Nasa isang exclusive subdivision sila ngayon. Pumasok ang sasakyan ni Lance sa tapat ng isang mansion. Puting puti ito, ang laki at ang ganda.
"Anong ginagawa natin dito? Tsaka kaninong bahay to?" Tanong ni Georgia kay Lance.
Nag kibit balikat lang ito. Bumaba ito ng sasakyan at pinagbuksan siya.
"Hindi ako bababa dito pag di mo sinabi kung anong ginagawa natin dito."
Nakahalukipkip pa si Georgia habang nagsasalita.
"Ok." Sagot ni Lance.
Ipinasok ni Lance ang ulo sa loob ng sasakyan at humarap kay Georgia.
"A..anong.. Anong gagawin mo?" Tanong ni Georgia. Napalunok pa siya. Napakalapit kasi ng mukha ni Lance sa kanya.
Ngumiti si Lance.
"Ayaw mong bumaba diba? Edi bubuhatin nalang kita."
Binuhat niya si Georgia palabas ng sasakyan. Nakasubsob ang mukha ni Georgia sa likod niya. Lumakad siya papasok ng bahay habang buhat niya pa rin ito.
"Lance ano ba! Ibaba mo ko." Sigaw ni Georgia dito. Sabay hampas sa likod nito.
Pero hindi siya binaba ni Lance hanggang makapasok sila ng mansion.
Pagdating nila sa sala may narinig silang tumatawa. May nagsalita.
"Ano bang ginagawa mo sa kanya Lance?" Lance's mom.
Nakita nitong buhat ni Lance si Georgia at nakatalikod ito.
Ibinaba ni Lance si Georgia. Humarap si Georgia sa nagsalita.
Nakita niya ang isang magandang babae. Parang kasing edad lang ito ng mama niya pero halatang alaga nito ang sarili dahil ang bata nitong tingnan.
Nakita niyang nginitian ito ni Lance. Lumapit pa ito at hinalikan ito sa pisngi.
"How's my baby?" Tanong ng mommy ni Lance.
Nagulat si Georgia sa tinawag nito kay Lance.
"Ano daw? Baby? Wag sabihing sugar mommy siya ni Lance? Lokong lalaki to! Makikipagkita nalang sa sugar mommy niya isinama pa ko. Tsk!" Naisip niya.
Nagsalita ang mommy ni Lance. Humarap ito kay Georgia.
"Is she your girlfriend?" Tanong nito kay Lance.
"So, alam pala niyang may girlfriend si Lance. Mga walanghiyang to!" Naisip ulit ni Georgia.
Tumango si Lance.
"She's really beautiful in person." Lance's mom.
Lumapit ito kay Georgia. Hahalikan sana siya nito pero lumayo siya.
Nagulat ang mommy ni Lance pati na rin si Lance.
"May problema ba hija?"
Bago pa makasagot si Georgia, may lalaking nagsalita sa taas. Nasa hagdan ito. Nakangiti ito. At tulad ni Lance, gwapo din ito.
"Is she, our son's girlfriend?"
Nagulat si Georgia sa narinig. Tumingin siya sa mommy ni Lance. Ngayon lang niya napansin na may hawig si Lance dito pero mas kamukha ni Lance ang daddy niya.
"Son? Anak niyo po si Lance?"
Ngumiti ito.
"Yes hija. May problema ba?"
Namula si Georgia.
Narinig nilang tumawa ang daddy ni Lance. Lumapit ito sa mommy ni Lance.
"Haha! Honey i think napagkamalan ka niyang sugar mommy nitong anak natin. Tama ba hija?"
She nodded. Nakayuko siya. Hiyang hiya siya sa naisip niya.
"So..so..sorry po ma'am." Hinging paumanhin niya sa ina ni Lance.
She bite her lips.
"Ano ka ba naman kasi Georgia! May katangahan ka talaga e nuh?!" Paninisi niya sa sarili.
Narinig niyang tumawa ang tatlo. Lumapit sa kanya si Lance. Inakbayan siya nito.
"Ok lang yan babe. Right mom? dad?"
Ngumiti ang mag asawa.
Hiyang hiya pa rin si Georgia dito.
"Maa'm sorry po talaga?"
"Its really fine hija. And don't call me maa'm, just call me tita." Nakangiting sabi ng ina ni Lance.
Ngumiti si Georgia dito.
"Mas gumaganda ka pala hija pag nakangiti ka. Tama si Lance. Kaya pala nainlove tong anak ko sayo." Nakangiting sabi ng ama ni Lance. Inakbayan pa nito ang anak.
Namula si Georgia.
"Dad naman! Binubuko mo naman ako weh!" Napapakamot sa ulo si Lance.
"Totoo naman diba? Lagi mo nga siyang kinukwento samin. Right honey?"
Namula si Lance.
Nangiti naman si Georgia.
"Honey tigilan mo ng anak mo. Tingnan mo nagbablush na siya." Lance's mom.
Nagkatawanan sila.
Hindi akalain ni Georgia na sa ganung paraan niya makikilala ang parents ni Lance. Mababait ang mga ito. Hindi ito katulad ng ibang mayayaman. Masayahin ang mga ito at down to earth.
Hindi pumayag ang parents ni Lance na hindi siya dun magdidinner.
Pagkatapos nilang mag dinner nagpaalam na siya sa mga ito.
"Uuwi na po ako tito, tita. Salamat po talaga." Nakangiting sabi ni Georgia.
Ngumiti ang mag asawa. Hinalikan siya ng ina ni Lance sa pisngi.
"Salamat din hija. Aalagaan mo tong baby ko ha?" Lance's mom. Tinapik tapik pa nito ang balikat ng anak.
"Mom, hindi na ko baby." Nahihiyang saad ni Lance.
"Haha! Alright. Ingat sa pagdadrive ok?"
"Yes mom. Alis na kami. Bye mom, dad. Sabay halik sa pisngi ng ina at ama.
Palabas na sila ng magsalita ang kanyang ama.
"And son. Sa bahay ihahatid ha?" Sabay tawa nito.
Natigil silang dalawa. Lumingon sila.
Namula si Georgia.
"Dad!" Nanlalaki ang matang saad ni Lance sa ama.
Tumawa ito.
BINABASA MO ANG
When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?
Fiksi RemajaPaano ba magmahal ang isang playboy? Kaya ba niyang gawin ang lahat para sa taong mahal niya? Paano kung sa manhater siya mainlove? Posible ba ang love sa isang playboy at manhater? Basahin niyo nalang para malaman niyo :)