Marami ng estudyante ng makarating sila Georgia sa auditorium ng school nila. May film showing ngayon sa kanila. Magkatabi sila ni Kath nang biglang dumating naman si Vince. Lumipat si Kath sa kabilang upuan para patabihin si Vince kay Georgia. Nag smile si Georgia dito kahit naiilang sya kay Vince at the same time, nagiguilty sya. Balak niya tong kausapin pagkatapos ng film showing. Wala pa din nakakaalam na sila na ulit ni Lance kahit ang bestfriend niya na si Kath. Nag smile din ito sa kanya. Mayamaya naman, dumating din si Lance kasama yung tatlo. Parang sinadya naman na tig-dalawang bakanteng upuan ang natitira na katabi ng upuan ni Georgia at Kath. Ilang na ilang naman sa sitwasyon si Georgia. Naupo kasi si Lance sa tabi nya. Ang sitting arrangement nila, Peter, Lance, Georgia, Vince, Kath, Shayne at Karl. Mas ikinailang pa ni Georgia, nakatingin sa kanila ang mga estudyante at nag bubulungan ang mga to dahil naka gitna sya sa dalawa.
Hinawakan ni Vince ang left hand ni Georgia. Nagulat si Georgia, napatingin siya dito at nakangiti ito kaya nag smile din sya. Natetense sya dahil alam niyang nakatingin si Lance sa kanila.
"Pare, wag ka ng tumingin kung nasasaktan ka lang." Bulong ni Peter.
Pero narinig naman nila ito.
"Woah! May namumuong tensyon haha!" Karl.
Hindi nagsasalita si Lance, Vince at Georgia. Pero ramdam ni Georgia ang tensyon sa dalawang katabi niya. Hindi nya matingnan si Lance dahil katabi niya si Vince. Habang si Lance naman, nagpipigil ng selos niya. Si Vince naman, wala syang alam na nagkabalikan na ang dalawa kaya tuloy pa rin sya sa pagpapanggap.
"Tensyon nga lang ba? O love triangle? Haha!" Shayne.
Tumingin ng masama si Kath dito. Kahit ang totoo natutuwa sya sa sitwasyon nila Georgia ngayon haha!
"Triangle ba? Eh kung, paputukan ko kaya ng triangle yang bibig mo? Dami mong alam eh!"
"Bakit? Naiinggit ka nuh? Kasi wala ka na ngang kalove triangle, wala ka pang lovelife haha!"
"Hoy! Sabay batok kay Shayne. "Aanhin ko ang lovelife kung katulad mo lang?"
"Hoy ka rin!" Sabay batok din kay Kath. "Sinabi ko bang ako ha? Siguro, may gusto ka sakin nuh!"
"Ikaw!" Sabay turo kay Shayne. "Tingin mo magugustuhan kita? Asa ka pa! Baka nga bukas, makalawa, malaman ko nlang na ikaw pla yung inlove sakin."
"Ako?" Sabay turo sa sarili. "Ako pa talaga maiinlove sayo? Asa ka rin nuh! Baka ikaw ang mainlove sakin."
Magsasalita pa sana si Kath pero nagsalita na ang Dean nila.
"Ok. Students. Start na ng film showing. Hope, mag enjoy kayo." Sabi ng Dean.
Ilang segundo lang, para na silang nanonood sa sinehan. May kinikilig habang tumatawa, meron din namang umiiyak pag nakakaiyak yung eksena. Romantic comedy drama kasi ang pinapanood nila pero mga estudyante sa school nila ang mga gumanap.
Tutok na tutok sila sa panonood. Nagulat si Georgia nang biglang hawakan ni Lance ang right hand niya. Mabilis niyang binawi ang kamay niya dahil biglang tumingin si Vince sa kanila. Hindi alam ni Georgia kung sino ang titingnan niya, feeling niya may apoy sa mata ng dalawa. Bigla syang inakbayan ni Vince. Napalunok nlang siya dahil nararamdaman nyang nagseselos si Lance. Natatakot syang baka bigla nlang sya nitong hatakin at ilayo kay Vince. Hindi nito inaalis ang tingin sa kanila ni Vince.
Kanina pa napapansin ni Vince na parang may iba sa tingin ni Lance.
"Baka malusaw yung girlfriend ko. Kanina mo pa kasi sya tinitingnan. Pansin ko lang." Bulong ni Vince.
Alam ni Lance na para sa kanya yung binulong ni Vince.
"Ikaw lang bang may karapatang tingnan siya? Baka nakakalimutan mo, una syang naging sakin." Bulong din niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/14157539-288-k243368.jpg)
BINABASA MO ANG
When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?
Novela JuvenilPaano ba magmahal ang isang playboy? Kaya ba niyang gawin ang lahat para sa taong mahal niya? Paano kung sa manhater siya mainlove? Posible ba ang love sa isang playboy at manhater? Basahin niyo nalang para malaman niyo :)