Nasa kwarto si Georgia. Nasabi na rin niya sa parents niya yung nangyari at galit na galit ang mga to. Nakasandal sya sa headboard ng kama niya at nakaupo naman sa tabi niya ang mama niya. Nakatayo naman sa gilid ng kama niya ang papa niya.
Mula ng pauwi sya hanggang sa makauwi siya hindi siya tumitigil kakaiyak. Sobrang sakit ng nararamdaman niya.
"Bakit ganun ma? Yung taong akala kong makakaintindi sakin, sya pa yung unang nang husga sakin. Ang sakit ma." Sabay yakap sa ina. Hinawakan naman sya sa ulo ng ama.
"Anak, tahan na. Siguro nabigla lang sya sa nakita niya." Georgia's mom.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa ina.
"Pero diba, pag mahal mo yung tao dapat pakinggan mo muna sya?" Singhot. Singhot. "Pero pinaglaruan lang pala niya ko. Hindi talaga niya ko mahal."
Nagkatinginan ang mag asawa.
"Mas mabuti pa siguro anak kung lumayo ka muna. Babalik tayo ng new york. Dun muna tayo ng mama mo."
"Tama ang papa mo. Mas mabuting lumayo ka muna."
Nagpahid ng luha si Georgia bago nagsalita.
"Siguro nga po mas mabuting lumayo muna ko." Sabay group hug nila.
Lalayo muna sya dahil kailangan na nyang kalimutan ang nangyari pati na rin si Lance. Kung nandito sya, mas lalo syang masasaktan dahil paulit ulit niyang naaalala ang nangyari. Ilang araw na din syang hindi pumasok. Tawag ng tawag sa kanya si Vince at Kath pero di niya sinasagot. Lagi rin syang nakakulong sa kwarto at lumalabas lang para kumaen.
Nakkikinig sya ng music sa phone niya ng may kumatok.
Pag open niya ng pinto, nakita nita si Kath.
"Best!" Tuwang tuwang sabi niya sabay yakap dito.
Pumasok sila sa kwarto at naupo sa kama.
"Kumusta kna best? Bakit hindi ka man lang nagpaparamdam? Hindi mo man lang sinasagot ung mga text at tawag ko. Naiintindihan ko naman kung bakit ilang araw ka ng di pumapasok pero sana man lang magtext ka." Nagtatampong sabi ni Kath.
Nag smile si Georgia.
"Sorry best. Gusto ko lang kasing makapag isip. Dadalawin naman sana kita senyo bago ko umalis."
"Umalis?" Nagulat na tanong ni Kath. "Teka! San ka pupunta?"
"Pupunta na kami nila mama sa new york."
"Ang daya mo best!" Maiyak iyak na sabi ni Kath.
Hinug ni Georgia ang kaibigan.
"Sorry."
Kumalas si Kath sa pagkakahug nito at humarap sa kanya.
"Hanggang kelan ka dun?"
"I don't know best. Maybe, a week, a month, a year or for good."
Umiyak si Kath kaya napaiyak na din si Georgia.
"Mamimiss kita best." Sabay hawak sa kamay ni Georgia.
"Mamimiss din kita best. Don't worry, lagi tayong mag i-skype."
Nagtawanan sila.
"Kumusta ka naman? I mean, yung puso mo?" Tanong ni Kath.
Parang nalungkot si Georgia pero nag smile sya ng tipid.
"Eto, masakit pa din pero pinipilit kong maging ok at kalimutan sya."
"Wala kabang balak na kausapin ulit sya?"
"Hindi na best. Baka mas masaktan lang ako."
"Pero hindi naman totoo ung nasa picture. Tsaka ilang araw na rin hindi pumapasok si Lance. Tingin ko nasasaktan din yun."
BINABASA MO ANG
When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?
Teen FictionPaano ba magmahal ang isang playboy? Kaya ba niyang gawin ang lahat para sa taong mahal niya? Paano kung sa manhater siya mainlove? Posible ba ang love sa isang playboy at manhater? Basahin niyo nalang para malaman niyo :)