"Best! Excited much na ko!" Sigaw ni Kath habang pababa sila ng hagdan.
Nasa bahay sila nila Georgia. Nakita nilang nasa sala na si Lance kausap ang mama ni Georgia at hinihintay sila. Nakita sila nito.Tumayo si Lance at sinalubong sila. Kinuha ang dala ni Georgia at inalalayan itong bumaba.
"Ehem! Sana lang po naalala niyo ko. Andito po ako oh!" Singit ni Kath na nahuli sa pagbaba.
Natingin sila dito. Babalik sana si Lance para kunin ang dala nito pero biglang bumukas ang pinto.
"Ang tagal niyo naman! Hi tita!" Shayne.
Nag smile ang mama ni Georgia dito. Napasimangot naman si Kath.
"Excited lang? Sino ba kasing nagsabi na mag intay siya? Di nalang kasi nauna hmp!" Bulong ni Kath.
Narinig nila ito. Nagkatinginan si Lance at Georgia. Pero himala hindi nag react si Shayne ngayon. Lumapit ito kay Kath at kinuha ang dala nito. Nagulat sila dito especially Kath.
"Ha? Nakainom ba siya ng gamot na pang gentleman at pangpatino?" Naisip ni Kath. Bumaba nalang siya at sumunod dito.
"Bye ma. Ingat ka po dito. Don't forget your medicine ok? In five days, uuwi na kami." Paalam ni Georgia sa ina sabay halik sa pisngi.
Nag nod ito.
"Bye tita. Alis na po kami." Paalam ni Lance. Sabay halik din sa pisngi nito.
"Sige. Mag iingat kayo sa byahe. Lance, ikaw ng bahala sa anak ko."
Tumango si Lance tapos lumabas na sila.
Sa sasakyan..
Magkatabi si Lance at Georgia. Si Kath at Shayne magkatabi rin pero himalang di nag babangayan. Si Peter naman nasa harapan. Si Karl ayun mag isa sa likod natutulog. Hinatid lang sila ng driver nila Lance sa airport. Mag eeroplano sila papuntang bora.
Gabi na ng makarating silang bora. Napagod sila sa byahe. Dahil fully booked ang lahat ng hotel isang unit lang ang nakuha nila na may dalawang kwarto. Magkasama ang dalawang girls sa isang kwarto tapos yung boys sa isang kwarto.
"Hay! Kakapagod pambihira!" Reklamo ni Kath sabay dapa sa kama.
Natatawa nalang si Georgia. Bumiling si Kath tapos humarap kay Georgia.
"Best?" Tawag nito sa kaibigan.
"Uhmmm?" Sagot ni Georgia habang nakatalikod at inaayos ang gamit nila sa cabinet.
"Kung makakasama mo si Lance sa isang room, anong gagawin mo? Hehe."
Humarap si Georgia dito.
"Ano bang klaseng tanong yan best?"
"Nah! Masama bang magtanong?"
"Ikaw talaga kung ano anong naiisip mo." Parang nahihiyang sabi ni Georgia.
Tumayo si Kath tapos lumapit sa kanya.
"Yieeh! Si best green minded. Anong naisip mo ha?"
Nag blush si Georgia.
"Wa-wala! Ikaw kung ano anong sinasabi mo. Iayos mo nalang kaya yung gamit mo?" Sabay talikod.
"Kunyari ka pa best. Sige na share mo na yung.. Lance?!" Sabay lunok.
Napalingon si Georgia sa kaibigan.
"Ano bang sinasabi niya?" Naisip niya. Tumingin siya sa tinitingnan ng kaibigan.
Lunok. Lunok. Lunok.
Nakatayo si Lance sa pinto.
"Hey! Anong nangyayari senyo? Para kayong nakakita ng.." Naalala ni Lance na naka topless siya.
"Ooops! Sorry. Init na init kasi ko kaya nag hubad ako. Sorry, ngayon lang ba kayo nakakita ng lalaking naka topless?" Nakasmile na sabi pa ni Lance.
Natauhan si Georgia.
"Ahh.. Ehh.. Hi-hindi naman. Ano lang kasi ahmm.." Lunok. Hindi makapagsalita ng diretso si Georgia. Hindi rin siya makatingin kay Lance.
"Kasi?" Lance.
"Wala nagulat lang kami sayo. Oo tama, nagulat lang kami sayo." Pagsisinungaling ni Georgia sabay talikod.
Lance smiled. Alam niyang nagsisinungaling si Georgia.
"Haha sorry. Sige punta na kong kwarto. Tiningnan ko lang kung ok kayo dito."
"Ok naman kami dito. Sige balik kana sa room niyo."
Aalis na sana si Lance pero..
"Wag kang umalis. Ang ganda kaya ng view." Nakatulalang sabi ni Kath.
Nalingon si Lance at Georgia. Nagkatinginan sila. Pero agad binawi ni Georgia ang tingin niya.
"Best!" Sabay tingin ng masama sa kaibigan.
Natauhan naman si Kath.
"Ha? May sinasabi ba ko? Wala naman ah! Sige tulog muna ko. Nyt!" Sabay higa sa kama.
Natawa si Lance. Umalis na siya.
BINABASA MO ANG
When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?
Fiksi RemajaPaano ba magmahal ang isang playboy? Kaya ba niyang gawin ang lahat para sa taong mahal niya? Paano kung sa manhater siya mainlove? Posible ba ang love sa isang playboy at manhater? Basahin niyo nalang para malaman niyo :)