CHAPTER 52

1.5K 25 0
                                    

"Lance, ano bang nangyayari sayo? Kanina ka pa hindi makapag concentrate sa ginagawa mo. Dahil pa rin ba sa ex mo?" Tanong ng handler ni Lance.

Nasa dressing room sila. Kanina pa nagsimula ang pictorial pero walang gana si Lance kaya nag break muna sila.

Hindi siya nagsasalita.

"Lance, ano ba? Move on! Marami pa dyang iba. Hahayaan mo bang masira yung career mo dahil lang sa ex mo? She's not worth it!" Naiinis na sabi ng handler niya.

Naasar si Lance sa sinabi nito. Tumayo siya at humarap dito.

"Hindi lang sya basta bastang babae, naintindihan mo? Siya lang yung babaeng sineryoso ko at minahal ko ng ganito. Ngayon kung nahihirapan kana sakin, maghanap ka nalang ng iba. I quit!" Sigaw niya.

Nagulat ang handler niya. Hindi ito nakapag salita. Lumabas na si Lance.

-------

"Talaga pa? Sasama ka sakin pag uwi ko?" Excited na tanong ni Georgia sa ama.

Tumango ang papa niya. Nasa restaurant sila. Kahit busy ang papa niya sa trabaho lagi itong may time para mag bonding sila. Two months na mula ng pumunta siya sa ama at almost two weeks nalang pasukan na ulit kaya kailangan na niyang umuwi. Gusto nga ng papa niya na dun nalang siya mag aral pero mas gusto pa rin niya sa dating school niya. Namimiss na niya si Kath. At kahit galit sya sa ina, namimiss din niya ito. Napatawad na niya ang ina kahit may konting galit pang natitira sa puso niya para dito. Minsan kinakamusta niya to sa kaibigan. At si Lance. Miss na miss nya to kahit itanggi niya sa sarili niya.

Napansin siya ng ama na parang nalungkot siya.

"What's wrong anak?"

Umiling si Georgia sabay ngiti ng pilit.

Hinawakan siya sa balikat ng ama.

"Namimiss mo siya?"

Hindi na siya nakatanggi kaya tumango siya.

"Still love him?"

She nodded.

"Why don't you try to talk to him?"

"Hindi na siguro pa. Wala na din naman kahit mag usap pa kami."

"Ayaw mo bang marinig ang paliwanag niya?"

"Bakit pa Pa? Niloko niya ko. Pano pa ko maniniwala sa kanya?"

"Kapag kasama mo siya, hindi mo ba nararamdaman kung totoo siya sayo? Anak, baka nabubulagan kalang sa galit mo. Lalaki din ako kaya alam ko kung kelan seryoso ang isang lalaki sa babae. At base sa kwento mo, tingin ko mahal ka talaga niya."

Hindi nagsalita si Georgia.

"Basta tandaan mo nak. Andito lang ako para sayo. At wag mong hayaan na kainin ng galit ang puso mo. Tingnan mo yung nangyari samin ng mama mo. Nagpadala ko sa galit ko kaya eto nasira yung masayang pamilya natin noon. Kung mahal mo talaga siya, pakinggan mo muna siya. Hindi mo mararamdaman ang totoong meaning ng happiness kung magpapadaig ka sa galit mo. Mahirap magpatawad lalo na kung nasaktan ka pero masarap makinig kung alam mong may dapat kang pakinggan."

Tumulo ang luha ni Georgia. Tumayo sya at yumakap sa ama.

"Thanks pa. Ahmm pa?"

Umalis sa pagkakayakap niya ang ama. Tumingin to sa kanya.

"Napatawad mo na po ba si mama?"

Nag smile lang ito.

When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon