Antok na antok si Georgia. Hindi na niya alam kung anong oras na siya nakatulog basta alam niya mag uumaga na.
"Hay ang sakit ng ulo ko." Sabay hawak sa ulo.
Naalala niya yung nangyari sa party. Nung hinalikan siya ni Lance.
Nangiti siya. Pero nawala ang ngiti niya ng maalala niya si Mike at ang sinabi nito.
"Ano bang ibig niyang sabihin na gaganti siya? Pero siguro naman hindi siya seryoso sa sinabi niya. Hay! Wag ko na ngang isipin yun. Pero pano kung may gawin siyang masama kay Lance?"
Biglang kumulo ang tummy niya. Gutom na siya.
"Teka! Anong oras na ba?"
Tiningnan niya ang oras sa alarm clock sa table na nasa gilid ng kama niya.
"What?! 1 pm na pala. Buti nalang walang pasok."
Bumaba na siya sa higaan at lumabas.
Pababa na siya ng hagdan, 5 steps nalang ng may makita siyang nakaupo sa sofa kausap ng mama niya. Pero nakatalikod ito kaya di niya makilala. Antok na antok pa din kasi siya.
Nakita siya ng mama niya.
"Oh hija. Gising kana pala. Kanina ka pa hinihintay ng bisita mo."
Namulat ang medyo nakapikit pa niyang mata. Ngayon lang niya napansin kung sino yung kausap ng mama niya. Si Lance.
Tumayo ito at humarap sa kanya.
"Gud afternoon!" Nakangiti nitong bati sa kanya.
Naconcious siya sa itsura niya. Naka pantulog pa siya. Hindi pa rin siya nagsusuklay.
"A.. Anong.. Anong ginagawa mo dito?" Tanong niya dito habang bumababa ng hagdan.
Ngumiti ito.
"Ganyan ba yung tamang pagbati sa boyfriend mo?"
Namula siya. Hindi pa kasi niya nasasabi sa mama niya na sila na. Tumingin siya sa mama niya.
Ngumiti ito sa kanya.
"Don't worry babe. Tita knows already." Sabay lapit kay Georgia na nasa baba ng hagdan.
Lumayo si Georgia sa kanya.
Natawa si Lance.
"Bakit ka natawa? Hmp!" Sabay irap dito.
"Kasi naman, nahiya ka pa sakin. Ok lang yan kahit bagong gising ka pa or kahit gulo gulo pa yang buhok mo haha!"
Humalukipkip si Georgia.
"Kung mang aasar ka lang umalis ka na!" Naiinis na sabi ni Georgia dito.
Binalingan niya ang kanyang ina.
"Ma naman kasi! Bakit di mo ko ginising?"
Natawa ang mama niya. For the first time tumawa ang mama niya.
Lumapit siya dito at inakap ang ina.
"Ma tumatawa ka na." Naiiyak na sabi ni Georgia.
"Sorry anak. Salamat kay Lance. Don't cry na hija."
Kumalas siya sa pagkakayakap sa ina at humarap dito.
"I love you ma."
"I love you too hija."
"Ehem! Babe san yung i love you ko?" Singit ni Lance.
Natawa na naman ang ina ni Georgia. Natutuwa talaga siya kay Lance.
"Maiwan ko na muna kayong dalawa dyan at may gagawin pa ko. Anak ikaw ng bahala sa boyfriend mo."
"Opo ma."
Umakyat na ito. Naiwan silang dalawa.
"Bakit ka nga andito?" Naiinis pa ring sabi ni Georgia.
"Babe naman. Ganyan mo ba talaga babatiin yung boyfriend mo?"
"Babe mo mukha mo!"
Yayakapin sana siya ni Lance pero lumayo ulit siya.
"Ihh.. Wag kang lalapit sakin."
"Alright. But in one condition."
"Ano naman?"
"San yung morning kiss ko?"
"What? Morning pa ba? Tsaka ayoko nga!"
"Haha oo nga pala tanghali na. Sige na, sa pisngi lang."
"Ayaw sabi eh!"
Pero hinalikan na siya nito.
Wala ng nagawa si Georgia.
"Ayaw mo weh. Pero ako gusto ko haha!"
Nangiti na si Georgia. Pinisil niya sa pisngi si Lance sabay sabing "ang kulit mo talaga!"
Nakalimutan na ni Georgia ang gutom niya. Nagbihis na siya. Bumaba na ulit siya pagkatapos magpaalam sa mama niya.
Pagkababa niya tumayo na si Lance.
"San ba tayo pupunta?" Tanong niya dito.
"Basta sumama ka nalang."
"San nga kasi?"
Hindi na nagsalita si Lance. Ngumiti lang ito.
Inalalayan siya nitong makasakay ng kotse.
Hanggang sa tumatakbo na ang sasakyan tanong pa rin ng tanong si Georgia kung san sila pupunta pero ngiti lang ang laging sagot ni Lance.
BINABASA MO ANG
When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?
Teen FictionPaano ba magmahal ang isang playboy? Kaya ba niyang gawin ang lahat para sa taong mahal niya? Paano kung sa manhater siya mainlove? Posible ba ang love sa isang playboy at manhater? Basahin niyo nalang para malaman niyo :)