CHAPTER 48

1.5K 31 0
                                    

"Hay! Ang sarap matulog, grabe!" Nag iinat na sabi ni Kath.

Tanghali na silang nagising dahil late na silang natulog kagabi. Tulog na tulog naman si Georgia. Gigisingin sana siya ni Kath nang biglang bumukas ang pinto. Si Lance, may dalang tray na may food.

"Good mor-" Hindi na natuloy ni Kath dahil pinigil siya ni Lance magsalita.

"Shhhhh!"

Nagets naman siya ni Kath. Tumayo ito at lumabas ng kwarto. Naiwan si Lance.

"Good morning babe!" Bulong ni Lance kay Georgia.

Nagising naman siya. Pagmulat ng mata niya napakalapit ng mukha ni Lance sa kanya. Sa gulat niya, bigla siyang bumangon. Nagkauntugan sila ng noo.

"A-aray!" Parehas nilang sabi habang hawak ang noo nila. Tumawa sila.

"Sorry. Ikaw naman kasi nanggugulat ka." Georgia.

"I just want to surprise you babe. At tingin ko nasurprise ka talaga. Kasi tingnan mo, parehas tayong may bukol sa noo haha!"

Nagtawanan sila. Kinuha ni Lance sa table yung tray of foods. Tapos dinala sa kama.

"Ano yan?" Tanong ni Georgia.

"Pagkain."

"Ngeks! Alam ko. I mean, bakit may ganyan?"

"Nakalimutan mo na?" Kunyaring nagtatampong tanong ni Lance.

Georgia smiled.

"Happy monthsary."

Nangiti si Lance.

"Akala ko nakalimutan mo na. Happy monthsary babe. I love you."

"I love you too."

Ikikiss na sana ni Lance si Georgia sa lips pero biglang bumukas ang pinto.

"Pare!" Tatlong ugok.

"Best!" Kath.

Sabay sabay nilang tawag sa dalawa. Nagkagulatan silang lahat.

"Oooops! Sorry? Naistorbo ata namin kayo hehe." Kath. Sabay labas nilang apat.

Naiwan yung dalawa. Nag blush naman si Georgia.

------

Palabas na sana ng unit nila si Georgia ng lumitaw sa harap niya si Cheska kasama ang alipores nito.

"Can we talk?" Cheska.

"Ano naman pag uusapan natin? Pwede kung tungkol lang kay Lance wag muna ngayon?" Sabay lakad ni Georgia, nilagpasan niya sila Cheska.

"Tama about nga kay Lance. Pero ayaw mo bang malaman yung nalaman ko sa kanya?"

Natigil sa paglalakad si Georgia sabay harap kay Cheska.

"Anong ibig mong sabihin?"

"Come with me, i'll tell you. No! Actually, i'll show you."

Sumama si Georgia sa kanila. Nasa likod sila ng isang cottage. May inabot si Cheska kay Georgia.

"Anong gagawin ko dito?" Tanong ni Georgia. May hawak siyang phone.

"Panoorin mo."

"Cheska kung hindi naman to importante aalis na ko."

"Just watch it."

Ayaw sanang panoorin ni Georgia pero napilitan na siya para matapos na.

Nabitawan ni Georgia ang phone after mapanood yung video. Nanginginig ang kamay niya. Hindi niya alam kung maniniwala siya o hindi. Nag uumpisa ng tumulo ang luha niya.

"No! Hindi yun totoo. Ginawa mo lang yun para masira mo kami." Sabay talikod.

"Sorry dear, pero totoo yung nasa video. Actually narinig ko rin sila nung mag pustahan sila."

Tuluyan ng tumulo ang luha ni Georgia. Sobrang sakit ng nararamdaman niya. Pinaglaruan siya ng taong kaisa isang pinagkatiwalaan at minahal niya. Hindi niya alam kung san siya pupunta basta naglalakad siya.

Narinig pa niya ng magtawanan sila Cheska.

Ayaw niyang makita si Lance. Ayaw niyang makipag usap kahit kanino. Galit siya, galit na galit siya.

When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon