sa kamay ni Sandra at hinila ito palabas ng bar. Nagpunta sila sa parking area sa tapat ng kotse ni Lance.

"Im sorry." Lance.

Sinampal siya ni Sandra.

"Siya pa rin ba Lance?! Kulang pa rin ba yung ginagawa ko para mapalitan ko sya dyan sa puso mo ha?!" Sabay duro sa dibdib ni Lance habang umiiyak.

Hinawakan sya sa kamay ni Lance pero tinabig niya ang kamay nito.

"Lance, ano bang meron sya na wala ako ha?! Ginawa ko ng lahat para mapalitan ko sya pero kulang pa rin! Mahal na mahal kita Lance eh! Sana naman kahit minsan iparamdam mo rin sakin na mahalaga ko sayo kahit konti lang. Tinitiis ko lahat ng sakit, yung selos. Lalo na kapag kaharap natin sya. Alam ko kasi na may feelings ka pa rin sa kanya pero tiniis ko lahat yun Lance dahil mahal kita."

Hinawakan sya sa mukha ni Lance.

"Sandra, im sorry. Ayokong saktan ka. Sinubukan ko, sinubukan kong magustuhan ka pero di ko talaga kaya. Sya lang yung babaeng mahal ko at kahit hindi na nya ko mahal, mamahalin ko pa rin sya. Im sorry."

Sinampal ulit sya ni Sandra. Napahawak na sya sa pisngi dahil mas msakit ang sampal nito ngayon.

"Nakuha mo naba sya Lance kaya ganyan mo sya kagusto? Huh! Akala ko pa naman matinong babae sya pero bumigay naman pla sya sayo."

Nainis si Lance sa sinabi nito. Hinawakan nya sa magkabilang braso si Sandra.

"A-aray! Lance ano ba?! Bitiwan mo ko!" Sigaw ni Sandra. Napadiin ang kamay ni Lance sa braso niya kaya nasaktan sya.

"Wala kang alam! Hindi mo kilala si Georgia kaya wala kang karapatang husgahan siya!" Sigaw ni Lance.

Nagulat si Sandra pero hindi sya nagpahalata. Ngumisi sya.

"Bakit Lance? Kilala mo din ba buong pagkatao nya? Ok, sabihin nating hindi mo sya nakuha. Pero sigurado ka bang wala pang nakakakuha sa kanya?"

Sa inis ni Lance mas lalo pa nyang diniinan ang pagkakahawak niya sa braso nito.

"Hindi sya desperadang katulad mo Sandra! Hindi sya katulad mo na handang gawin at ibigay ang lahat kahit ang katawan niya para lang sa taong gusto niya! Hindi rin nya ugali ang ipagsiksikan ang sarili sa taong ayaw sa kanya!"

Natahimik si Sandra sa sinabi ni Lance. Umiyak na naman siya. Binitiwan na siya ni Lance.

"Lance im sorry. Hindi ko naman gustong sabihin yun eh. Lance sobrang mahal lang talaga kita. Please, ako nalang yung mahalin mo. Kung gusto mo, magiging si Georgia ako para sayo." Umiiyak na sabi ni Sandra. Sabay hug kay Lance.

Tinanggal ni Lance ang pagkakahug sa kanya ni Sandra. Naawa sya dito pero ayaw na nyang gamitin ito para kalimutan si Georgia.

"Sandra tama na. Mas lalo kalang masasaktan pag pinagpatuloy pa natin to. Mahal na mahal ko si Georgia. Handa ko syang hintayin kahit walang patutunguhan ang pag iintay ko sa kanya. Sandra, maawa ka sa sarili mo. Hindi ako yung right guy para sayo."

"Pero ikaw yung gusto ko. Si Georgia, may mahal na syang iba."

"Alam ko. At nasasaktan ako dahil hinayaan kong mawala sakin yung taong mahal ko."

"Kaya nga pinaglalaban kita Lance dahil mahal kita. Ayokong mawala ka."

"Please Sandra. Parehas lang nating dadayain ang sarili natin pag tinuloy pa natin to. Let's end this. Makakahanap ka din ng tamang lalaki para sayo. Let's just be friends." Sabay talikod. Hindi na nya hinayaan na makapagsalita si Sandra dahil baka humaba pa ang usapan nila. Bumalik sya sa loob ng bar.

When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon