CHAPTER 15

2.3K 56 1
                                    

Napakaraming ilaw. Maraming bulaklak. Parang nasa garden sila. Tapos may table at dalawang upuan.

Naamaze si Georgia sa nakita niya.

"Like it?" Tanong ni Lance. Nasa likod niya ito.

Tumango siya. May narinig siya, nagtatawanan.

"Teka! Si best ba yun?"

Hinanap niya ung nagtatawanan.

Nakita niya si Kath. Kasama ang barkada ni Lance. At teka..

"Cheska?!" Bulong niya.

Nakita siya ni Kath.

"Hi best!" Nakangiti nitong bati sa kanya.

Hindi sumagot si Georgia. Lumapit siya sa mga ito.

Tumingin siya sa mga ito. Meaning ( what's happening here? )

May kumakanta.

"Can i have this dance?" Si Lance. Lumapit kay Cheska.

Natulala si Georgia. Ngayon lang niya napansin na di pala naka school uniform si Lance. Para itong aattend ng party. Even Cheska, Kath and Lance's friends parang party ang pupuntahan sa suot nila.

Parang napako si Georgia sa kinatatayuan niya. Sumasakit ang puso niya. Tama, nasasaktan siya sa nangyayari.

Nag mukha siyang tanga. Pinagkaisahan siya ng mga ito. Pati bestfriend niya.

Sumasayaw si Lance at Cheska. Masaya naman ang apat na nagkukwentuhan.

"Ano to? Isinama niya ko dito para lang ipakita sakin na hindi na niya ko gusto? Na may iba na siya? Na sila na ng bruhang yun? Walanghiya ka Lance! Pati ikaw Kath na bestfriend ko tinraydor ako. Damn you all!" Umiiyak na saad ni Georgia sa sarili.

Tumalikod siya. Hindi na niya kaya ang nakikita niya. Aalis na siya.

"Georgia!"

Tawag ni Lance sa kanya.

Hindi siya lumingon.

"Georgia!" Tawag ulit nito.

"Aalis na ko. Mukhang di naman ako kailangan dito." Sagot niya ng di lumilingon.

Hahawakan sana siya ni Lance pero hinawi niya ang kamay nito.

"Don't touch me!" Sigaw niya.

Nagulat si Lance.

"May problema ba?" Tanong nito.

Lumakad si Georgia.

"Alam ko na..!" Sigaw ni Lance.

Huminto si Georgia pero di pa rin lumilingon.

"Alam ko ng manhater ka kaya alam kong wala na kong pag asa sayo. Kaya pinili ko si Cheska." Paliwanag ni Lance.

Nakikinig lang si Georgia.

Yumuko si Lance.

"Yung sa canteen. I thought nagselos ka pero asa pa ko haha! Manhater ka nga pala. Sorry kung nagulo kita. Promise hindi na kita guguluhin."

Tumalikod na si Lance at lumakad palayo.

"Oo na! Nagseselos ako!" Sigaw ni Georgia. Sabay harap.

Napahinto si Lance.

"Yes!" Nakangiti nitong saad sa sarili. Humarap ito.

"Anong sabi mo?" Tanong ni Lance. Naglalakad siya palapit kay Georgia.

Namumula ang mukha ni Georgia.

"Sabi ko. Oo, nag.. nag.. nagseselos ako." Hindi siya tumitingin kay Lance.

Nakalapit na sa kanya si Lance. Hinawakan siya nito sa mukha ng dalawang kamay nito.

"Tumingin ka sakin Georgia."

Tumingin siya. Ang lakas ng kabog ng dibdib niya.

"Totoo ba yung sinabi mo? Nagseselos ka talaga?" Tanong ni Lance.

"Kailangan paulit ulit? Sabi na ngang oo weh!"

"Haha! Naniniguro lang."

Biglang nalungkot si Georgia.

"Pero may girlfriend ka na. Baka awayin na naman ako nun." Nakayukong saad ni Georgia.

Tumawa si Lance.

"Baliw na ata to. Nagawa pa talagang tumawa." Naisip ni Georgia.

Inangat ulit ni Lance ang mukha ni Georgia.

"She's not my girlfriend."

"What do you mean? Niloloko mo ba ko ha?" Pagtataray ni Georgia.

Hindi sumagot si Lance. Inakap niya si Georgia.

Nagulat ito.

"Ano ba?!" Sabay hampas sa likod ni Lance.

"Nakakatuwa ka pala pag nagseselos ka. But you have nothing to be jealous." Lance.

"Ano bang ibig mong sabihin?" Naguguluhan pa rin si Georgia.

"Basta. Tsaka ko na ipapaliwanag. Basta ngayon, pahug muna."

Hinayaan niyang yakapin siya nito.

When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon