CHAPTER 54

1.5K 23 3
                                    

"OMG! Diba si Georgia yun?" Girl1.

"Parang. Pero diba ang simple lang niya dati?" Girl2.

"Yeah right. Ang balita kasi nag break na sila ni Lance kaya siguro nagbago na siya." Girl3.

"Sino na palang bagong girlfriend ni Lance ngayon?" Girl4.

"Ang sabi yung nakakasama daw niya madalas sa pagmomodel. Pero humor lang yun. Sabi kasi madalas daw nilang makita si Lance pero iba iba yung girls na kasama niya." Girl1.

"Take note girls! Nag transfer daw dito yung humor girlfriend niya. At may bagong cute guy na nag transfer din dito. Balita pa, mayaman din daw parang si Lance." Girl2.

Chismisan ng isang grupo ng girls sa school. Nakita kasi nilang naglalakad si Georgia kasama yung bestfriend nito. Di sila makapaniwala na iba na si Georgia. Nakatingin din sa kanya ang mga lalaki.

"Taray best ha! Artista lang ang peg mo! Kung makatingin sila sayo, wagas!" Sabi ni Kath na kumukumpas pa ang kanang kamay.

Hindi nagsalita si Georgia. Inaasahan na niya yun mangyari dahil alam niyang malaki ang pinagbago niya.

"Pero narinig mo ba yung sinabi ng mga chismosa na yun kanina?" Tanong ulit ni Kath habang naglalakad sila papuntang block nila.

"Ang alin?"

"May girlfriend na daw ulit si Lance. At kung di ako nagkakamali, siya yung girl dun sa bora. At dito na rin siya mag aaral. Ok lang yun sayo?"

Hindi nagsalita si Georgia. Ang totoo nasasaktan pa rin siya. At oo, nagseselos siya pero wala na siyang karapatan.

"Ui best! Ano? Ok lang sayo?"

Poink!

Dahil nakayuko si Georgia at abala naman si Kath katatanong sa kanya. Hindi nila napansin na may mababangga na pala sila. May nabangga si Georgia.

"Ano ba?! Hindi ka ba tumitingin sa dinadaanan mo?!" Sigaw ni Georgia dito habang hawak ang noo.

Natingin sa kanya ang nakabungguan niya.

"Sorry miss. Im in a hurry kasi." Nagmamadaling sabi nito. Nilagpasan nito sila Georgia. Pero bigla tong bumalik at humarang sa harap nila.

"Georgia?!"

Napatingin dito ang dalawa.

"Vince?!"

Nag smile ito.

"Yeah, its me."

"Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ni Georgia.

"Dito na ko mag aaral. Im glad na nakita ulit kita." Nakasmile nitong sabi.

Nag smile din si Georgia.

"Ehem! Sino sya best?" Singit ni Kath.

Natingin si Vince dito tapos nag smile.

Magsasalita sana si Georgia pero..

"Georgia?"

Natingin silang tatlo sa nagsalita. Si Lance, kasama ang tatlong ugok. Nasa harap nila ang mga to. Napalunok si Georgia. Hindi niya inaasahang makikita niya si Lance.

Magsasalita sana ulit si Lance pero may tumawag dito.

"Honey!"

Napatingin silang lahat. Lumapit ito kay Lance, kumiss sa pisngi nito at kumapit sa braso. Agad namang tinanggal ni Lance ang kamay nito.

"Sandra, what are you doing here? Don't tell me dito ka na rin mag aaral?" Naiinis na tanong ni Lance.

Kumapit ulit ito sa braso ni Lance.

"Honey, you know naman na gusto ko lagi kitang nakikita at nakakasama that's why nag transfer ako dito." Maarteng sabi nito. Napalingon ito kay Georgia.

"Georgia? Is it really you? I can't believe na ikaw yung ex nitong honey ko." Sabi nito habang nakakapit pa rin ang kamay kay Lance.

Hindi gusto ni Georgia ang nakikita niya. Pero hindi siya magpapahalatang affected siya.

Nag smile sya.

"Oh yes my dear! Its me! People's change, right?"

Nag smile din si Sandra na parang nang iinis.

"Right girl! Oh, by the way. Who is he?" Sabay turo sa katabing lalaki ni Georgia.

Nag smile ulit si Georgia kahit naiinis siya.

"Vince, my boyfriend! Right babe?" She lied. Sabay kapit sa braso ni Vince.

Nagulat naman si Vince pero sinakyan nalang nito si Georgia. Nag smile siya.

"That's right! Im her boyfriend." Sabay akbay kay Georgia.

Naiinis si Lance. Nagseselos siya pero hindi niya pwedeng ipahalata. Miss na miss na niya si Georgia pero may boyfriend na pala to.

"So pano, una na kami ha? Baka kasi malate kami sa klase. First day of class pa naman." Paalam ni Georgia.

Habang naglalakad sila, hindi niya inaalis ang kamay sa braso ni Vince. Alam niya kasing nakatingin pa rin sila Lance sa kanila. Kasunod naman nila si Kath na clueless pa rin sa nangyayari.

-------

"What the! Boyfriend ni Georgia ang bagong hearthrob dito sa school?" Naiinis na sabi ni Cheska.

"Well, nakita mo naman diba?" Alipores1.

Tiningnan siya ng masama ni Cheska.

"Kinakausap ba kita ha?!"

Yumuko si alipores1.

"Kakarmahin ka din." Bulong nito.

"Bwiset na Georgia yun! Lahat nalang ng gusto ko inaagaw nia. Kainis!"

"Girl, napansin mo ba? Ibang iba na si Georgia. Ang ganda ganda niya." Alipores2.

"And so? Mas maganda pa rin ako sa kanya nuh!"

"Duh! Mas maganda kaya si Georgia sayo." Bulong ulit ni alipores1.

Medyo narinig siya ni Cheska.

"May sinasabi ka?" Nakataas ang kilay na tanong nito.

"Wala. Ang sabi ko, anong plano mo?"

"Well, wala pa sa ngayon. Pag iisipan ko pa." Sabay lakad. Sumunod naman ang mga alipores niya.

When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon