CHAPTER 58

1.7K 27 0
                                    

"Hi Vince!" Nagpapacute na parang kinikilig si Cheska. Nasa likod naman nito ang alipores niya na parang kinikilig ding makita si Vince.

Nagulat naman si Vince sa nagsalita sa likod niya. Napalingon sya dito. Nasa hallway sya at kausap ang mga new friends niya. Habang nakatingin naman ang mga estudyanteng babae kay Vince na halatang mga kinikilig din lalo na pag nginingitian sila ni Vince.

Nag smile si Vince kay Cheska.

"Hi! But, do i know you?"

Cheska smiled sweetly.

"No, but, im Cheska." Sabay lahad ng kamay.

Makikipag kamay na sana si Vince pero nakita nito si Georgia.

"Babe!" Sabay lapit kay Georgia habang nakangiti.

Nag smile din si Georgia. Pero para syang nahihiya na naiilang dahil inakbayan sya ni Vince kaya pinagtitinginan sila ng mga estudyante.

"Mga pre, hatid ko muna girlfriend ko sa room nila." Paalam ni Vince sa mga friends niya. Naglakad sila at nilagpasan sila Cheska.

"OMG girl! Snob ang beauty mo." Alipores1.

"Dumating si girlfriend eh!" Alipores2.

"Tama!" Alipores3.

Tiningnan sila ng masama ni Cheska

Napahiya siya kaya nag walk out ito. Kasunod ang alipores nito.

--------

"Best!" Sigaw ni Kath habang papasok sa classroom nila.

Nagpaalam itong mag ccr sandali dahil wala pa silang klase. Napalingon si Georgia na nakaupo at nkaharap sa white board na parang malalim ang iniisip. Naupo sa tabi niya si Kath.

"Parang ang lalim ng iniisip mo best? Iniisip mo si Lanfghk.." Hindi nya naituloy ang sasabihin dahil tinakpan ni Georgia ang bibig niya.

"Ang ingay mo best. Pinagtitinginan nila tayo oh! Tsaka wag na wag mo syang mababanggit." Bulong ni Georgia dito sabay tanggal ng kamay sa bibig ng kaibigan.

Napatingin si Kath sa mga classmate nila, nakatingin nga ang mga to sa kanila dahil siguro sa pag sigaw niya kanina. Nag smile sya mga to.

"Hehe, excited ako weh, sorry naman. Sige pwede niyo ng tanggalin tingin niyo samin."

Para namang maamong hayop ang mga classmate nila at nag kanya kanya na ulit ito ng umpukan.

"Bakit ba kasi may pasigaw sigaw ka pa best? May nangyari ba sa cr? Tsaka bakit katagal mo? Buti nalang wala pa si Sir." Georgia. Magkaharap na sila ng kaibigan at nag uusap nalang sila ng mahina.

"A-ano kasi. Ahm.. Pano ko ba sasabihin. Ah ano.. After ng last subject natin mauna ko sayong lumabas ha? Tapos hintayin kita sa rooftop."

Napakunot ang noo ni Georgia.

"Parang ang layo naman ng sagot mo sa tanong ko best."

Napakamot sa ulo si Kath.

"Ah hehe. Malayo ba? Hindi kaya. Tsaka kung malayo, edi palapitin mo nalang hehe. Kaw talaga best!"

"Ikaw ba best, titino o hindi?" Naiinis na tanong ni Georgia.

"Joke lang best hehe." Sabay peace sign.

Sigh. "Ano ba kasing gagawin natin sa rooftop? Tsaka bakit kailangan pang mauna ka?"

"Bakit nga ba?" Kunyaring nag iisip. "Hehe ano kasi best.. Ah ano, magtataguan kasi tayo tapos ikaw yung taya kaya hahanapin mo ko. Eh syempre dahil ikaw yung taya kaya ikaw yung mahuhuling pupunta." Habang pakumpas kumpas ng kamay. "Ayun tama! Haha! Ang galing galing ko ta-" Napahinto si Kath dahil masama na ang tingin sa kanya ni Georgia. Nag peace sign sya dito while smiling with pakurap kurap pa ng mata.

When Mr. Playboy Fall In Love With... Manhater?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon