Nagmamadaling lumabas ng gate si Georgia.
"Best! Wui! Hintayin mo naman ako. May lakad ka ba?"
Hinihingal na si Kath kakahabol kay Georgia.
"Best ano ba? Naku naman oh! Panira ka ng beauty eh!"
Huminto si Georgia.
"Nahihiya kasi ko weh." Nakayukong saad ni Georgia.
"Haha! Ano ba kasing nangyari sayo kanina? Aha! Nagselos ka kanina nuh? Aminin!"
"Ewan ko sayo best! Diyan ka na nga!"
"Ayiiiiiieh! Nahuhulog ka na kay Lance nuh?"
"Hindi nuh!"
Lumakad na ulit si Georgia.
"Denial Queen! Obvious naman na nagselos ka eh." Sigaw ni Kath.
Napalingon ang ibang estudyante sa gawi nila. Hindi dahil sa sigaw ni Kath. Nakita kasi nila si Lance kasama ng barkada nito. Nakasakay ang mga ito sa kotse ni Lance.
"Bye Lance!" Nakangiti at kinikilig na sigaw ng mga estudyanteng babae.
Ngumiti sa mga ito si Lance.
Huminto ang kotse nito sa tapat nila Georgia.
"Hi Lance!" Nakangiting bati ni Kath dito.
He smiled sweetly to Kath. He ignored Georgia's presence.
"Hi Kath! Gusto ko sana kayong ihatid kaso, tong mga lokong to walang dalang sasakyan."
"Ok lang Lance."
"So pano? Una na kami ha? Ingat kayo. Bye Kath!" Sabay kindat dito.
Kinilig si Kath.
"Byeiii!"
"Bye girls!" Lance friends.
Pinaandar na ni Lance ang sasakyan.
Nakasimangot si Georgia.
"Huh! Di man lang ako pinansin? Hello! Andito din ako nuh! Haist!" Georgia talking to herself.
"Pakipot ka pa kasi, oh ayan! Ayaw na niya sayo." Utak niya.
"Tse! Manahimik ka nga!"
"Aminin mo na. You're falling for him him na."
"Ang kulit mo!" Napasigaw si Georgia.
Nagulat si Kath.
"Best? May kausap ka? Hala ka! Nababaliw ka na ata. Tsk!"
"Hmp!"
Tumalikod na si Georgia at lumakad na.
"Anong problema nun? Haha! Nagselos siguro. Effective yung plano ko hahaha! Good job Lance! Konti nalang mag eescape na sa world ang pagiging manhater ni best." Nakangiting saad ni Kath.
Hindi naman siya narinig ni Georgia dahil malayo na ito.

BINABASA MO ANG
When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?
Teen FictionPaano ba magmahal ang isang playboy? Kaya ba niyang gawin ang lahat para sa taong mahal niya? Paano kung sa manhater siya mainlove? Posible ba ang love sa isang playboy at manhater? Basahin niyo nalang para malaman niyo :)