CHAPTER 34

1.5K 36 0
                                    

Nagising si Georgia. Nasa isang kwarto siya. Malinis naman ito at mukhang panlalaki. Naalala niya yung nangyari kagabi. Bumalik ang takot niya. Bumaba siya ng kama at mabilis na binuksan ang pinto pero nakalock ito.

"Buksan niyo tong pinto! Kung naririnig niyo ko palabasin niyo ko dito!" Sigaw niya.

Pilit niyang binubuksan ang pinto pero ayaw talagang bumukas.

"Sino ba kayo? Ano bang kailangan niyo sakin? Pakawalan niyo ko dito! Parang awa niyo na, please buksan niyo to!" Sigaw ulit niya, maluha luha na siya.

Pinihit ulit niya ang doorknob. Bumukas ang pinto. Napaatras siya. Nagulat siya sa nakita niya.

"Mi..Mike?"

"Ako nga Georgia." Nakangisi nitong sabi.

"A..anong kailangan mo sakin? Bakit mo to ginagawa?"

"Diba sabi ko naman sayo, hindi kita titigilan hanggang di ko nagagantihan yung gagong Lance mo!" Nakangisi pa rin nitong sabi.

"Hayop ka Mike! Pakawalan mo ko dito! Wag na wag mong sasaktan si Lance!" Sigaw niya dito.

Tumawa ito.

"Nababaliw kana!" Sigaw ni Georgia dito.

Lumapit ito sa kanya. Hahalikan sana siya nito pero dinuraan niya ito.

Nainis ito sa ginawa niya kaya sinampal siya nito.

"Hindi lang yan ang aabutin mo pag di ka nagpakabait Georgia!" Sigaw nito.

Hawak hawak ni Georgia ang pisngi niya. Umiiyak na siya.

"Kahit patayin mo ko ngayon. Hinding hindi mo ko makukuha! Ayoko sayo! Si Lance lang ang mahal ko!" Sigaw niya dito.

Ngumisi si Mike.

"Hah! Tingnan natin kung kaya kang iligtas ng taong mahal mo. Ano kayang mararamdaman ni Lance kung harap harapan kong kinukuha sa kanya yung taong mahal niya? Haha!"

"Anong ibig mong sabihin?"

"Mag hintay ka Georgia. Magiging akin ka din haha!"

Para ng nababaliw si Mike. Lumabas ito ng kwarto at inilock ulit ang pinto.

Umiyak si Georgia. Naupo siya sa gilid ng kama. Umiyak siya ng umiyak.

Takot na takot siya.

---------

Umiiyak na ang mama ni Georgia sa pag aalala nito sa anak.

Akala nito nakauwi na ang anak kagabi pero kaninang umaga nakita ng katulong nila ang bag nito sa tapat ng gate.

Hindi niya alam kung ano ang gagawin. Naalala nito ang bag ng anak. Kinuha ang phone ni Georgia at tinawagan si Kath.

Tulog na tulog si Kath kaya nagulat ito ng tumunog ang phone niya. Ayaw sana niyang sagutin pero makulit ang tumatawag sa kanya.

Tiningnan niya kung sino ang tumatawag. Naniningkit pa ang mata. Nakita niyang si Georgia ang tumatawag kaya sinagot niya.

"Best naman! Ang aga aga pa eh! Kainis ka!" Sigaw niya dito.

Narinig niyang umiiyak ito. Nawala ang inis niya.

"Best umiiyak ka ba?"

"Nawawala ang bestfriend mo." Umiiyak nitong sabi.

Napaupo si Kath sa kama. Nanlaki ang mata at nagising ng tuluyan.

"Nagtanan po si best?!"

Narinig niyang lumakas ang iyak ng mama ni Georgia.

"Hehe, joke lang yun tita."

When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon