"Best! Di mo naman sinabi na close pala kayo ni Papa Lance!" Parang naiihi sa kilig si Kath.
"Ha? Sinong Lance?"
"Naku naman best! Sakin ka pa ba maglilihim?" Nakataas ang kilay na saad ni Kath.
"Best, wala akong time pag usapan yang ganyan. And besides, di ko talaga siya kilala at wala kong balak na kilalanin siya."
"Oo nga pala, manhater ka nga pala."
Diniin pa ni Kath ang salitang manhater.
"There you go again." Georgia rolled her eyes.
"But you know what best?" Biglang naexcite si Kath.
"What?" Tanong ni Georgia.
"Makareact ka best ha! Pero eto na. Sa tingin sayo ni Lance kanina, interesado siya sayo. Sabagay sa ganda mong yan, sino bang di makakapansin sayo. Yun nga lang, manhater ka." Nakanguso pa ito sa huli nitong sinabi.
"Best, nguso mo baka malaglag."
"Tse!" Sabay irap.
"OA ka na best."
Natigilan ito at parang may naiisip.
"Best?" Georgia.
"Waaah! Best! Pag naging kayo ni papa Lance oh my g! Best couple ever!" Kinikilig na di mo maintindihan si Kath. Pumapalakpak pa ito.
"Hay! Whatever! Halika na malelate na tayo."
Palabas na sana sila ng dumating si Cheska kasama ang mga alipores nito.
"Girls, look who's here?" Si cheska.
Ang feeling niya sya ang pinaka magandang babae. Maganda naman sana may attitude nga lang. Palibhasa mayaman kaya lahat ng gusto nakukuha except Lance. But take note kung makaarte parang property niya ito.
"And look who's here too?" Panggagaya ni Kath dito habang nakataas ang kilay at nakapameywang pa.
"Hindi ka namin papatulan Cheska. Best lika na." Georgia.
Paalis na sana sila ng muling magsalita si Cheska.
"Layuan mo si Lance." Utos nito habang nakatingin kay Georgia.
"What? Sinong Lance? Look Cheska! I don't care kung sino man siya." Kalmadong saad ni Georgia.
"Ows really? Kaya pala nilalandi mo siya kanina? Akala ko ba manhater ka? So, when it comes to Lance hindi na?" Pang iinsulto nito.
Sigh. " hindi kita papatulan Cheska, kaya wag mong ubusin pasensiya ko. Tara na best." Pagpipigil ni Georgia.
Aalis na sila ng muli itong magsalita.
"Sa tingin mo ba papatulan ka ni Lance? Oh well! Maybe. Pero magiging isa ka lang sa mga collections niya."
Hindi na nakapagpigil si Georgia.
"Isa ka ba sa kanila?" Pang iinis ni Georgia.
"What? He's my boyfriend. He's mine, only mine. And don't you dare na agawin siya!" Sigaw ni Cheska.
Napalingon ang ibang estudyante sa CR sa kanila at nagbulungan ang mga ito.
"Ha? Boyfriend niya pala si Lance?" Sabi ng isa.
"Diba ang balita, iniyakan daw niya si Lance? Kaya siguro naawa haha!" Sabi pa ng isa.
Nagtawanan ang mga ito. Tiningnan sila ng masama ni Cheska.
"Anong tinitingin tingin niyo diyan ha? Ako bang pinag uusapan niyo?"
Natakot ang mga ito at lumabas ng CR.
Hahahaha! Tumawa ng malakas si Kath.
"At anong tinatawa tawa mo diyan?" Cheska.
Hindi na nakasagot si Kath dahil hinila na siya palabas ni Georgia. Nang muling magsalita si Cheska.
"Hoy malanding babae!" Sigaw nito.
Napalingon ang dalawa.
"Anong sabi mo? Aba! Sumosobra ka na ha!" Sasabunutan na sana ni Kath si Cheska pero pinigil siya ng mga alipores nito.
"Bitiwan niyo siya!" Sigaw ni Georgia.
Lumapit ito kay Cheska.
"Hindi sana kita papatulan kaso inuubos mo talagang pasensiya ko! Listen Cheska! Yung boyfriend mo? Sayong sayo lang siya. Hindi ko siya kilala at wala kong balak na kilalanin siya. At kung mahal ka ng "boyfriend" (diniinan niya ang salitang boyfriend) na sinasabi mo, hindi ka matatakot na maagaw siya ng iba."
Hindi nakapagsalita si Cheska.
"O baka naman kasi, ikaw lang ang nakakaalam na boyfriend mo siya?" Dagdag pang iinsulto ni Georgia.
Namula si Cheska.
"Hindi pa tayo tapos!" Tanging nasabi nito.
Ngumisi si Georgia.
"Lets go girls!" Baling ni Cheska sa mga alipores niya.
"Haha! Duwag naman pala kayo weh." Pang aasar ni Kath sa mga ito.
"Tse!" Alipores ni Cheska.
"Blehhhh!" Kath.
"Grrrrrrrr!"
Inis na inis ang mga ito.
Umalis na silang dalawa at binunggo ang mga ito.
"Wow! Ibang klase ka talaga best. Apir!"
Ngumiti si Georgia at nakipag apir dito.
"Pero best, di mo talaga kilala si papa Lance? Hindi ka talaga interesado sa kanya?" Pangungulit ni Kath.
Tumingin ng masama si Georgia.
"Sabi ko nga best hehe."
BINABASA MO ANG
When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?
Novela JuvenilPaano ba magmahal ang isang playboy? Kaya ba niyang gawin ang lahat para sa taong mahal niya? Paano kung sa manhater siya mainlove? Posible ba ang love sa isang playboy at manhater? Basahin niyo nalang para malaman niyo :)