Naalimpungatan si Georgia. Pagmulat ng mata niya napatingin siya sa paligid ng kwarto. Tatayo na sana sya. Biglang bumukas ang pinto.
"Best!" Sigaw ni Kath.
Nagulat si Georgia.
"Ay kabayong bundat!" Sabay hulog sa kama. Napaupo siya sa sahig.
"Ehh. Best nasaktan ka ba?" Nakangiwing tanong ni Kath.
"Obvious ba? May galit ka yata sakin eh! Ang sakit na ng katawan ko wah!" Nakangiwing parang galit na di mo maintidihan si Georgia.
Nag peace sign si Kath. Hindi alam kung ngingiti o hindi. Nilapitan niya si Georgia para tulungan tumayo.
"Bakit ka ba kasi nanggugulat?" Tanong ni Georgia. Nakatayo na sya.
"Gigisingin sana kita kaso malay ko bang gising kana. Nasa labas na sila. Mag gagabi na kaya pinagising kana ni Lance. Baka daw magutom ka. Oh diba ang sweet?"
Napasmile si Georgia. Tapos naalala niya yung nangyari kanina. Biglang para siyang nahiya.
"Eh bakit ganyan itsura mo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Kath.
"Yung.. Yung.. Yung kanina." Sabay kagat ng lips.
"Asus! Wag ka nga! Halika na labas na tayo. Sige ka baka sumunod pa si Lance dito."
Wala ng nagawa si Georgia, lumabas na sila kahit nahihiya siya sa nangyari kanina. At the same time? Naiilang siya sa suot niya.
Nag iihaw si Lance at yung tatlong ugok ng mapansin nilang iisa ang direksiyon ng tinitingnan ng mga lalaking nasa katabing cottage nila. Si Georgia at Kath naglalakad papunta sa kanila. Pero alam nila kung kanino nakatingin ang mga lalaki.
"Hanep tol! Ang sexy niya!" Guy1.
Narinig nilang sabi ng isa. Nainis si Lance. Nakangisi naman ang tatlong ugok.
Lalapitan sana ni Lance si Georgia nang makita niya may humarang ditong lalaki.
"Hi sexy! Pwedeng makipagkilala?" Guy2.
Hindi siya pinansin ni Georgia.
"Tol suplada. Baka may boyfriend na." Nakangising sabi pa ng isa.
Tuloy sa paglalakad ang dalawa. Hinarang ulit sila ng mga lalaki. Napatingin sila sa mga to.
"Miss sandali. Baka naman pwede namin kayong samahan?" Guy3. Sabay hawak sa braso ni Georgia.
"Bibitawan mong girlfriend ko or you'll be dead?!" Sigaw ni Lance na nasa likod na pala ng mga lalaki.
Sabay sabay silang napalingon dito. Ngumisi si guy3.
"Tol atras na tayo. Hindi mo ba siya kilala?" Bulong ni guy2 kay guy3.
"Bakit? Sino ba siya?"
"Si Lance Montero."
Parang natakot si guy3. Namutla ito. Kilala kasi nila si Lance at ang pamilya nito. Wala silang laban. Tapos nakita pa nilang nasa likod na nito ang barkada nito. Alam nilang magaling ang mga to sa martial arts. Tumakbo sila palayo. Nagulat si Georgia at Kath. Tumawa naman ang tatlong ugok.
Lumapit si Lance kay Georgia tapos hinawakan sa waist. Nagulat naman si Georgia. Inalalayan siya ni Lance sa paglalakad. Nakatingin naman sa kanila yung ibang girls malapit sa cottage nila.
Nasa cottage na sila at abala sa pagkaen. Nagsusubuan pa si Georgia at Lance.
"Baka naman langgamin na kayo niyan ha!" Panunukso ni Kath sa dalawa.
Tapos bigla syang susubuan ni Shayne.
"Anong ginagawa mo?" Nakataas ang kilay na tanong ni Kath dito.
"Sinusubuan ka. Obvious ba?"
"Alam ko, hindi ako tanga nuh!"
"E bakit nagtatanong ka pa?"
"Ibig ko pong sabihin, bakit mo ko susubuan?"
"Obvious naman na nagpaparinig ka kanina eh. Kaya eto susubuan din kita para di kana mainggit sa kanila. Dali na subo na oh!"
Tumawa sila except Kath.
"Hmp! Bwiset!" Sigaw ni Kath kay Shayne.
Tawanan ulit sila.
BINABASA MO ANG
When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?
Teen FictionPaano ba magmahal ang isang playboy? Kaya ba niyang gawin ang lahat para sa taong mahal niya? Paano kung sa manhater siya mainlove? Posible ba ang love sa isang playboy at manhater? Basahin niyo nalang para malaman niyo :)