CHAPTER 20

2.1K 44 0
                                    

Nasa park sila ngayon.

Si Kath at yung tatlong ugok naglalaro ng badminton.

Sina Lance at Georgia holding hands while walking.

Naupo sila sa telang nilatag nila sa damuhan.

"Naalala mo pa?" Tanong ni Lance.

"Ang alin?"

"Remember? Dito ko unang sinabi na gusto kita? Mali pala, na mahal kita."

"Sinabi mo ba yun?" Pagsisinungaling ni Georgia. Gusto lang niya tong asarin.

Nalungkot si Lance.

"So. Hindi mo na pala natatandaan?"

"Sorry? Hindi ko kasi matandaan eh!"

"Ok lang." Sabay tayo.

"Oh! San ka pupunta?"

"May kukunin lang ako sa car." Sagot ni Lance ng di tumitingin kay Georgia.

Lumakad ito papunta sa sasakyan nito.

Ilang minuto na pero hindi pa rin ito bumabalik.

"Ang tagal naman niya. Ano kayang kukunin non?"

Tumayo si Georgia at sinundan na niya ito.

Napahinto siya ng makita niyang may kausap itong mga girls. Nakangiti ito at halatang kinikilig ang mga girls dito.

"Kaya naman pala ang tagal niya."

Ewan niya pero nagseselos siya. Alam niyang model ito at natural na maraming babae ang makakakilala dito.

Tumalikod na siya at naglakad pabalik.

"Georgia!"

May tumawag sa kanya. Paglingon niya nakita niya si Lance.

Tinalikuran niya ito at naglakad ulit.

Hinabol siya nito. Nahawakan siya nito sa balikat. Humarap ito sa kanya.

"Galit ka ba?" Tanong ni Lance.

"Bakit naman ako magagalit?" With her cold voice. Sabay talikod dito.

Lance smiled.

"Nagseselos ka ba?"

"What? Ako nagseselos? Kanino?" Sabay harap kay Lance.

"Nakita mo nuh?"

"Ano naman kung nakita ko? Alam ko naman na fans mo sila." Tinalikuran niya ulit ito.

Tumawa si Lance.

"Aminin mo na kasi na nagseselos ka." Pang aasar nito.

Hindi nagsalita si Georgia. Lumakad siya palayo kay Lance.

Hinabol ulit siya ni Lance. Naabutan siya nito.

Nagulat si Georgia ng yakapin siya nito habang nakatalikod siya dito.

"Wala ka naman dapat ipagselos eh. Fans ko sila pero ikaw naman yung mahal ko." Bulong ni Lance.

Alam ni Georgia na kinilig sya sa sinabi to.

"Alam ko naman yun. Di ko lang talaga mapigil na hindi magselos." Pag amin niya.

Iniharap siya ni Lance sa kanya. Hinalikan siya nito sa noo.

"I love you." Lance.

She smiled at yumakap siya dito.

"Ano pala yung kinuha mo?"

May kinuha si Lance sa pocket nito.

Kinuha ang kamay ni Georgia at may isinuot sa daliri nito.

"Ano to?" Tanong ni Georgia.

"Hindi mo ba nakikita? Edi singsing!" Pagbibiro ni Lance.

"Kainis ka naman eh! Seryoso ko."

Tumawa si Lance.

"Joke lang. Couple ring yan." Sabay taas ng left hand nito.

Ngayon lang napansin ni Georgia na may suot din pala tong singsing.

"Para san to? Hindi pa naman kita sinasagot, diba?"

Hinawakan ni Lance ang dalawang kamay ni Georgia.

"Hindi pa nga. Pero gusto kong malaman nila na taken ka na at akin ka lang."

Hinalikan ni Georgia si Lance sa pisngi.

"Dun lang? Wala dito?" Sabay nguso nito.

"Aba demanding ka! Hindi na kita ikikiss ulit!"

"Haha! Joke lang naman."

Then he hugged Georgia again.

When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon