"Georgia pwede ka ba mamaya?" Mike.
"Kung aayain mo lang akong makipag date sayo, then you're wasting your time." Naiiritang saad ni Georgia dito.
Mukhang napahiya si Mike kaya lumayo agad ito sa kanya.
Nasa classroom sila at iniintay ang kanilang professor para sa last subject nila. Half day lang kasi sila ngayon.
"Best meron ka ba ngayon? Ang sungit sungit mo kasi, actually kahapon pa." Kath.
Hindi siya sinagot nito.
"Hoy best!" Sigaw niya dito.
"Ano?" Nakakunot ang noong sagot ni Georgia.
"Gulay naman best. Kanina pa ko nagsasalita dito oh!"
Bago nakasagot si Georgia. Napansin nilang nakatingin lahat ng classmate nila sa pintuan. Kinikilig ang mga babae pati mga gay classmate nila.
Tiningnan nilang dalawa kung sinong tinitingnan ng mga ito.
Si Lance. Nakatayo sa pinto kasama ang barkada nito.
"Georgia, can we talk?" Lance.
Lumapit ito sa kanya.
"May klase pa ko." With her cold voice.
"Please. Kahit sandali lang. I have something to tell you." Pakiusap ni Lance.
"Maybe next time. Sige na may klase pa ko."
Hindi tumitingin si Georgia dito. Gusto din naman niya tong kausapin pero parang ayaw niya muna ngayon. Nahihiya din kasi siya dito dahil sa nangyari sa canteen.
Tsaka nagtatampo din siya dito dahil sa di nito pagpansin sa kanya. Pati nung nakita niya na kasama nito si Cheska at ang sweet sweet pa nila.
"Teka! Bakit ba ko nagtatampo? Tsaka ano bang pakialam ko kung sila na ng bruhang babaeng yun." Naisip niya.
Dumating ang professor nila. Kinilig ito ng makita si Lance. Bakla pala.
Ang di alam ni Georgia in-excuse na siya ni Lance dito.
"Ms. Dela Riva." Tawag ng professor ni Georgia sa kanya.
Nagulat si Georgia.
"Yes Sir?"
"Makakaalis ka na."
"Po? Bakit po?" Nagtatakang tanong ni Georgia.
"Pinagpaalam ka nitong si pogi. May date daw kayo."
"Date?!!"
Hinawakan na siya sa kamay ni Lance at kinuha ang bag niya.
"Oo, may date tayo."
Inakay na siya palabas ni Lance kaya wala na siyang nagawa.
"San ba tayo pupunta?" Tanong ni Georgia habang inaalis ang kamay ni Lance.
Pero mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanya.
"Ano ba?! Bitawan mo nga ako." Sigaw niya dito.
Parang wala tong narinig. Pagdating nilang park isinakay siya agad nito sa harap ng kotse nito.
Sumakay na din si Lance. Bago nito paandarin ang kotse binuksan nito ang bintana.
"Mga pre, kayo ng bahala kay Kath." Bilin ni Lance sa barkada niya.
Tapos pinatakbo na nito ang kotse.
"Anong balak niyo sa bestfriend ko ha?!" Sigaw ni Georgia.
Nainis si Lance.
"Ano bang iniisip mo? Sinabi ko lang na ihatid nila pauwi si Kath dahil wala siyang kasamang umuwi ngayon."
Hindi nakakibo si Georgia.
"Ehh pinapahatid lang naman pala. OA mo naman kasi Georgia. Ang bait na nga ng tao pinag isipan mo pa ng masama." Utak ni Georgia.
"Manahimik ka nga!" Bulong ni Georgia.
Narinig siya ni Lance.
"Ano yun?"
"Ahh.. wala."
"Ok."
"Lakas ng pandinig ha! Infairness gwapo pa rin kahit serious siya." Naisip ni Georgia.
"So. Nagwagwapuhan ka pala sa kanya? Edi naiinlove ka na nga?" Utak nia.
"Yes! No!" Umiling pa siya habang hawak ang sentido.
Napansin siya ni Lance.
"Are you ok? Masakit ba ulo mo?" Pag aalala nito.
"Ha? Hi-hindi. Sige na mag drive ka nalang baka mabangga pa tayo."
"Are you sure?"
"Oo naman. San ba tayo pupunta?"
"Sa heaven." Seryosong saad ni Lance.
"What?!!"
Tapos bigla itong tumawa.
"Haha! Just kidding. Basta makikita mo din.
BINABASA MO ANG
When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?
Teen FictionPaano ba magmahal ang isang playboy? Kaya ba niyang gawin ang lahat para sa taong mahal niya? Paano kung sa manhater siya mainlove? Posible ba ang love sa isang playboy at manhater? Basahin niyo nalang para malaman niyo :)