Kinakabahan si Lance. Ngayon niya kasi mamimeet ang mother ni Georgia.
"Hey! Relax! Mabait si mama."
Papasok na sila sa pintuan.
"First time ko kasi to."
First time manligaw ni Lance. Ngayon lang din siya magpapaalam sa parents ng isang babae para ligawan ang anak nito. Siya kasi ang nililigawan. At pag nalaman ng parents ng babae kung sino siya halos ipagduldulan ng mga ito ang anak nila. Wala pa siyang naging serious relationship.
"Really?" Hindi makapaniwalang tanong ni Georgia.
"A-huh!" Tango ni Lance.
Pagpasok nila sa sala. Nakaupo na ang mama ni Georgia.
Kinabahan na naman si Lance.
"He-hello po." Nakangiti siya pero kinakabahan. Feeling nga niya sasabog ang dibdib niya.
Ngumiti ang mama ni Georgia.
"Maupo ka hijo. Wag kang matakot."
Nabawasan ng kaunti ang kaba niya ng magsalita ito.
"Thanks po."
Naupo sila ni Georgia. Magkatabi sila. Ang mama naman nito nakaupo sa single sofa na nasa gilid ng inuupuan nila.
"Manang!" Georgia's mother.
May lumapit na matanda. Pinaghanda nito ito ng mirienda.
"Ahmm.. Ma'am?" Simula ni Lance.
"Hijo, call me tita."
"Yes tita." Kinakabahan pa rin siya.
"Georgia told me already na nililigawan mo siya. Wala naman problema dun. Dalaga na yung anak ko. But.."
Kinabahan na naman si Lance.
"A-ano po yun?"
"Wag mong sasaktan ang anak ko. Siya nalang ang natitira sakin."
Biglang nalungkot ang mama ni Georgia. Naiiyak ito.
"Tita i promise, i will never hurt your daughter. Ok lang po ba kayo?" Napansin niya kasing naiiyak ito.
"Ok lang ako hijo. Sige maiwan ko na kayo. Kailangan ko ng magpahinga." Sabay tayo nito.
Naiwan sila ni Georgia.
"Ok lang ba talagang mama mo?"
"Ganun talaga siya." Malungkot na saad ni Georgia.
Napansin siya ni Lance. Hinawakan niya sa kamay si Georgia.
"May problema ba?"
Umiyak si Georgia.
"Georgia? Ano bang problema? Tell me, may nasabi ba ko? May nagawa ba kong mali?"
Umiling si Georgia.
"Please, stop crying. I don't want to see you crying." Sabay pahid sa luha nito ng kanyang kamay.
Georgia told everything to him. Nang iwan sila ng kanyang ama at kung bakit ganun ang kanyang ina.
"Now, i understand kung bakit ayaw mo sa lalaki. Hindi ko yun gagawin sayo. Mahal kita at mas mamahalin pa kita."
Then he hugged her.
"Sana nga Lance. Sana.." While crying.
BINABASA MO ANG
When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?
Подростковая литератураPaano ba magmahal ang isang playboy? Kaya ba niyang gawin ang lahat para sa taong mahal niya? Paano kung sa manhater siya mainlove? Posible ba ang love sa isang playboy at manhater? Basahin niyo nalang para malaman niyo :)