CHAPTER 49

1.5K 30 0
                                    

"Best! Ang tagal mo naman, kanina ka pa namin hinihintay! Nag aalala na si Lance sayo! Ano bang ginaga-" sigaw ni Kath sa labas ng kwarto. Hindi niya natapos ang sasabihin dahil pagbukas niya ng pinto nakita niyang nilalagay ni Georgia ang mga gamit niya sa bag.

Umiiyak si Georgia. Gusto na niyang umuwi. Kaya pagdating niya sa kwaro nila kinuha niya lahat ng gamit niya at nilagay sa bag.

"Best anong ginagawa mo? Magtatanan ba kayo ni Lance?"

Hindi nagsalita si Georgia. Nilapitan siya ni Kath.

"Best umiiyak ka? Anong nangyari? May nangyari ba kay tita? Sabihin mo best." Sunod sunod na tanong ni Kath. Nakita niya kasing umiiyak si Georgia.

Patuloy sa ginagawa si Georgia. Hinawakan siya sa braso ni Kath.

"Best anong problema?" Nag aalalang tanong ni Kath.

Tumigil sa ginagawa niya si Georgia. Humarap siya sa kaibigan at yumakap dito. Patuloy pa rin siya sa pag iyak.

"Best anong nangyari? Bakit ka umiiyak?" Tanong ni Kath habang hinahaplos ang likod niya.

Hindi nagsasalita si Georgia. Biglang bumukas ang pinto.

"Babe? Bakit ang taga -" hindi natapos ni Lance ang sasabihin dahil bigla siyang sinampal ni Georgia. Nagulat si Lance at Kath sa ginawa niya.

"I hate you!" Sigaw ni Georgia kay Lance.

"Be-babe, ano bang ginawa ko?" Nagtatakang tanong ni Lance. Hawak ang pisngi.

"Niloko mo ko! Akala ko iba ka sa kanila! Akala ko iba ka kay papa pero mas masahol ka pa sa kanya!" Galit na galit na sigaw ni Georgia.

"Babe hindi kita maintindihan. What do you mean? Wala naman akong ginagawa para magalit ka. Ano bang sinasab-" hindi niya ulit natuloy dahil sinampal ulit siya ni Georgia.

"Hanggang kelan mo ko balak lokohin Lance? Bakit ako pa? Bakit ako pa Lance? Wala akong kasalanan sayo para paglaruan mo ko." Umiiyak na sabi ni Georgia.

"Babe." Sabay hawak sa braso ni Georgia pero lumayo ito sa kanya.

"Wag mo kong hawakan. Alam ko na Lance. Alam ko na yung sa.. sa.. sa pustahan."

Nagulat si Lance.

"Babe, let me explain."

"Explain what? Yung ginawa mong panggagago sakin? Malinaw na sakin ang lahat Lance. Pinaglaruan mo lang ako."

"Tama nag pustahan kami pero Georgia, hindi kita pinaglaruan." Sabay hawak sa mukha ni Georgia. Pero tinanggal ni Georgia ang kamay niya.

"Babe mahal na mahal kita at totoo yun. Yung pustahan, wala lang yun. Siguro nga mali na nag pustahan kami pero hindi kita niloko. Totoo lahat ng nararamdaman ko para sayo, lahat ng sinasabi ko sayo. Maniwala ka sakin Georgia, mahal kita."

"Ang sakit sakit! Sana hindi ko nalang hinayaan na makapasok ka dito." Sabay turo ng puso niya.

Tuloy lang sa pag iyak si Georgia. Ihahug sana siya ni Lance pero lumayo siya dito.

"Tama na Lance. Ayoko ng makinig sayo. Ayaw na kitang makita. Nagsisisi ako kung bakit.. Kung bakit nakilala at minahal pa kita.Tapos na tayo Lance. Sana naging masaya kang paglaruan ako. Panalo ka, panalong panalo ka." Sabay kuha ng gamit niya at mabilis na lumabas. Masakit na masakit ang nararamdaman niya. Parang sasabog ang dibdib niya.

Naiwan si Lance. Para siyang napako sa kinatatayuan. Nalaman na ni Georgia ang lahat. Hindi niya alam na yun pala ang magiging kapalit ng katuwaan nila. Ang mawala sa kanya ang babaeng pinakamamahal niya.

"Mahal na mahal kita Georgia, sana maniwala ka!" Sigaw ni Lance. Hindi na rin niya napigilan ang luha niya.

Nakatulala naman si Kath at yung tatlong ugok. Nagulat sila sa nangyari.

When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon