CHAPTER 27

1.8K 44 0
                                    

"Teka! Nasan si Lance?" Georgia.

Hindi nila napansin na umalis ito.

"Ewan. Diba katabi mo palang siya kanina?" Kath.

"Baka nag CR lang." Peter.

May nagsalita sa stage.

"Ahmm.. Good evening everyone!"

Nagtilian ang mga estudyante.

"We love you Lance!"

"Lance u're so gwapo!"

Napatingin sila Georgia sa stage.

"Anong ginagawa niya dun?" Kath.

Nag kibit balikat ang tatlong ugok.

"To be honest, kinakabahan ako. But, Georgia, this song is for you." Nakangiting sabi ni Lance.

Nagulat si Georgia.

Napatingin sa kanya ang mga estudyante.

Nagsimula na ang tugtog.

Bakit kapag tumitingin ka natutunaw ako,

Bakit kapag lumalapit ka kumakabog ang puso ko

Bakit kapag nandito ka sumasaya araw ko

Lahat ng bagay sa mundo parang walang gulo

"Kinakantahan ako ni Lance?" Georgia talking to herself.

Para siyang lumulutang habang nakikinig sa kanta nito.

"Ang ganda pala ng boses niya. Hay Lance! You always surprised me."

Bakit kapag nakikita ka parang nasa ulap ako

Bakit kapag kausap kita nauutal-utal sayo

Bakit kapag nandito ka nababaliw ako

Nababaliw sa tuwa ang puso ko

Bumaba si Lance sa stage at lumapit kay Georgia. Hinawakan nito ang kamay niya.

Tumayo si Georgia. Inakay siya ni Lance papunta sa stage habang kumakanta.

Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito,

Sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso,

Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay,

Sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako

Nakatayo sila sa stage. Hinawakan siya sa mukha ni Lance.

Bakit kapag kasama kita ang mundo ko'y nag-iiba

Bakit kapag kapiling kita ang puso ko'y sumisigla

Bakit kapag nandito ka problema ko'y nabubura

Ikaw ang aking pag-asa at ang tanging ligaya

Pumunta si Lance sa likod ni Georgia at inakap ito ng isang kamay.

Napakalakas ng kabog ng dibdib nilang dalawa.

Sa isang sulyap mo ay nabihag ako, para bang himala ang lahat ng ito,

Sa isang sulyap mo nabighani ako, nabalot ng pag-asa ang puso,

Sa isang sulyap mo nalaman ang totoo, ang sarap mabuhay punung-puno ng kulay,

Sa isang sulyap mo ayos na ako, sa isang sulyap mo, napa-ibig ako

Natapos ang kanta. Humarap si Lance kay Georgia.

He kissed Georgia's forehead.

Naghiyawan ang mga estudyante.

"How sweet!"

"Girl ang swerte mo!"

"Nakakakilig grabe!"

Hiyang hiya si Georgia.

Inalalayan siya ni Lance habang bumababa sa stage.

"Wow! That was really sweet surprise Lance. Kinilig ba kayo girls?" Emcee.

"Yes! Super!" Sigaw ng mga babae.

"Even me haha! So, what are you guys waiting for? Boys! Pwede niyo ng isayaw ang kadate niyo."

Nagsimula na silang magsayawan ng magsimula ng tumugtog ang banda.

"Gosh! Best! Kaloka ha! Inggit much na talaga ko sayo." Sabi ni Kath kay Georgia habang kinikilig.

Nakaupo na sila ngayon ni Lance.

"Pare! Pano mo naisip yun ha? Ibang klase talaga pag inlove haha!" Shayne.

Lance smiled. Tumingin siya kay Georgia.

"Siguro kasi.. Mahal ko siya. As they say, kaya mong gawin lahat para sa taong mahal mo."

Namula si Georgia.

"Yieeh! Kayo na talaga! Kayo na ang King and Queen of the night!" Sabi ni Kath na kumukumpas pa ang kamay.

Biglang naging sweet ang kanta.

"Wala ba kayong balak sumayaw?" Tanong ni Kath sa dalawa.

"Sus! Nagpaparinig ka lang. Gusto mo lang isayaw kita. Diba? Haha!" Pang aasar ni Shayne dito.

"Wow! Ang kapal lang eh nuh! Sino bang nagsabi sayo na gusto kitang makasayaw ha?"

"Kunyari ka pa. Aminin mo, nacucute-an ka sakin diba? Haha!"

"Wish mo lang!" Sabay irap dito.

"Hahaha! Kaya pala kanina ka pa tingin ng tingin sakin haha!"

"A-ako?" Sabay turo sa sarili.

"Haha! Sige na, sige na inaasar lang kita."

"Grrrrrrr! Bwiset!"

Inis na inis na si Kath. Totoo naman na kanina pa niya tinitingnan si Shayne. Pero siyempre hindi siya aamin dito.

"Mind reader yata ang loko! Bakit niya naisip na nacucute-an ako sa kanya? Infairness naman kasi, cute siya ngayon. At mas cute siya pag nakasuot ng formal." Naisip niya.

When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon