"All passengers, please fasten your seatbelt. We're about to landing at New York Airport. Thank You."
Mayamaya pa, palabas na siya ng immigration. Kinakabahan siya. After almost eleven years, ngayon lang ulit niya makikita ang ama. Miss na miss na niya ito. Pagkalabas niya pumara siya ng taxi at sinabi sa driver ang address.
Nasa tapat siya ngayon ng gate ng isang magandang bahay. Nag doorbell siya. May nag bukas ng gate. Nagtaka siguro ito kung sino siya kaya nag smile siya.
"Im looking for Mr. Rodrigo Dela Riva?"
Nag smile yung matanda.
"Ay naku! Si Sir Rigo po pala hinahanap niyo." Sabi nito.
Nagulat naman si Georgia. Napansin siya ng matanda. Akala nito hindi siya naintindihan ng kausap.
"Im sorry ma'am im not really good in english po kasi." Hinging paumanhin nito na parang nahihiya.
Nag smile si Georgia.
"Ok lang po. Filipino din po ako."
Natuwa ang matanda.
"Ay mabuti naman hija. Kahirap kasing mag english buti na nga lang at Filipino ang amo ko. Ano nga palang kailangan mo kay Sir Rigo?"
Bago pa magsalita si Georgia may lumabas sa pinto.
"Manang, sino yung nag doorbell?" Tanong nito.
Natuwa si Georgia ng makita ang ama.
"Papa?!"
Nagulat ang papa niya ng makita siya.
"A-anak? Georgia? Ikaw naba yan?" Napaiyak ito.
Tumango si Georgia. Lumapit siya sa ama at inakap ito ng mahigpit. Umiiyak silang mag ama.
"Pa, im sorry. Hindi ko alam. Hindi ko alam na si mama ang may kasalanan kung bakit mo kami iniwan. Sorry pa." Umiiyak na sabi ni Georgia habang yakap ang ama.
"Hindi na yun mahalaga anak. Ang mahalaga andito kana. Patawarin mo din ako kung iniwan ko kayo ng basta basta."
"Naiintindihan ko po kayo pa. Miss na miss po kita. Ang tagal kong nagalit sayo dahil akala ko iniwan mo kami ng walang dahilan."
Kumalas sa pagkakahug nila ang kanyang ama.
"Wala na yun anak. Miss na miss din kita. Patawarin mo ko kung hindi ko nagawang umuwi para kuhanin ka."
Hindi nagsalita si Georgia. Inakap ulit nito ang ama.
"Mahal na mahal kita pa."
"Mahal na mahal din kita anak."
-------
Nasa kwarto na ngayon si Georgia. Hindi siya makapaniwalang nakita at kasama na niya ang ama.
Tok. Tok. Tok.
"Pasok!"
"Ayos ka lang dito nak?"
Nag smile si Georgia. Nakaupo siya sa kama. Lumapit ang ama niya at naupo sa tabi niya.
"Wanna say something?" Tanong nito. Napansin kasi nitong parang may problema ang anak.
Umiling si Georgia.
"Anak, alam ko matagal kitang hindi nakasama pero ama mo pa rin ako kaya alam ko kung may problema ka. Yung mama mo ba?"
Umiling si Georgia. Nasasaktan pa rin siya sa ginawa ng ina pero hindi yun ang dahilan kundi si Lance. Di niya napigil ang luha. Umakap siya sa ama.
"Pa."
"Dalaga na talaga anak ko. Dahil sa lalaki diba?"
Umalis si Georgia sa pagkakayakap sa ama. Humarap sya dito. Ikinuwento niya yung tungkol kay Lance mula simula hanggang sa paghihiwalay nila.
-------
"Lance, tama na yan. Kanina ka pa umiinom." Peter.
Nasa bar sila. Pagkatapos ng nangyari sa bora umuwi na din sila agad. Pinuntahan ni Lance si Georgia sa kanila pero naabutan lang niyang umiiyak ang ina nito. Sinabi nito ang nangyari pati ang pag alis nito. Pumunta siya sa airport pero di na niya to inabutan. Parang gumuho ang mundo niya. Kaya nilulunod niya ngayon ang sarili sa alak. Iniwan na siya ni Georgia. Galit na galit pa to sa kanya.
"Lance ihahatid kana namin sa bahay niyo." Karl.
"Pabayaan niyo nalang ako. Wala ng kwenta ang buhay ko kung wala yung babaeng mahal ko. Sige na, iwan niyo na ko."
"Lasing kana Lance, hindi ka namin pwedeng iwan." Shayne. Sabay hawak kay Lance para itayo. Pero tinabig nito ang kamay niya.
Natabig naman ni Shayne yung basong may lamang alak kaya tumalsik ito sa isang lalaki sa katabing mesa nila. Nagalit ito at tumayo.
"Ano bang problema niyo? Kung may problema kayo, wag kayong mangdamay ng iba!" Sigaw nito.
Natingin sa kanila ang ibang tao sa bar.
"Pasensya na pare. Ayaw namin ng gulo." Peter.
Hindi naman sa hindi nila kaya ang mga to. Umiiwas lang sila sa gulo.
"Kung ayaw niyo ng gulo. Iuwi niyo na yang kasama niyo!" Guy2.
Dahil lasing si Lance mabilis itong mainis. Tumayo ito.
"Hoy kayo! Hindi niyo ba ko kilala ha? Ako si Lance Montero! Naghahanap ba kayo ng sakit ng katawan ha?" Sigaw niya. Sabay hawak sa collar ng polo ni guy2.
"Wala akong pakialam kung sino kang gago ka!" Sabay tanggal sa kamay ni Lance.
"Eh gago ka pala eh!" Sigaw ni Lance dito sabay suntok sa mukha nito.
Natumba yung lalaki. Nagsitayuan ang mga kasama ni guy2 pati na rin yung tatlong ugok.
Muntik na silang mag rambulan buti nalang at dumating ang mga bouncer.
BINABASA MO ANG
When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?
Teen FictionPaano ba magmahal ang isang playboy? Kaya ba niyang gawin ang lahat para sa taong mahal niya? Paano kung sa manhater siya mainlove? Posible ba ang love sa isang playboy at manhater? Basahin niyo nalang para malaman niyo :)