"Ok class, that's all for now. Bye!"
"Bye Mr. Perez!"
Katatapos ng first period nila Georgia. May one hour break sila kaya lumabas muna sila sa hallway. Nakatingin sa kanila ang ibang estudyante na nasa hallway din. Nag bubulungan ang iba dito.
"Ang swerte rin talaga niya nuh? After ni Lance, si Vince naman yung boyfriend niya ngayon. Tingin niyo girls, anong meron sa kanya?" Girl1.
"Ano pa nga ba? Ang ganda kaya niya tapos ang talino pa nya." Girl2.
"Duh! Ang sabihin mo, malandi siya!" Girl3.
"Sabagay. Diba ang sabi manhater siya? Pero bakit kay Lance bumigay sya?" Girl4.
"Sus! Manhater? May manhater bang malandi?" Girl5.
Hindi nalang pinansin ni Georgia ang mga to pero si Kath.. Lumapit sya sa mga to at pinameywangan.
"Hoy kayo! Mga dakilang chismosang walang alam! Pwede, kung mag chichismisan kayo make sure alam niyo mga sinasabi niyo?! If i know, inggit lang kayo sa best ko kasi naging boyfriend niya ang lalaking pinagpapantasyahan niyo! Sorry girls.." Sabay tingin sa mga ito from head to toe. "I think, hanggang pantasya nalang kayo." Sabay tawa.
"Hmp!" Sabay sabay na sabi ng mga to sabay talikod.
Nag alisan ang mga babae. Natawa naman si Georgia sa sinabi ng kaibigan. Naupo silang dalawa.
"Ibang klase ka talaga best!" Natatawang sabi ni Georgia.
"Ako pa? Ikaw naman kasi, bakit pinapalagpas mo lang mga sinasabi nila sayo?"
"Bahala sila sa gusto nilang isipin at sabihin. As long as alam ko yung totoo, wala kong balak problemahin sila."
"Fine! Now best, tell me, kelan pa naging kayo ng Vince na yun ha?"
Tumawa si Georgia.
"Aist! Kainis ka best! Parang di mo na ko bestfriend, naglilihim ka na sakin hmp!" Sabay talikod at halatang nagtatampo.
Tumawa ulit si Georgia bago nagsalita.
"He's not my boyfriend."
"What?" Sabay harap.
"Hindi ko boyfriend si Vince."
"Hay naku! Ako ba best pinaglololoko mo ha? Sige na ikaw na tripper ngayon. Tsk!" Sabay talikod ulit.
Tumawa nanaman si Georgia. Humarap si Kath.
"So ano? Pagtatawanan mo nalang ako lagi? Nakakatampo kana talaga! Pagkatapos kitang ipagtanggol sa mga chismosang babaeng yun, tatawanan mo lang talaga ko?" Sabay nguso.
"OA lang talaga best? Makinig ka muna kasi, ok?"
"Eh diba pinakilala mo palang siya kanina as your boyfriend?"
Georgia nodded then smiled.
"Fine! Kung hindi mo sya boyfriend, bakit mo sya kilala? At pano mo sya nakilala?"
"I met him when i was in new york."
Flashback..
Ayaw sana niyang sundin ang ama dahil mas gusto pa niyang mag kulong sa kwarto pero naisip din niya na kailangan niyang aliwin ang sarili. Namasyal siyang mag isa, picture dito, picture don. Pagod na sya. Nasa isang bridge sya ngayon, huminto sya. Nagandahan siya sa view sa baba kaya lumapit siya sa gilid ng bridge at humawak dito. Aliw na aliw sya sa nakikita niya.
"Teka miss! Hindi solusyon ang pagpapakamatay sa problema!" Sabi ng isang lalaki na nakahawak pa sa balikat ni Georgia habang nakatalikod siya.
Nagulat si Georgia at napalingon sya dito. Napakunot ang noo nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/14157539-288-k243368.jpg)
BINABASA MO ANG
When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?
Teen FictionPaano ba magmahal ang isang playboy? Kaya ba niyang gawin ang lahat para sa taong mahal niya? Paano kung sa manhater siya mainlove? Posible ba ang love sa isang playboy at manhater? Basahin niyo nalang para malaman niyo :)