CHAPTER 40

1.8K 31 0
                                    

"How's my son?" Nag aalalang tanong ng ina ni Lance sa doctor. Umiiyak ito. Hawak naman siya sa balikat ng asawa.

Kalalabas ng doctor sa ER. Sinalubong nila agad ito pagkalabas.

"Don't worry Mrs. Montero, he's fine now. Hindi naman masyadong malaki ang naging sugat niya sa ulo pero dahil kagabi pa yun at hindi agad nagamot may paunti unting dugo na lumabas dito. Nahilo siya kaya nawalan siya ng malay. Mabuti nalang at di malaki ang sugat niya dahil kung mas maraming dugo ang nawala sa kanya maaari niya yun ikamatay lalo na kung kagabi pa ito dumudugo. Anyway, natahi na namin ang sugat niya."

Napaiyak si Georgia.

Hinawakan siya sa kamay ng mommy ni Lance.

"Don't cry hija. Hindi magugustuhan ni Lance kung makikita ka niyang umiiyak."

"Kasalanan ko po to tita. Pano kung.. kung.. Kung namatay siya, hindi ko po yun kaya." Umiiyak si Georgia habang nagsasalita. Nakayuko siya.

"Hija, hindi mo naman ginusto yung nangyari. He's fine now, you have nothing to worry about."

"So, pano Mr. and Mrs. Montero, una na ko. May pasyente pa ko. Mayamaya lang ilalabas na si Lance sa ER." Singit ng doctor.

Ngumiti ang mag asawa dito at nakipag kamay.

"Thanks doc!" Lance's dad.

Mayamaya lang ay inilabas na si Lance. Inilipat ito sa private room niya.

Hindi pumayag si Georgia na hindi niya babantayan si Lance. Pinapauwi muna sana siya ng parents ni Lance para makapag rest siya pero ayaw niya talaga kaya sinamahan nalang siya ni Kath. Umuwi naman muna ang tatlong ugok at babalik nalang daw sa hapon. Hindi naman nakasama ang mama ni Georgia dahil hindi ito pwedeng napapagod. Tinawagan nalang niya to at sinabing ok na si Lance. Ang parents naman ni Lance umuwi muna para kumuha ng gamit ng anak.

Umupo si Georgia sa upuan sa gilid ng kama ni Lance. Hinawakan niya sa kamay si Lance at tinitigan ito. Hindi siya nagsasalita.

Kath broke her silence. Nakaupo ito sa sofa.

"Know what best? Kung nakakatunaw lang ang titig kanina pa nawala si Lance, promise!"

Hindi siya pinansin ni Georgia. Tumayo siya at lumapit dito. Napansin niya kasi ang itsura ng kaibigan.

"Best, gusto mo bang paggising ni Lance makita ka niyang ganyan itsura mo?"

Lumingon si Georgia. Nakakunot ang noo.

"Ano bang masama sa itsura ko?"

"Ano lang naman best. Para ka lang naman nirape."

Tumakbo si Georgia sa CR at tiningnan ang sarili sa salamin. Nagulat sa itsura niya. She bite her lips. Naalala niyang hindi pa siya nagbibihis. Buti nalang at suot niya ang jacket ni Lance pero may konting punit ang sando niya tapos ang dumi ng pants niya even her face. Lagi kasi siyang pinipilit pakainin ni Mike pero tinatapon lang niya at pag susubuan naman siya nito iniiwas niya ang mukha. May galos pa nga siya sa pisngi, dahil siguro sa pagkakasampal sa kanya. Buti nalang at hindi na masyadong gulo gulo ang buhok niya.

"Urghhh! Nakakahiya! Ang panget panget ko!" Sigaw niya.

Nagulat si Kath sa sigaw niya. Pumasok ito sa CR pero tawa ng tawa.

"Hahaha! Oh ano best? Wala ka bang balak ayusin ang sarili mo? Haha!"

Tiningnan siya ng masama ni Georgia.

"Hehe ang ganda ganda mo kaya best kahit ganyan itsura mo." Sabay peace sign.

Umirap si Georgia.

"Don't worry babe. Kahit ano pang itsura mo, mahal pa din kita."

Kanina pa pala gising si Lance, nag kunyari lang siyang tulog para marinig niya ang pag uusapan ng dalawa. Alam din niyang tinititigan siya ni Georgia kanina.

Nagulat ang dalawa.

"Si Lance. Gising na si Lance!" Nakangiting sabi ni Kath.

Walang kibo si Georgia. Tinapik siya ni Kath sa balikat.

"Hoy best! Wala ka bang balak lumabas dyan? Gising na yung boyfriend mo."

"Babe! Labas kana dito, gusto kitang makita!" Sigaw ni Lance.

"Ayoko! Nakakahiya yung itsura ko." Sigaw din ni Georgia.

"Babe naman! I don't care kung ano pang itsura mo. Dali labas na dyan!"

"Ayoko sabi eh!"

Pero hinila siya ni Kath at itinulak kay Lance. Na-out of balance siya kaya napahiga siya kay Lance. Nakapikit siya then pagdilat niya nakita niyang nakatingin si Lance sa kanya at ang lapit ng mukha nito sa kanya. Nagulat siya. Nakiss pala niya si Lance sa lips.

"Oh no!" Naisip niya.

Sa hiya niya, mabilis siyang tumayo at lumabas ng pinto.

When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon