CHAPTER 33

1.6K 40 0
                                    

"Ano bang binabalak mo pre?" Tanong ng kabarkada ni Mike sa kanya.

Ngumisi lang ito.

Nakasakay sila sa itim na kotse na dinadrive niya. Kanina pa nila sinusundan sina Georgia at Lance.

"Sigurado ka na ba sa plano mo?" Tanong pa ng isa.

"Mga bobo! Kaya nga natin sila sinusundan diba? Hindi ako papayag na hindi ko magantihan yung gagong Lance na yun!" Sigaw ni Mike. Ngumisi ulit ito.

Parang natakot ang tatlo.

--------

Hawak ni Lance ang kamay ni Georgia while driving. Ewan ni Lance pero kinakabahan siya. Parang ayaw niyang bitawan si Georgia.

Napansin siya ni Georgia.

"Lance may problema ba?" Nag aalala niyang tanong.

Tumingin to sa kanya at ngumiti.

"Wala."

Kahit ang totoo di talaga niya maintindihan ang sarili niya. Parang may mangyayari.

Hindi pa rin niya binibitawan si Georgia.

"Georgia?" Tawag niya dito habang nakatingin sa dinadaanan nila.

Lumingon si Georgia.

"Uhmmm?"

Tumingin si Lance sa kanya.

"Mahal na mahal kita." Seryoso nitong sabi.

Nangiti si Georgia. Pero napansin niyang seryoso ito.

"Ano bang nangyayari sayo?"

"Wala man lang sagot?" Seryoso pa din ito.

Inihinto nito ang sasakyan. He hugged Georgia tight.

Nagtataka na si Georgia.

"Lance, hindi na ko makahinga. May problema ka ba?"

Yakap pa rin siya ni Lance.

"Babe, promise me mag iingat ka lagi. Hindi ko kaya pag may nangyari sayo."

"Lance, walang mangyayari sakin."

"Just promise me babe."

"Promise! Pero bitawan mo na ko. Hindi na talaga ko makahinga eh."

Binitawan na siya nito. Humarap ito sa kanya.

"I love you babe."

"I love you too."

Tapos pinaandar na ulit nito ang sasakyan.

Ewan ni Georgia pero parang may iba kay Lance. Kanina lang bago sila umalis sa bahay ng parents nito ang saya pa niya pero bigla itong naging seryoso ngayon.

"Naglalambing lang siguro." Naisip niya.

Nakatulog siya sa pag iisip.

Hindi niya namalayan na nasa tapat ng gate na sila ng kanilang bahay.

May kumiss sa kanya sa pisngi. Nagising siya.

"La..Lance?"

Nakangiti ito. Hinalikan pala siya nito habang natutulog.

"Haha! Kanina pa kasi kita ginigising di ka magising, kaya kiniss kita. Effective naman diba?"

Namula si Georgia. Hinampas niya to sa dibdib.

"Kaw talaga!" Sabay kurot sa bewang ni Lance.

Natawa ulit si Lance. Bumaba siya ng kotse at pinagbuksan si Georgia.

Bumaba si Georgia.

"Sige na papasok na ko. Ingat sa pagdadrive okay?"

Papasok na sana siya pero

Hinawakan siya sa kamay ni Lance.

"I love you." Sabi nito.

Humarap siya.

"I love you too."

Ngumiti si Lance.

"Sige na, pumasok ka na."

"Hindi, hihintayin na kitang makaalis."

"No! Pumasok ka na muna."

Nilapitan ni Georgia si Lance. Hinalikan niya to sa pisngi.

"Sige na, sumakay ka na. Mamaya na ko papasok pagkaalis mo."

"Ikaw wah! Marunong ka na din. Basta pagkaalis ko pumasok kana agad ha?"

She nodded.

Sumakay na si Lance. Pinaandar na nito ang kotse. Bago ito umalis nag wave ito sa kanya.

Papasok na sana si Georgia sa gate ng may humawak sa kanya.

Paglingon niya, may tatlong nakatakip ang mukha ang nasa likod niya.

Natakot siya. Napaurong siya.

"Si..sino kayo? Anong kailangan niyo sakin?"

"Sorry pero kailangan lang namin tong gawin." Sabi ng isa.

"Sumama ka nalang samin kung ayaw mong masaktan." Sabi pa ng isa.

Sisigaw sana siya pero hinablot siya ng isa at may itinakip sa bibig niya. Bago siya mawalan ng malay, narinig pa niyang sinabi ng isa.

"Kailangan ba talaga natin tong gawin? Bakit ba kasi kailangan pang gumanti ni Mike kay Lance sa ganitong paraan?"

Pero hindi na niya masyadong naintindihan ang huli nitong sinabi. Dahil tuluyan na siyang nawalan ng malay.

When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon