CHAPTER 57

1.6K 28 0
                                    

"Vince!" Tawag ni Georgia kay Vince pagkalabas nito sa classroom nila. Kanina pa niya to iniintay dahil naunang natapos ang klase niya dito. At pinauna na rin nyang umuwi si Kath.

Halatang nagulat si Vince pero nag smile pa din siya kay Georgia habang papalapit dito.

"Kanina ka pa?"

Umiling si Georgia.

"Bakit mo ko inintay? Namiss mo ko?" Nakangiting tanong ni Vince na nakalapit na kay Georgia.

Nag smile si Georgia.

"Baliw!" Sabay tapik sa balikat ni Vince. "Pwede ba tayong mag usap?"

"Haha kala ko namiss mo ko. Yeah sure! May gusto din akong itanong sayo weh."

Magkasabay na silang naglakad papuntang parking at sumakay sila sa kotse ni Vince. Nagpunta silang park.

Naupo sila sa bench.

"Gusto ko lang sanang ipaliwanag yung about sa nangyari kaninang umaga." Georgia.

"Bakit mo pala sinabing boyfriend mo ko?" Vince.

Sabay nilang sabi. Nagkatawanan sila.

"Una ka na." Vince.

Georgia smiled shyly.

"Ano kasi. Yung kanina, sorry kung sinabi kong boyfriend kita ha?"

Vince smiled then naging serious sya.

"Is he your ex? Yung naikwento mo sakin nung nsa new york tayo?"

Nag nod si Georgia.

"Mahal mo pa sya?"

"H-ha?"

"Sabi ko, mahal mo pa ba sya? Napansin ko kasi na parang may iba sayo nung makita mo yung girl. Or should i say, nung makita mo yung new girl niya. Nag selos ka nuh?"

"Hi-hindi ah! Gi-ginawa ko yun ka-kasi, a-ayokong isipin niya na ma-mahal ko pa siya." Sagot ni Georgia ng di tumitingin kay Vince.

"Pero bakit di ka makatingin sakin? Don't deny it, you still love him. Di mo naman kailangan sabihin na may boyfriend kana para lang patunayan na di mo na sya mahal. Kung totoong di mo na talaga sya mahal." Malungkot na sabi ni Vince.

"Sinaktan niya ko."

"But it doesn't mean na nawala na yung pagmamahal mo sa kanya."

Hindi sumagot si Georgia.

Ewan ni Georgia pero parang may iba kay Vince pero di nalang niya pinansin. Humarap sya dito.

"Sorry ha? Nadamay ka pa sa kalokahan ko. Ewan ko ba naman kasi kung anong pumasok sa utak ko at ginawa ko yun. Don't worry, bukas sasabihin ko ng hindi talaga kita boyfriend."

Nagulat si Georgia ng hawakan sya sa kamay ni Vince at seryoso pa rin ang mukha nito.

"No! Wala kang sasabihin, im your boyfriend. Just use me as long as you want, ok lang sakin."

"Pe-pero.."

"Wala ng pero pero Georgia. Yun na ang alam nila, kaya boyfriend mo ko sa harap nila."

"Si-sigurado ka?"

Nag smile si Vince.

"What our friends are for kung di kita tutulungan? And besides wala naman mawawala kung magpapanggap tayo."

Nag smile din si Georgia.

"Thanks Vince! Pero kung one day makita mo na yung mamahalin mo, sabihin mo lang sakin para tumigil na tayo ha?"

Tumayo si Vince.

"Actually, nakita ko na sya pero mahal pa rin niya ex niya." Bulong niya.

"May sinasabi ka? Sinong nakita mo?" Tanong ni Georgia sabay tayo. Lumapit sya kay Vince.

"Ha? Wala! Sabi ko uwi na tayo kasi nakita ko na yung mga stars, it means mag gagabi na bka hanapin kana senyo."

Tumingin sa taas si Georgia.

"Oo nga nuh! Tara na baka hinahanap na nga ko nila mama."

Naglakad na silang dalawa papunta sa parking.

---------

"Pwede ba tayong mag usap?"

"Ay bakekang!" Sabay hagis sa dala-dalang libro. Nagulat si Georgia nang bglang may magsalita sa likod nila. Nasa school ground sila ng kaibigan at papasok papuntang block nila. Pinulot nila ni Kath ang libro niya pero napatigil sya ng may humawak sa kamay niya. Napatingala sya dito.

"Lance?!" Sabay bitaw sa libro pero pinulot ito ni Lance. Tumayo silang dalawa at inabot nito sa kanya ang libro.

"T-thanks!" Nag aalangang sabi ni Georgia sabay ngiti ng tipid.

"Sorry kung nagulat kita. Pwede ba tayong mag usap?" Seryosong tanong ni Lance. Nasa likod nito ang mga kaibigan.

"H-ha? A-ano kasi may gagawin pa kami eh." Sabay tingin sa kaibigan. "Diba best?"

"Ha? Anong gagawin natin?" Nagtatakang tanong ni Kath.

Pinanlakihan sya ng mata ni Georgia.

"Ah hehe. Oo nga may gagawin pa kami."

"Ok, mamayang uwian na-" Lance.

"Babe!"

Si Vince. Nakangiti ito at papalapit kay Georgia. Nang makalapit ito, hinawakan nito sa waist si Georgia. Nag smile ito at humarap kay Lance.

"Lance, right? Im Vince, Georgia's boyfriend." Sabay lahad ng kamay.

Nakipag kamay si Lance pero halatang napilitan. Hindi rin sya ngumingiti.

"Anyway, thanks pare!" Vince.

"For what?" Nagtatakang tanong ni Lance.

"Kasi, kundi dahil sayo hindi ko makikilala tong babe ko." Nakangiting sabi ni Vince.

"What do you mean?" Nakakunot na tanong ni Lance.

Vince smirked.

"You know what i mean pare."

Napakuyom ng palad si Lance. Nakuha nya ang gusto nitong sabihin.

Napansin siya ng mga kaibigan kaya hinawakan sya ni Peter sa balikat.

Napansin din ni Georgia na parang nag kakainitan ang dalawa kaya inaya na nya si Vince.

Nakatingin lang si Lance habang nakatingin kila Georgia habang naglalakad at nakaakbay si Vince dito.

"Urghhh! Damn that guy!" Sabay sabunot sa sarili. Naiinis sya at the same time nagseselos.

"Chill lang pre!" Karl. Sabay tap sa shoulder ni Lance.

When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon