CHAPTER 24

1.9K 40 0
                                    

"Hi Georgia!" Nakangiting bati ni Cheska. Kasama nito ang alipores nito.

Nasa canteen sila ngayon.

"Balita ko, ikaw ang kadate ni Lance sa party." Nakangiti pa ring saad ni Cheska.

"May problema ba dun?" Naiinis na tanong ni Georgia.

Kahit alam ni Georgia na plano lang ang lahat ng nangyari dati naiinis pa rin siya dito.

"Hot ka naman agad girl! Relax!"

"May kailangan ka ba?"

"Well, wala naman."

"Then, why are you here?"

"Masama ka na bang kausapin ngayon?"

"FC ka din eh nuh!" Singit ni Kath.

Ngumiti lang si Cheska.

"Girls, kalimutan na natin yung galit natin sa isa't isa. Naka move on na ko kay Lance."

"Move on? Bakit naging kayo ba?" Pang aasar ni Kath dito.

Nainis si Cheska sa sinabi nito pero di niya pinahalata.

"Bwiset na babae to! Relax Cheska! Kailangan mong iclose sila para sa plan mo." Cheska talking to herself.

Ngumiti ulit ito.

"Oh! Im sorry. I mean, wala na kong pakialam kay Lance ngayon."

"Talaga lang ha?" Nakataas ang kilay na sabi ni Kath.

"Best tama na. And Cheska, pwede ba! Don't act like, as if we're close." Sabi ni Georgia sa dalawa.

"Alright! I know mahirap paniwalaan pero nagbago na talaga ko. Yeah naging bad ako senyo before pero lahat naman ng tao nagbabago. And im sorry sa mga nasabi ko senyo before." Cheska.

Nagkatinginan sina Georgia at Kath.

"Apology accepted. But it doesn't mean na magiging friends na tayo." Georgia.

Hinawakan siya sa kamay ni Cheska.

"Tnx girl! U're so bait talaga!"

Ngumiti ng tipid si Georgia.

"So pano? See you two at the party?" Cheska.

"Sana nga wala ka nalang dun eh!" Bulong ni Kath.

Narinig siya ni Georgia. Tiningnan siya nito. Meaning ( best! Bibig mo )

Ngumuso si Kath.

"Bye girls!" Cheska.

"Bye bitch! Este! Beauty." Kath.

Natawa ng palihim si Georgia sa sinabi ng kaibigan.

"Best talaga!" Naisip niya.

Umalis na sila Cheska. Pero bago ito tuluyang makalayo lumingon ulit ito kay Georgia.

"Georgia!" Tawag nito.

Napalingon ang dalawa.

"Oh! I forgot to tell you. Gudluck!" Nakangisi nitong sabi.

Tapos lumakad na ulit ito.

"Gudluck daw? Baliw talaga yung babaeng yun." Kath.

"Yaan nalang natin siya best."

"Napansin mo best? Nakangisi siya? Ano na naman kayang balak ng bruha na yun?"

"Wala naman siguro."

"We'll see. Pag may ginawa talaga yun. Naku! Kakalbuhin ko talaga siyang bruha siya."

Natawa si Georgia.

Tumatawa si Georgia ng dumating sila Lance.

"Lalo ka talagang gumaganda pag tumatawa ka."

Napalingon ang dalawa sa nagsalita.

Namula si Georgia ng makita niyang si Lance pala ang nagsalita. Tumabi ito sa kanya.

"Ang cute mo pag nagbablush ka haha!" Sabi nito sabay pisil sa pisngi ni Georgia.

"Aww! Ang sakit ah!" Sabay hampas sa dibdib nito.

Nakatingin sa kanila ang mga estudyante.

"Kelan ko kaya mahahawakan si Lance?" Bulong ng isa.

"Asa ka pa!" Bulong pa ng isa.

Hinawakan ni Lance ang kamay ni Georgia.

"I can't wait to see you wearing dress."

"Pano kung hindi ako naka dress?"

"Its ok. Ikaw pa rin pinakamaganda sa paningin ko." Sabay kindat nito.

"Bola!"

"Hindi yun bola. Totoo yun."

Magsasalita pa sana si Lance ng may maalala.

"Muntik ko ng makalimutan. May photo shoot nga pala ko. Sorry Georgia hindi kita masusundo mamaya. Ok lang ba? Ipapasundo nalang kita sa driver."

"Hindi na. Sige na umalis ka na baka malate ka pa sa photo shoot mo."

"Sure ka?"

She nodded.

"Ok. So, see you at the party later?"

"Ok."

"Mga pre, kayo ng bahala sa dalawa. Ingatan niyo sila ha?" Baling ni Lance sa tatlong kaibigan.

Tumayo na si Lance at umalis na ito.

"Best matunaw si Lance." Kath.

Nakatingin pa rin kasi si Georgia kay Lance kahit malayo na ito. At di man lang napansin ang kaibigan.

When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon