Cristina Apello's POV
Nandito na kami ngayon ni Marco sa parke.
Gaya ng isang normal na parke, may mga gamit panlaro para sa mga bata upang sila talaga ay maaliw kagaya ng seesaw, duyan, slide, at iba pa. May mga garden din na hitik sa nagagandahang mga rosas, sampaguita, santan, at pati na rin sunflower. Hindi rin magpapatalo ang bermuda glass na ang sarap sa pakiramdam kapag ito ay hinihigaan.
May mga bata ding usong naglalaro ng patintero, luksong-lubid, chinese garter at marami pang iba.
Pero ang nakakuha sa atensyon ko ay ang mga batang naglalaro ng habul-habulan.
"Hoy!" Agaw atensyon na pagsigaw ni Marco sa akin.
"Oh?" Mabilis ko namang pagsagot.
"Sabihin mo nga sa akin, gusto mong maglaro nang ganoon Tinang ano?"- biglang pagtatanong ni Marco sa akin habang nakaturo sa mga batang naglalaro ng habul-habulan.
"Gusto ko sana pero..." - napatigil ako sa pagsasalita nang tiningnan niya ako ng nakakaasar.
Sarap lang pektusan.
"Anong pero-pero?" Marco.
"Ha?"
"Hakdog." giit ni Cocoy na nakangisi na ngayon sa akin.
"Tss. Loko."
"Halika nga dito."
Nagulat nalang ako nang agad niyang hinawakan ang aking kamay at hinila't idinala sa harapan ng mga batang naglalaro ng habul-habulan.
Naku.
"Mga kalaro pwede pang sumali?"- natigil ang pagha-habulan ng mga bata sa malakas na pagtatanong ni Marco.
"Mahiya ka naman Cocoy. Grabe ka at natigil ang paglalaro nila dahil sa atin."- bulong ko sa tenga niya na sinusundot pa ang tagiliran niya.
"Sasali po kayo Kuya?"- manghang tanong ng isang batang babae.
"Siya lang ang sasali pero ako, hindi. "- alertong saad ni Marco na naka-puppy eyes pa.
Ang pangit.
Susundutin ko na naman sana siya nang napatigil ako dahil sa sinabi ng isang maliit na batang lalaki sa gilid.
"Magkasintahan po kayo Kuya?" sabay turo sa aming dalawa ni Marco.
Hanudaw?
"Ako?"- naguguluhan kong sabi dahil pati ako ay nagulat sa sinabi ng bata kaya napatawa ang mga bata.
Ang ganda talaga ng mga ngiti nila. Ang ganda sa mata.
"Pinapatawa ko lang kayo. Hindi ako girlfriend ni kuya at si kuya niyo ay hindi ko boyfriend. Magkaibigan lang kami."
Nagtanguan ang mga bata sa sinabi ko.
"Pwede na ba siyang makisali sa laro ninyo?"- imik ni Marco sa gilid ko na tumitingin sa malayo at ibinabalik naman ulit ang tingin sa mga bata.
Nag-uusap muna ang mga bata bago may isa sa kanila na batang kulot ang nagtaas ng kamay at nagsalita.
"Hindi po makakasali si Ate kung hindi din po kayo sumali Kuya."
"Iyon lang naman pala. Edi sali ako sa inyo. Ako taya." - Taya! Kawawa.
Agad na lumiwanag ang mga mukha ng mga bata saka sumigaw nang "GAME!"
Takbo - pahinga - takbo na naman saka pahinga.
Tawa lang ako ng tawa. Paano ba kasi e palaging taya si Marco. Hindi niya kayang hulihin ang mga bata.
"Taya ka." - agad na pagdakip sa akin ni Marco nang makita niya akong tumigil at napatingin sa mga bata.
"Exempted muna ako. Pahinga lang."
"Bawal po "iksi-iksimptid" ate."- pangiti-ngiti ng isang batang maliit.
Cute.
"Segi na nga ako na ang taya." pagsuko ko sa kanilang lahat.
"Paano ba iyan e taya ka na ngayon?" - saad ni Marco sa akin pero binelatan ko lang siya.
"Tinang nga naman. Bleh." dagdag pa niya.
"Ewan ko sayo. Tss." Nakapameywang kong tugon.
Hinahabol at dinadakip ko na ang mga bata ngayon subalit ay napatigil kaming lahat dahil sa agarang pagkidlat mula sa itaas.
"Uulan na. Ligo ulan tayo!" - sigaw ng isang batang babae na may di kataasang buhok at medyo maputi ang balat.
"Mga bata hindi pwede baka magkalagnat kayo. Mas mabuti pang bukas nalang natin ipagpatuloy ang larong ito."- Napakunot ang noo ng mga bata dahil sa sinabi ko. Pero maya-maya pa ay napatango rin sila.
" Umuwi na kayo sa mga bahay ninyo." - dagdag ko pa sa kanila saka sila nagsi-alisan.
"Sus. Tama ka naman. " Tumatangong tugon sa akin ni Marco.
"Heh!"
"At ikaw rin ay kailangan mo nang umuwi. Babalik pa din kasi ako sa bakery Tinang. Paumanhin sapagkat gustuhin ko sanang ihatid ka pa pero baka mapagalitan ako sa may-ari ng bakery. Alam mo na, bago lang ako doon kaya kailangan ay malinis ang trabaho. Umuwi ka na at mag-ingat ka. Pakisabi kay Tita na bibisita ako uli sa inyo, na-miss ko na kasi ang luto niya." - napatango lang ako sa sinabi ni Cocoy sa akin saka ginulo na naman ulit ang buhok ko.
Letche talaga itong lalaking ito.
"Anubayan! Wag mo ngang guluhin ang buhok ko. Mannerism mo na yan ah." pagrereklamo ko.
"E sa gusto ko? Ayaw mo nun, may tagasuklay ka na, libre pa."
"Wao! Suklay? Ginugulo mo nga lang."
"Wag nang magreklamo. Magulo na talaga 'yang buhok mo. Tss."
Natamaan ako sa sinabi niya pero hindi ko 'yon pinahalata kaya sinamaan ko nalang siya ng tingin.
"Paalam sayo Cocoy." Panghuling giit ko sa kaniya saka nagsimula nang maglakad papalayo.
"Babye!" Pahabol niya pang sigaw.
Pagkarating ko pa malapit sa bahay namin ay natanaw ko naman ang isang kotse na nakaparada.
Pamilyar sa akin itong kotseng ito.
Ibig sabihin ay nandito si Tita Sandra?
Agad akong lumagpas sa maliit naming tarangkahan at pumasok na sa hindi masyadong malaki naming bahay na gawa lamang sa kahoy at kaunting semento para sa pader.
Naabutan ko pa sila Mama at Tita Sandra na kapatid ni Mama sa loob na nag-uusap ng masinsinan. Madali akong lumapit sa pwesto ni Tita at matipid na ngumiti.
"Nandito ka pala Tita Sandra."- Naguguluhan ko pang saad saka nagmano sa kaniya.
Bakit siya naparito?
![](https://img.wattpad.com/cover/119285459-288-k54884.jpg)
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Teen FictionSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...