CHAPTER 17

2.2K 54 0
                                    

And this crazy love

Crazy love

Oh this crazy love

Crazy love

Sabi sa kanta.

"Asus! Nag momoment ang best ko." Panunukso ni Kath kay Georgia.

Nasa canteen sila ngayon. Nakatulala si Georgia na parang malalim ang iniisip.

"Aba! At di ako pinapansin."

Hindi pa rin siya pinansin nito.

Dumating si Mike at barkada nito.

"Hi girls! Pwedeng makiupo?" Tanong ni Mike habang nakangiti.

Natingin ang dalawa.

"Ang dami namang available na table ah! Bakit dito pa kayo uupo?" Kath.

Napansin kasi nitong maraming vacant table.

"Dahil andito si Ms. Georgia." Barkada ni Mike.

"Ano naman kung andito ko? Upuan ba ko?" Mataray na saad ni Georgia.

"Girls! Chill lang kayo. Masama bang tumabi dito kay Ms. Georgia?" Mike. Sabay kindat kay Georgia.

"Sorry ha? Taken na kasi mga upuan dito sa table namin. Iniintay lang namin sila." Kath.

"Sino? Sila Lance? Bakit ba pag si Lance ang nice nice niyo. Pero pag ako ang taray taray niyo?" Naiinis na saad ni Mike.

"Ano bang pakialam mo?" Nakataas ang kilay na saad ni Kath.

Ngumisi si Mike.

"Don't tell me, nawala yung pagiging suplada mo dahil kay Lance? Ano? Bumigay kana din ba sa charm niya? O baka naman dahil mas mayaman at sikat siya? Tsk!" Baling nito kay Georgia.

Nag init ang tenga ni Georgia sa sinabi nito.

Tumayo siya at sinampal si Mike.

Natingin ang ibang estudyante sa kanila. Hindi ito pinansin ni Georgia.

"How dare you! Wala kang alam kaya wag mo kong pagsasalitaan ng ganyan! At ano bang pakialam mo sa gusto ko?" Sigaw niya dito.

Napahiya si Mike. Hinawakan nito sa braso si Georgia.

"Aray ko! Ano ba! Nasasaktan ako." Sigaw ni Georgia.

"Get your dirty hands off with her!"

Napatingin silang lahat sa nagsalita.

Nakatayo si Lance sa entrance ng canteen. Kasama ang barkada nito. Nagmamadali itong lumapit kila Georgia.

"I said, bitawan mo siya!" Sigaw nito.

Ngumisi si Mike. Binitawan si Georgia.

"Andito na pala yung hero mo. Siguro kung sikat din ako na tulad niya, bibigay ka din sakin." Nakangising saad ni Mike.

Naasar si Lance sa sinabi nito.

Sinuntok niya si Mike. Pumutok ang gilid ng labi nito.

Sinuntok din nito si Lance at gaya niya dumudugo ang gilid ng labi nito.

Napahiyaw si Georgia.

"Lance! Please awatin niyo sila." Sigaw niya. Umiiyak na siya.

Sinuntok ulit ni Lance si Mike. Tumumba ito. Tumayo ito at susuntukin sana ulit siya pero nakaiwas si Lance.

Susugurin na sana ng barkada ni Mike si Lance pero hinarang sila ng barkada nito.

Natakot ang mga kaibigan ni Mike sa mga ito. Alam kasi nilang marunong sa martial arts ang mga ito.

Dumating ang security guard ng kanilang school kasama ng ibang teachers at dean nila.

"What's happening here?" Dean.

"Yung mga gagong yan pinagtulungan ako." Pagsisinungaling ni Mike.

"Sinungaling kang gago ka ah!" Sigaw ni Lance.

Susugurin niya sana ito. Pinigilan lang siya ng barkada niya.

"Hindi po totoo yun Ms. Balmonte. Nagsisinungaling po si Mike. Binastos niya si best kaya pinagtanggol siya ni Lance." Singit ni Kath.

"Is that true Mr. Cruz?" Baling ng dean kay Mike.

Hindi na makapag sinungaling si Mike.

"Yes Ms. Balmonte. Kaya ko lang naman yun ginawa dahil.."

Hindi na nito natapos ang sasabihin.

"Enough Mr. Cruz! You and Mr. Montero, aasahan ko ang parents niyo bukas."

Umalis na ito.

"Hindi pa tayo tapos!" Baling ni Mike kay Lance.

"Kahit kelan mo gusto!" Sagot ni Lance habang nakangisi.

Umalis si Mike kasama ng barkada nito.

Nilapitan ni Georgia si Lance.

"Ok ka lang?" Nag aalalang tanong niya kay Lance.

"Im fine." Sagot nito habang hawak ang nasuntok ni Mike.

Hinawakan ni Georgia ang sugat niya.

"Aww!" Daing ni Lance.

Nag aalala ulit si Georgia.

"Akala ko ba ok ka lang? Masakit pa ba?" Tanong niya dito.

Hinawakan ni Lance ang kamay ni Georgia.

"Ok ako kasi ok ka. Hindi na rin masakit sugat ko kasi hinawakan mo na." Saad ni Lance sabay kindat kay Georgia.

Namula si Georgia.

"Baliw!" Sabay hampas sa dibdib ni Lance.

"Ehem!" Shayne.

"So cheesy naman oh!" Kinikilig na saad ni Kath.

Nagkatinginan si Lance at Georgia.

Binawi ni Georgia ang tingin niya. Napansin niya kasing nakatingin pa rin sa kanila ang ibang estudyante sa canteen. Nagbubulungan ang mga ito.

"Sila na ba? Infairness bagay naman sila."

"Ang gwapo pa rin ni Lance kahit may dugo sa gilid ng lips niya." Kinikilig pa ang nagsabi nito.

"Ibig sabihin ba, taken na prince charming natin?"

"Ang swerte naman nung girl. Imagine nasuntok si Lance because of her. Kakainggit naman."

Bulungan ng mga ito.

When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon