"Best, ayaw mo ba talagang mag swimming? Lika na dun oh!" Sabay turo sa dagat.
Nasa cottage silang dalawa. Yung tatlong ugok maghahanap daw sila ng babae. Si Lance naman nagpaalam lang na may kukunin lang sa unit nila.
"Mamaya nalang siguro best."
"Sus! Hinihintay mo si Lance nuh! Sabagay, ang sarap kayang maglakad sa dalampasigan lalo na kung mahal mo yung kasama mo." Kinikilig pang sabi ni Kath sa huli nitong sinabi.
"Best talaga."
"Kunyari pa best? Obvious naman nuh! Eh teka lang! Bakit ba ang tagal naman ng boyfriend mo? Hala ka! Baka nambababae na yun!"
"Di naman siguro best. Lika na nga!"
"Kala ko ba ayaw mo? Pano pag dumating si Lance?"
Tapos may nakita si Kath.
"Ow! Speaking of Lance. There he is!" Sabay turo nito kay Lance.
Tiningnan ni Georgia ang tinuro ng kaibigan. Si Lance may kausap na babae. At eto pa. Naka two piece yung babae tapos parang kilig na kilig habang kausap si Lance. At eto namang si Lance parang tuwang tuwa habang kausap yung babae.
Parang may kirot na naramdaman si Georgia pero di niya pinahalata.
"Oh ano best? Uupo ka nalang dyan? Hindi mo sila lalapitan?"
Ngumiti si Georgia.
"Baka kakilala lang niya yung girl. Wag nalang. Wala lang siguro yun."
"Duh! Hahayaan mo nalang na landiin ng babaeng yun ang boyfriend mo?"
"Kung alam mo lang best." Naisip ni Georgia.
Hinila siya ni Kath.
"Teka best! Anong ginagawa mo?" Tanong ni Georgia sa kaibigan habang hila hila siya nito.
"Kung ayaw mong lumapit sa kanila. Hihilahin kita papunta sa kanila!"
"Best wag na."
"Heh! Manahimik ka best. Kunyari ka pa alam ko naman na nagseselos ka."
Bago pa makapagsalita si Georgia naitulak na siya ni Kath kay Lance. Nasubsob ang mukha niya kay Lance.
"Aray!" Sabi ni Georgia. Hawak hawak ang mukha.
Nagulat si Lance pati yung babae. Nilingon ni Lance yung sumubsob sa likod niya. Nagulat siya.
"Babe!"
"Hello Lance! Tama si babe mo nga." Nakangiting sabi ni Kath. Sabay akbay kay Georgia.
Nakagat ni Georgia ang labi niya sa hiya. Totoong nagseselos siya pero hindi naman niya gusto yung ginawa ng kaibigan.
"Oh ano best? Hindi mo ba babatiin yung boyfriend mo?" Nakataas ang kilay na sabi ni Kath at diniinan ang word na boyfriend.
Nag smile si Georgia.
"A.. Ano kasi.. Ahmmm.."
Inakbayan siya ni Lance.
"Its ok babe. By the way. Babe, si Sandra. Nakakasama ko siya minsan sa photo shoot ko. And Sandra, Georgia, my girlfriend."
Halatang nawala sa mood yung Sandra pero nag fake smile ito.
"Hi Georgia. Nice to meet you." Sabay lahad ng kamay.
Nag smile si Georgia tapos nakipag shakehands siya.
"And my girlfriend's bestfriend-" Di na natapos ni Lance ang sasabihin.
"Kath." Pagpapakilala ni Kath sa sarili tapos tinaasan niya ng kilay yung girl.
"Hi Kath." Kunyaring bati ni Sandra dito. Tapos nagpaalam na siya.
"So pano guys, baka iniintay na ko ng mga kasama ko. Balik na ko sa cottage namin. Bye Lance!" Sabay kiss sa pisngi ni Lance. Then she smiled sweetly na parang nang aasar.
Nagselos si Georgia pero ayaw pa rin niyang ipahalata.
Malayo na si Sandra pero nakatayo pa rin sila.
"Ehem! Iwan ko muna kayo ha?" Kath. Sabay alis.
Naiwan ang dalawa. Walang nagsasalita. Ewan ni Georgia pero parang naiinis siya. Tinalikuran niya si Lance para bumalik ng cottage. Hinabol siya ni Lance.
"Babe wait!" Sigaw nito.
Hindi niya pinansin.
"Babe, galit kaba?!"
Huminto si Georgia tapos hinintay niyang makalapit si Lance. Hinawakan siya nito sa braso tapos iniharap siya.
"Galit kaba?"
"Why should i? Is there any reason?" She said without emotion.
"Are you jealous with Sandra?"
"Of course not!" Sabay talikod. Tapos naglakad ulit siya. Hinabol ulit siya ni Lance. Inabutan siya nito sabay hawak sa braso niya.
"Babe naman! She's nothing."
Humarap si Georgia.
"Wala naman akong sinabi, diba?" Naiinis na niyang sabi kay Lance.
"Pero bakit parang galit ka? May nagawa ba ko? Ok sige. Hindi na ko makikipag usap sa ibang girls. Promise! Pero except pag nasa photo shoot ako ha?" Parang batang sabi ni Lance.
Nangingiti na si Georgia pero di niya pinapahalata.
"Sorry na babe ha? Bati na tayo. Ikaw lang naman love ko weh! Promise!" Sabay taas ng kanang kamay na parang nanunumpa.
She smiled.
"Oo na. Ikaw naman kasi eh!"
"Nagseselos ka?"
She nodded.
"Ang babe ko naman. Come here!"
Lumapit si Georgia tapos hinug siya ni Lance.
"Wala lang naman yun. Matagal na siyang may gusto sakin pero alam niyang may girlfriend ako." Sabi ni Lance while hugging Georgia.
"Oo na po."
"Tsaka alam mo naman na lapitin ng girls tong boyfriend mo weh!"
"Yabang mo talaga!"
"Totoo kaya yun. Pero nag selos ka talaga?"
"Kulit mo talaga! Oo nga sabi."
Kumalas si Lance sa pagkakahug kay Georgia tapos hinawakan niya to sa mukha.
"I love you babe."
"I love you too."
Tapos kiniss siya ni Lance sa forehead.
BINABASA MO ANG
When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?
Fiksi RemajaPaano ba magmahal ang isang playboy? Kaya ba niyang gawin ang lahat para sa taong mahal niya? Paano kung sa manhater siya mainlove? Posible ba ang love sa isang playboy at manhater? Basahin niyo nalang para malaman niyo :)