Nakauwi na sila pero parang lumulutang pa rin ang pakiramdam ni Georgia.
Nasa kwarto siya at nakaharap sa salamin. Nagsusuklay siya ng buhok. Naalala niya yung pag kiss sa kanya ni Lance.
Biglang tumunog ang phone niya.
"Ay kabayo!" Sabay hagis sa suklay.
Hinanap niya yung phone niya.
Tumatawag si Lance. Sinagot niya agad.
"He-hello." Georgia.
"I miss you!"
Nangiti si Georgia.
"I.. I.. Miss you too." Nahihiya niyang sabi.
"Hey! Nahihiya ka ba sakin? Haha!"
"Hi-hindi ah! Bakit ka pala tumawag?"
"Just wanna say, goodnight."
"Ahh.. Ok. Goodnight."
"I love you."
"Uhmmm.."
"Georgia, i said i love you."
"Oo na."
"Anong oo na?"
"I love you too."
"Bakit parang napilitan ka lang?" Kunyaring nagtatampo si Lance.
"Hindi naman eh!"
Hindi nagsalita si Lance.
"Ui Lance!" Tawag ni Georgia dito.
Hindi pa rin ito sumasagot.
"Sige ka pag di ka nagsalita hindi na kita kakausapin!"
Tumawa si Lance.
"Tumatawa ka pa talaga! Kung bawiin ko kaya yung sinabi ko?"
"Ano bang sinabi mo?" Seryosong tanong ni Lance.
"Na ano.."
"Na?"
"Mahal kita."
"Mahal din kita." Sabay end ni Lance.
Tapos tumawa siya ng tumawa.
Tinext niya si Georgia.
I LOVE YOU :) GUDNYT MAHAL KONG BABAE.
BALIW! GUDNYT!
Reply niya.
Hindi na nag reply si Lance.
"Nakatulog na siguro siya." Naisip ni Georgia.
Matutulog na rin sana siya pero may tumatawag na naman sa kanya. Nangiti siya, akala niya si Lance pero unknown number.
Hindi niya sinagot. Matutulog na sana ulit siya pero tumawag ulit ito. Hindi na siya makatulog kaya sinagot na niya.
"Hello. Sino to?"
"Ang bilis mo naman makalimot Georgia."
"Sino ka ba? Bakit mo ko kilala?"
"Dahil ba kay Lance kaya di mo na ko kilala?"
Kinabahan si Georgia,
"Mi-Mike? A..anong kailangan mo? At bakit mo alam number ko?"
"Hindi na mahalaga kung bakit ko alam."
"Fine! So, what do you want?"
"Tsk! Masama bang mamiss ka?"
"Mike, may boyfriend na ko. So please, tigilan mo na ko."
Pagkatapos niya yun sabihin inend na niya.
Pero tumawag ulit to sa kanya. Sinagot niya.
"Remember this Georgia. Hindi kita titigilan hanggang di ko nagagantahin yung gagong Lance mo!" Sigaw nito sa kanya.
Nagulat si Georgia sa sinabi nito. Natakot siya.
"Wa.. Wa.. What do you mean? Anong binabalak mo Mike?"
Hindi ito sumagot. Pero narinig niya na ngumisi ito.
"Mike, please wag mong sasaktan si Lance." Kinakabahan niyang sabi dito.
Pinatayan na siya nito.
"Mike!" Tawag niya dito pero wala ng sumasagot.
BINABASA MO ANG
When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?
Teen FictionPaano ba magmahal ang isang playboy? Kaya ba niyang gawin ang lahat para sa taong mahal niya? Paano kung sa manhater siya mainlove? Posible ba ang love sa isang playboy at manhater? Basahin niyo nalang para malaman niyo :)