"Tita, tahan na po." Umiiyak na rin si Kath habang pinapakalma ang ina ng kaibigan. Hindi kasi ito tumitigil sa pag iyak.
May nag doorbell. Si Lance. Pinagbuksan siya ng katulong nila Georgia. Pagkapasok niya sa sala, nakita niyang umiiyak ang ina ni Georgia.
"Lance, si Georgia nawawala siya."
Hinawakan niya ang kamay nito.
"I know tita. Alam ko kung sinong kumuha sa kanya."
"Ay! Akala ko pa naman tinanan mo na yung best ko hehe." Pagbibiro ni Kath.
Ngumiti si Lance.
"Baliw ka talaga kahit kelan. But this is not the right time para sa mga joke na yan."
"Lance anong gagawin natin? Tsaka sinong kumuha sa anak ko?"
"Si Mike po."
"Mike? Sino naman yung Mike na yun?"
"Yung makulit na suitor po ni best tita. Siraulong Mike na yun! Naku sasabunutan ko talaga yun pag nakita ko siya!" Ngumunguso nguso pa si Kath while talking.
Umiyak na naman ang mama ni Georgia.
"Anong gagawin natin? Baka kung anong gawin niya sa anak ko."
Naikuyom ni Lance ang palad niya ng maalala niya ang narinig habang kausap si Mike kanina.
"Tita may plano na po ako."
Sinabi niya ang plano sa mga ito.
"Sigurado ka ba dyan hijo? Baka mapahamak ka."
"Tita, ako nalang ang masaktan wag lang si Georgia.
"Ihh.. Kakilig naman! Hayyy! Ang swerte talaga ni best!" Kinikilig na singit ni Kath.
Tumingin si Lance dito pero di naman ito galit or anything.
"Hehe. Sige lang, usap lang kayo ni tita." Nahihiyang sabi ni Kath.
Hinawakan ng mama ni Georgia ang kamay ni Lance.
"Hijo, mag iingat ka ha? And promise me, ibabalik mo dito ang anak ko."
"Promise tita."
He hugged her.
--------
"Ano bang gusto mong mangyari Mike ha? Ang babaw mo para gawin to. Dahil lang sa hindi kita pinili, kaya mo to ginagawa diba?" Umiiyak na sabi ni Georgia.
Hindi nagsasalita si Mike. Nakaupo lang ito sa sofa at parang may iniisip, habang siya nakaupo sa kama.
"Please itigil mo na to. Pakawalan mo na ko dito."
Hindi pa rin ito nagsasalita.
"Mike! Please, let me go!" Sumigaw na siya.
Tiningnan siya ng masama ni Mike.
"Ang ingay mo! Pag di ka tumigil masasaktan ka na talaga!" Sigaw din nito.
Natakot si Georgia. Umiyak siya. Parang naawa si Mike sa kanya. Lumapit ito sa kanya, naupo sa tabi niya. Hinawakan siya sa mukha.
"Kung ako nalang sana pinili mo, sana wala tayo sa sitwasyon na to." With his serious voice.
Naging seryoso din si Georgia.
"Masisisi mo ba ko kung siya yung minahal ko? Mike, hindi ko din enexpect na magugustuhan ko siya. To tell you the truth, galit ako sa mga lalaki pero isang araw naramdaman ko nalang na gusto ko na siya."
"Bakit siya pa? Nauna ko sa kanya Georgia. Mahal kita, at kaya ko din ibigay lahat ng naibibigay niya sayo."
"Mike, im sorry."
Magsasalita pa sana si Mike nang biglang bumukas ang pinto.
BINABASA MO ANG
When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?
Teen FictionPaano ba magmahal ang isang playboy? Kaya ba niyang gawin ang lahat para sa taong mahal niya? Paano kung sa manhater siya mainlove? Posible ba ang love sa isang playboy at manhater? Basahin niyo nalang para malaman niyo :)