Dahil lunch break nasa canteen sila Georgia ngayon. Magkaharap silang mag kaibigan sa table.
"Hi Georgia!"
Napalingon silang dalawa sa nagsalita. Si Sandra, todo smile at nakapulupot pa ang kamay kay Lance. Kasunod naman ang tatlong ugok.
"Hi your face! Tsk! Parang ahas kung makapulupot kay Lance. Im sure sya yung nanligaw kay Lance." Bulong ni Kath. Sabay irap kay Sandra.
Hinawakan ni Georgia ang kamay ng kaibigan dahil narinig niya ito. Ngumiti sya kay Sandra ng di tumitingin kay Lance.
"Oh, hi Sandra!"
Aalis na sana si Lance pero pinigil sya ni Sandra.
"Honey, dito nalang tayo maupo." Maarte nitong sabi habang nakakapit pa rin kay Lance at nakatingala dito. "Ok lang Georgia, kung makijoin kami ng table?"
Napalunok siya pero di sya pwedeng magpahalatang affected sya ng presence ni Lance. Hindi niya inaalis ang smile niya.
"Yeah sure! Kung ok lang din kay Lance." Sa wakas natingnan din niya si Lance pero sandali lang. Napansin nya kasing parang naiinis ito at ewan niya pero parang di nito gustong makita sya. Nasaktan sya.
"Hi babe!"
Napalingon silang lahat sa nagsalita even yung ibang students sa canteen.
"Oh my! Si Lance at Vince!" Kinikilig na sabi ng isang estudyante.
"They're both handsome and hot!" Sabi pa ng isa na parang nagpapantasya.
Lumapit si Vince kay Georgia tapos kiniss siya nito sa pisngi. Nagulat si Georgia pero nag smile pa din sya dito.
Aminin man ni Lance o hindi, nagselos sya sa nakita niya. Pumayag siyang mag join sa table ng mga to kahit nasasaktan siya.
Nasa isang mahabang table sila. Sa isang side magkatabi si Georgia, Vince, Kath at Shayne. Kaharap naman nila sina Lance, Sandra, Peter at Karl.
"Honey, try this one." Sandra. Sinusubuan nito si Lance.
Ayaw sana ni Lance pero ng makita niyang nakatingin si Georgia isinubo niya yung pinapakaen sa kanya ni Sandra tapos nag smile sya ng sweet dito.
Inis naman si Georgia kaya sinubuan din niya si Vince. Napansin sila ni Sandra.
"How sweet!"
Nag smile din ng sweet si Georgia.
"Of course! Love na love ko kaya tong babe ko." Sabay hilig ng ulo kay Vince. Inakbayan naman siya nito.
"At syempre! Love na love ko din tong babe ko." Sabi nito habang nakangiti.
"Asus! Baka naman magka diabetes na kayo sa sobrang kasweetan niyo!" Panunukso naman ni Kath. Gusto nyang asarin si Lance para malaman niya kung mahal pa nito ang bestfriend niya. Nakita niyang hindi maipinta ang mukha nito kaya natawa sya ng palihim.
"Baka naman naiinggit ka lang?" Biglang singit ni Shayne habang kumakaen.
"Excuse me?" Sabay harap ni Kath dito at nakataas ang isang kilay.
Napaharap si Shayne sa kanya.
"Bakit? Hindi ba?"
"Ako?" Sabay turo sa sarili. "Naiinggit? Duh! Mukha ba kong naiinggit? Epal ka talaga e nuh?!"
"Edi hindi kung hindi. Dami pang sinasabi eh!" Sabay talikod.
"Yan na naman kayo. Walang pagbabago." Peter.
"Baka magulat nalang kami biglang kayo na pala haha!" Karl.
Nagkatawanan sila except Kath, Shayne and Lance.
Tuloy sila sa pagkaen. Minsan titingin si Lance kay Georgia tapos mahuhuli sya nitong nakatingin sa kanya. Minsan naman si Georgia ang titingin kay Lance at mahuhuli din sya nito. Nagkukulitan si Georgia at Vince. Biglang tumayo si Lance. Nagulat sila dito.
"Honey, san ka pupunta?" Tanong ni Sandra na halatang nagulat din at nakatingala kay Lance.
"I almost forgot, may photo shoot nga pala ko. I have to go." Seryoso nitong sabi sabay talikod.
Tumayo na din si Sandra bago nagsalita.
"Bakit hindi ko alam na may schedule ka ngayon ng photo shoot mo?"
Humarap si Lance.
"Sandra, kailangan ba lahat ng gagawin ko alam mo?" Naiinis na tanong ni Lance. Tumalikod na ulit sya at lumakad palayo.
Medyo napahiya naman si Sandra kaya nag excuse sya para pumunta ng rest room.
-------
Sa CR..
Palabas ng cubicle si Sandra ng may humarang sa kanya.
"So, ikaw pala yung bagong girlfriend ni Lance?" Nakataas ang kilay na sabi ni Cheska at naka cross arms pa to. Nasa likod naman nito ang alipores nya.
Tumingin si Sandra sa kanya.
"Bakit? May problema ba?" Nakataas ang kilay na tanong naman ni Sandra.
Nag iba ng expression si Cheska. Nag smile ito.
"Oh! Wala naman. Well, i just want you to know na hindi tayo ang magkaaway dito."
"What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Sandra.
"What i mean is.. Alam kong hindi ka talaga gusto ni Lance coz i know mahal pa rin niya si Georgia."
Nainis naman si Sandra sa sinabi nito. Nag cross arms sya at tinaasan ng kilay si Cheska.
"Ooops! Don't get me wrong girl.
I mean, frankly speaking, i don't like Georgia for Lance."
"So? I don't like her also pero may boyfriend na siya ngayon. And si Lance? He's mine now. And, ano bang ibig mong sabihin?"
"Alright! Sayo na nga si Lance and may boyfriend na si Georgia. But, how sure you are na hindi na nila love ang isa't isa? Alam ng marami kung gano nila minahal ang isa't isa."
"Hindi na mahal ni Lance si Georgia. And i think, mahal din ni Georgia yung boyfriend nya."
"Really? Are you sure?"
Napaisip si Sandra. Napansin niyang parang nag iba si Lance mula ng makita ulit nito si Georgia.
"O-of course!"
"Tsk! Tsk! I don't think so. Girl, if i were you makipag tulungan ka nalang sa plan ko."
"Plan?"
"Yup! Sisirain natin si Georgia sa kanila."
"But how? At bakit mo to ginagawa?"
You'll see girl. Like i've said, ayoko sa kanya para kay Lance. At yung boyfriend niya? He'll be mine."
"You like her boyfriend?" Nagulat na tanong ni Sandra.
Cheska nodded.
"Even Lance. Wala pa si Georgia gusto ko na sya pero ng dumating sya inagaw nya sakin si Lance. And now, hindi ako papayag na aagawin nya ulit sakin yung lalaking gusto ko."
"Pero boyfriend na niya si Vince."
"That's why may plan ako. Papayag ka bang maagaw niya ulit si Lance sayo?"
"Siyempre hindi."
"So? Payag kana?"
"Fine! Payag na ko. Ano bang plano mo?"
Sinabi ni Cheska ang plano niya.
"So, you mean kailangan kong maging close sa kanya?" Tanong ni Sandra.
"Uh-huh! As they say, keep your enemy close." Sabay tawang pang kontrabida. Gumaya naman sa kanya ang mga alipores niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/14157539-288-k243368.jpg)
BINABASA MO ANG
When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?
Подростковая литератураPaano ba magmahal ang isang playboy? Kaya ba niyang gawin ang lahat para sa taong mahal niya? Paano kung sa manhater siya mainlove? Posible ba ang love sa isang playboy at manhater? Basahin niyo nalang para malaman niyo :)