"Ok. Lets have a break." Sabi ng photographer.
Lumapit ito kay Lance.
"Ok ka lang Lance? Kanina ko pa napapansin parang balisa ka. May problema ba?"
Nasa pictorial si Lance. Ewan niya pero ayaw mawala ng kaba niya. Hindi tuloy siya makapag concentrate sa photo shoot niya. Kanina pa niya tinatawagan si Georgia pero di ito sumasagot.
Ngumiti siya sa photographer.
"Pagod lang siguro ko Dom. Punta muna kong dressing room." Sabay tapik sa balikat nito.
Nasa dressing room siya ngayon. Nakaupo sa harap ng salamin. Nasa sofa naman ang kanyang handler.
Naghihintay siya ng text or tawag ni Georgia. Nang biglang tumunog phone niya.
KRING.. KRING.. KRING..
Mabilis niyang sinagot ng di tinitingnan kung sino ang tumatawag.
"God Georgia! Bakit di mo sinasagot mga tawag ko? Kanina pa ko nag aalala sayo. Hindi ko alam ang gagawin ko pag may nangyari sayo." Nag aalalang sabi ni Lance.
Tumawa ang nasa kabilang linya. Nagulat si Lance. Napatayo siya sa upuan. Tiningnan ang screen ng phone niya, hindi si Georgia ang tumawag sa kanya.
"Who the hell are you?"
Ngumisi ang nasa kabilang linya.
"Relax Lance. Mangungumusta lang naman ako."
"Sino ka ba ha?" Naiinis na tanong ni Lance.
"U're a lucky guy Lance. Ang ganda nitong girlfriend mo. Sayang nga lang at di ako ang pinili niya." Ngumisi ito sabay hawak sa mukha ni Georgia.
Tapos may narinig siyang sumigaw na babae.
"Nakakadiri ka! Wag mo kong hawakan! Hayop ka Mike pakawalan mo ko dito! Lance wag mong susundin ang sasabihin niya sayo!"
"Georgia?! Hayop ka Mike! Anong gagawin mo sa girlfriend ko? Wag na wag mo siyang sasaktan!"
"Haha! Chill lang. Bakit ko naman sasaktan yung babaeng mahal ko?"
Sinuntok ni Lance ang pinto ng dressing room. Nagulat ang handler niya.
"What happened?"
Hindi sumagot si Lance. Kinausap ulit nito si Mike.
"What do you want? Please wag mong sasaktan si Georgia. Anong dapat kong gawin?" He said in a low tone kahit inis na inis siya dito.
Mike smirked.
"Simple lang Lance. Pumunta ka sa address na itetxt ko sayo. Wag na wag kang magsasama ng kahit sino o kahit magsumbong sa pulis. Dahil pa ginawa mo yun, siguradong girlfriend mo ang magsasuffer."
"Lance please, wag mo siyang sundin!" Sigaw ulit ni Georgia.
Tinakpan ni Mike ng isang kamay niya ang bibig ni Georgia. Habang hawak naman siya ng barkada nito sa braso. Nakawala siya at kinagat sa braso si Mike.
Napa aray si Mike at nabitawan ang phone. Nahulog ito sa kama.
"Leche kang babae ka!" Sigaw nito sabay sampal kay Georgia.
Narinig ito ni Lance.
"Georgia?! Mike?! Anong ginawa mo sa girlfriend ko? I'll assure you! You will pay for this!" Sigaw ni Lance.
Narinig ni Mike ang sinabi ni Lance. Kinuha niya ang phone sa kama.
Ngumisi ito bago nagsalita.
"We'll see Lance kung anong kaya mong gawin para sa babaeng mahal mo. I'll text you the address. And don't forget, ikaw lang mag isa."
Tapos inend na nito ang phone.
Nanginginig sa galit si Lance. Nareceive niya ang text ni Mike. Pagkabasa niya, agad niyang binuksan ang pinto para lumabas.
"Wait Lance! What's happening? San ka pupunta? May photo shoot ka pa!" Sigaw ng handler niya.
Hindi siya pinansin ni Lance. Tumakbo pa ito. Napailing nalang ang handler niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/14157539-288-k243368.jpg)
BINABASA MO ANG
When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?
Teen FictionPaano ba magmahal ang isang playboy? Kaya ba niyang gawin ang lahat para sa taong mahal niya? Paano kung sa manhater siya mainlove? Posible ba ang love sa isang playboy at manhater? Basahin niyo nalang para malaman niyo :)