CHAPTER 41

1.7K 33 0
                                    

Mag gagabi na ng makabalik ang parents ni Lance pati ang tatlo. Nakapagbihis na rin si Georgia dahil ikinuha pala siya ng damit ng parents ni Lance. Magkakaharap sila sa sofa, natutulog naman si Lance.

"Hija, matulog kna muna. You need to rest." Lance's mom.

Napansin kasi nitong parang pagod na pagod na si Georgia.

"Or you better go home. Kami na munang magbabantay kay Lance. Sabi naman ng doctor pwede na siyang i-discharge bukas. Georgia, hija, alam namin na pagod ka. Kailangan mo din magpahinga."

"No tita. Kaya ko pa po. Ok lang po ako. Nagpaalam naman na ko kay mama."

May tumawag sa daddy ni Lance.

"What's wrong honey?" Tanong ng ina ni Lance sa asawa.

"May konting problema lang sa office. Kailangan ko munang pumunta. Pano, alis na ko. Babalik nalang ako mamaya."

"Tito, tita. Kami nalang pong magbabantay kay Lance. Tita umuwi kana din po. Ang eyebag wag kalimutan hehe. Hindi yun bagay sa maganda mong mukha." Singit ni Kath.

Natawa ang mag asawa.

"Nakakatuwa ka talagang bata ka." Lance's mom.

"Sure kayo, kaya niyo na dito?" Lance's dad.

"Yes tito! Kaming bahala dito." Shayne.

Umalis na ang mag asawa. Naiwan silang lima. Si Kath nasa pang dalawahang sofa katabi si Peter. Si Shayne at Karl naman magkatabi din. Naupo naman si Georgia sa upuan sa gilid ng higaan ni Lance. Binabantayan niya si Lance habang natutulog.

"Alam niyo ba kung anong nangyari kanina?" Simula ni Kath.

"Ano?" Tanong naman ni Karl.

"Wala naman. Hinali-" hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil tinakpan ni Georgia ang bibig niya. Inalis niya ang kamay nito.

"Hinalikan lang naman ni best sa lips si Lance haha!"

Namula si Georgia. Hiyang hiya siya sa tatlo. Buti nalang at tulog si Lance kundi baka lumubog na siya sa sobrang hiya. Hindi pa siya ulit nakikita nito mula ng lumabas siya kanina.

"What's going on guys?"

Natingin silang lahat sa nagsalita.

Gising na si Lance.

Hindi makatingin si Georgia sa kanya.

"Ahh.. cr lang ako sandali." Paalam ni Georgia.

"Baka naman iiwas best?" Pang aasar ni Kath sa kanya.

Tiningnan niya to ng masama.

"Hehe. Sabi ko nga sasamahan pa kita."

Nagpunta silang cr.

"Best bakit mo ba iniiwasan si Lance? Boyfriend mo naman siya kaya ok lang kahit ikiss mo pa siya ng paulit ulit.

Tiningnan ulit siya ng masama ni Georgia.

"Tatahimik na po oh!" Kunyaring zinip pa yung bunganga.

"Bakit nga ba ko mahihiya? Di ko naman yun sinadya." Naisip ni Georgia.

Tapos lumabas na ulit sila ng cr. Medyo napatagal yata sila kaya nakatulog na yung tatlong ugok pati si Lance. Late na din kasi, oras na para matulog.

Naupo si Georgia sa upuan sa tabi ng higaan ni Lance. Si Kath naman naupo din sa sofa. Hindi na nila namalayan na nakatulog na din sila.

Nagising si Lance. Nakita niyang natutulog si Georgia. Hinawakan niya to sa ulo.

"I love you." Bulong niya dito.

"I love you too." Georgia.

Napasmile si Lance. Nananaginip pala si Georgia. Sakto pa sa binulong niya dito.

When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon