"Ma, andito na po ako."
Kauuwi lang ni Georgia galing iskwela.
"Kumusta ka po ma?" Sabay halik sa pisngi ng ina.
Ngumiti lang ito ng tipid.
"How's your school?" Tanong nito habang nagluluto.
"Ok naman po. Did you take your medicines?"
Tumango ito. Mula ng iwan sila ng kanyang ama naging matamlay na to.
"Go upstairs para makapagpalit ka na at ng makakaen na tayo." Sabi nito.
"Opo ma."
Pagdating niya sa kwarto, humiga siya sa kama. May naalala siya. Si Lance.
"Bakit ba kailangan niyang mag explain sakin? As if naman may pakialam ako."
"Wala nga ba?" Tanong ng utak niya.
"Wala!" Sagot niya.
"Sigurado ka ba diyan? Eh bakit naiisip mo siya?" Utak niya.
"Oo naman nuh! Ayoko sa mga lalaki. Manloloko sila. Nang iiwan ng basta basta, tulad ni papa."
Napaiyak siya ng maalala ang ama.
Napatigil lang siya ng tawagin siya ng kanyang ina.
---------
Matutulog na sana si Georgia ng mag ring ang phone niya.
Kring.. Kring.. Kring..
Unknown number kaya di niya sinagot.
Kring.. Kring.. Kring..
Di niya sana ulit sasagutin pero naisip niya na baka importante.
Ewan ni Georgia pero may kaba siyang naramdaman.
"He-hello."
"Hi Georgia."
"Huz this?"
"It's me, Lance."
Nagulat si Georgia.
"Lance?"
"Yeah. Naistorbo ba kita?"
"No. Bakit mo alam number ko?"
"Ahh.. Ehh.. Kinuha ko sa bestfriend mo."
"What?" Pagulat na tanong niya.
"Hay! Ung babaeng yun talaga! Bakit niya binigay?" Bulong ni Georgia.
"Ano yun?"
"No-nothing."
Silence....
"Ahmm.. Georgia?"
Parang may gustong itanong si Lance pero di niya masabi.
"Baka gusto mong magsalita?" Georgia.
"Ahh oo. Ano kasi."
"Ano ba kasi yun?"
Walang nagsasalita. Ieend na sana ni Georgia ng magsalita si Lance.
"May boyfriend ka na ba?"
Sa wakas naitanong din niya. Naisip ni Lance.
"Bo-boyfriend?" Nagulat si Georgia.
"Sorry? Nagulat ka yata."
"Ok lang. I don't have."
"Yes!" Bulong ni Lance. Parang sinagot ng nililigawan kung maka react.
"Ano yun?" Si Georgia.
"Ah wala."
"Ah ok. Sorry ha? Antok na kasi ko tsaka may pasok pa bukas." Nag hikab pa kunyari si Georgia.
"Wait Georgia!" Pigil ni Lance.
"May sasabihin ka pa ba? Reporter ka na ba ngayon? Ewan ko ba naman at kinausap pa kita. Sige bye!" Biglang nag iba ang mood ni Georgia.
Ieend na sana ulit niya.
"Can i court you?" Habol ni Lance.
"Anong sabi mo?" Nabigla si Georgia sa narinig.
Siya, liligawan ni Lance? Alam ba niya kung ano ako? At kung gano ang galit ko sa mga lalaki? Naisip niya.
Hindi rin naman alam ni Lance kung bakit yun ang nasabi niya.
"Knowing her? I think kailangan ko talaga siyang ligawan. Kaso mapapasabak ata ako sa giyera." Naisip ni Lance.
Ngumiti pa siya sa naisip niya.
"Ang sabi ko, pwede ka bang ligawan? I know, ang bilis ko pero unang kita ko pa lang sau parang iba eh. Basta i can't explain."
Silence...
"Georgia? Still there? Galit ka na naman ba?" Pag aalala ni Lance.
"Sorry." Tanging sagot ni Georgia.
Magsasalita pa sana si Lance pero inend na ni Georgia.
Hindi nakatulog si Georgia. Naiisip niya pa rin yung sinabi ni Lance. Ewan niya pero parang may iba. May kaba pero parang gusto niya ung tanong ni Lance kanina.
"No way Georgia!" Saway niya sa sarili.
Ganun din naman si Lance, biling baliktad siya sa higaan.
"You're so stupid Lance! Siyempre mabibigla siya sa tanong mo. Bakit naman kasi ligaw agad? Hindi ba pwedeng paamuhin mo muna siya?" He's blaming himself.
"Urghhh!"
Hindi na nila alam kung anong oras na sila nakatulog.
BINABASA MO ANG
When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?
JugendliteraturPaano ba magmahal ang isang playboy? Kaya ba niyang gawin ang lahat para sa taong mahal niya? Paano kung sa manhater siya mainlove? Posible ba ang love sa isang playboy at manhater? Basahin niyo nalang para malaman niyo :)