Marami ng nagsasayaw. Yung iba real couple. Yung iba magkadate lang. At yung iba nag aaya lang ng kasayaw.
"Pwede ka bang isayaw?" Aya ni Peter kay Kath.
Nagulat ito.
"Ha? Su-sure!"
Inalalayan siya nitong tumayo at lumakad. Nagpunta sila sa dance floor.
Parang nagselos si Shayne kaya inaya nito si Karl na maghanap ng kasayaw.
Naiwan ang dalawa.
"Pansin mo yung mukha ni Shayne? I think may gusto na yun kay best."
"Tingin mo?"
"Parang eh! Kaso.. Kelan kaya sila mag uusap ng di nag aasaran?"
"Haha! Yaan na natin sila."
May napansin si Georgia. Tumingin si Lance sa tinitingnan niya.
"Haha! Ayaw nilang magsayaw. Feeling ko, gusto din siya ng best mo."
Nakita kasi nilang nag change partner si Shayne at Peter. Si Shayne na ang kasayaw ni Kath.
"Ahmmm.. Georgia?"
"Hmmmm?"
"Pwede bang ako yung maging first dance mo?"
"First and last Lance. Wala akong ibang gustong kasayaw."
Nangiti si Lance.
Inalalayan niyang tumayo si Georgia. Inalalayan niya itong lumakad at nagpunta sila sa gitna.
Hinawakan siya ni Lance sa hips at inilagay naman niya ang kanyang kamay sa balikat nito.
Nagsayaw sila. Hinawakan ni Lance ang isang kamay ni Georgia at nilagay sa tapat ng dibdib niya.
"Naririnig mo ba tibok ng puso ko?" Tanong ni Lance.
Tumango si Georgia.
"Alam mo ba kung anong sabi ng puso ko?"
"Ha? Nagsasalita ba puso mo?"
"Haha! Marunong ka ng mag joke ha!"
"Of course not! Hindi joke yun."
"Haha! Alright! Hindi nagsasalita ang puso ko pero pag kasama kita lagi niyang sinasabi, mahal kita Georgia."
She blushed.
Ang bilis ng heartbeat ni Lance, napifeel yun ni Georgia. Pero mas mabilis ang sa kanya. Feeling niya sasabog ang dibdib niya.
"Bakit ako pa Lance? Pano kung bigla mong maisip na hindi pala ko yung dapat mong mahalin?"
"Shhhhh!" He covered Georgia's lips with his forefinger.
"Mahal kita, yun lang ang mahalaga."
Ngumiti si Georgia. She hugged Lance.
"Thank you Lance."
Hindi nila napansin na silang dalawa nalang ang sumasayaw. Pinapanood nalang sila ngayon ng mga estudyante.
"Girl, hahayaan mo nalang bang tuluyang maagaw ng babaeng yun si Lance sayo?" Alipores ni Cheska.
"Stupid! Siyempre hindi! Kilala niyo ko. Wala kong gusto na hindi ko nakuha." Nakangising saad ni Cheska.
"Ano ba kasing balak mo?" Tanong ng isa pa niyang alipores.
"Just wait and see! Haha!"
BINABASA MO ANG
When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?
Novela JuvenilPaano ba magmahal ang isang playboy? Kaya ba niyang gawin ang lahat para sa taong mahal niya? Paano kung sa manhater siya mainlove? Posible ba ang love sa isang playboy at manhater? Basahin niyo nalang para malaman niyo :)