CHAPTER 42

1.7K 28 1
                                    

Nadischarge na si Lance. Naiuwi na din to sa kanila. Hindi pumayag ang mommy ni Lance na sa condo siya uuwi kaya sa mansion siya inuwi. Huli na rin ng malaman ng handler ni Lance ang nangyari kaya sa mansion nalang ito dumalaw. Yung mga fans ni Lance kung ano ano din ang pinapadala sa bahay nila. Nakarecover na rin si Georgia sa nangyari. Kumusta sila ni Lance? Naging mas strong ang relationship nila.

Six months na rin mula ng mangyari yun. Last day na rin ng pasok tapos bakasyon na.

Sa school. Nasa tambayan sila ngayon.

"So, san tayo?" Karl.

Tuwing bakasyon kasi laging may set ang barkada. Last bonding na rin nila bago sila maghiwa-hiwalay para mag bakasyon.

"San pa nga ba?" Shayne.

"Bora tayo, remember?" Peter.

"At talo tayo sa pustahan kaya tayo ang taya." Karl.

"Yeah right!" Shayne.

Nag smirk si Lance.

"Kayong may gusto niyan, remember?"

"Wala kaming sinabi. Pero pare, tanong lang. Seryoso kana ba talaga kay Georgia?" Peter.

Naging seryoso si Lance. Tumingin siya sa tatlo.

"Yes. And i love her so much."

"Sigurado ka? Bakit ka pumayag makipag pustahan?" Shayne.

Lance nodded.

"I love her. And about sa pustahan? It was just a game. But it doesn't mean na hindi ako seryoso sa kanya."

"Sabagay." Shayne.

"So pano. Ok na lahat?" Peter.

"Hindi pa. Wala pa yung dalawa." Karl.

"Ha? Sinong dalawa?" Shayne.

"Tingin mo, sino pa bang dalawa ang lagi natin kasama?" Peter.

Napailing si Shayne.

"Oh no! Ibig sabihin makakasama natin yung.." Hindi na natuloy ni Shayne yung sasabihin dahil dumating na ang dalawa.

"Hi guys!" Nakangiting bati ni Kath sa kanila pero bigla tong sumimangot ng makita si Shayne.

"Speaking of." Bulong ni Shayne.

Pero narinig yata siya ni Kath kaya tinaasan siya nito ng kilay.

"May sinasabi ka?" Sabi nito sa kanya.

"Wew! Lakas ng pandinig natin ah!" Shayne.

"Ehem! Totoo yun. The more you hate, the more you love. Promise!" Singit ni Karl.

"Pero kung siya rin lang naman?" Sabay turo kay Shayne ni Kath. "Wag nalang!" Dagdag nito. Tapos tumalikod siya tsaka naupo.

"Feeling mo naman! Tingin mo ba magugustuhan kita? You're not even sexy." Sabi naman ni Shayne.

Nainis si Kath kaya tumayo ulit siya tapos nag pameywang siya.

"Wow ha! Tingin mo din ba magugustuhan kita? Duhh! Eh ang macho mo kaya! Macho-lis ang buto." Sabay tawa ni Kath.

Inis na inis naman si Shayne.

"E ikaw naman ano? Parang tinayong poste? Kulang nalang lagyan ng ilaw para maging poste ng streetlights." Pang aasar naman nito kay Kath. Sabay tawa din.

Magsasalita pa sana si Kath pero pinigil na sila ni Georgia na ngayon ay katabi na ni Lance.

"Guys, stop na yan. Para talaga kayong aso't pusa. Hindi pwedeng hindi mag aaway pag nagkita. Tsk!"

Tapos tumawa sila except Kath and Shayne. Nag irapan silang dalawa.

Pinag usapan na nila yung plano nila.

-------

"So, naivideo mo ba ng maayos yung usapan nila Lance kanina?" Tanong ni Cheska sa isang alipores niya.

May sarili din silang tambayan.

"Yes girl. Here!" Sabay abot ng phone niya.

Kinuha ni Cheska ang phone tapos pinanood nila. Napadaan sila sa tapat ng tambayan nila Lance. Dahil nacurious sila sa pinag uusapan ng mga to, nagtago sila sa pinto at nakinig sila. At yun nga! Navideo nila ang usapan nila Lance. Umalis lang sila ng makita nilang parating sila Georgia.

"Gotcha!" Sabay tawa ni Cheska na parang baliw.

Tumatawa din ang mga alipores niya. Tiningnan sila ng masama ni Cheska. Natigil sila.

"Bakit kayo tumatawa? Ako lang ang kontrabida dito kaya ako lang ang tatawa." Sabay tawa ulit niya.

"Kundi naman dahil satin wala syang video nila Lance." Bulong ng isa niyang alipores.

Narinig siya ni Cheska. Tiningnan siya nito. Tinaasan siya ng kilay.

"May sinasabi ka?"

Nayuko siya.

"Wala girl."

"Good!" Sabay tayo ni Cheska.

"Ano palang balak mo sa video?" Alipores2.

"Siyempre iaupload niya sa youtube. Para sumikat lalo si Lance." Alipores3.

"Boba! Tingin mo sisikat si Lance kung may makakakita ng video niya?" Sigaw ni Cheska.

Napakagat sa labi si alipores3.

"Gagamitin ko to para gantihan yung babaeng mang aagaw na yun(georgia). Kung hindi mapupunta si Lance sakin, hindi rin siya mapupunta kay Georgia." Cheska. Sabay tawang pang kontrabida.

"Brilliant idea!" Alipores1.

"Duh! Tingin niyo ba magpapatalo ko ng ganun ganun lang? Susundan natin sila sa bora. Then, bingo! Tapos ang maliligayang araw niyang babae siya!" Cheska.

Nagtawanan sila.

When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon