Cristina Apello's POV
Ikalawang araw na sa eskwela. Nandito ako ngayon sa garahe, hinihintay si Xyriel. Parang timang nga ako dahil sa nangyari kagabi.
Nevermind Cristina. Huwag mo na iyon isipin.
Kanina pa ako tapos at handa na akong pumasok kahit ang utak ko ay puro mga negatibo ang iniisip sa kung ano ang pwedeng mangyari sa araw na ito.
"Let's go Tina."
Napatingin ako kay Xyriel na kakalabas lang sa mansyon.
"Tsk. Ang tagal ah."
"Hindi mo lang alam na nagmamadali ako sa lagay na ito."
Hindi na namin naabutan pa si Tita Sandra dahil madaling araw na siyang umalis papunta sa Boutique niya. May aasikasuhin lang sa mga delivery. Pumasok na si Xyriel sa kotse kung kaya ay pumasok nalang din ako.
***
Pagkarating namin ni Xyriel sa eskwelahan ay pinagtitinginan na ako ng mga estudyante pero binaliwala ko nalang sila.
As usual, stay positive lang Cristina.
"Morning."
Nabigla ako sa biglaang pagsulpot ni Rhain sa harapan naming dalawa ni Xyriel habang naglalakad kami dito sa hallway
"Morning."- sambit ni insan.
"Morning din Rhain." Nakangiti kong pagbati kay Rhain.
"Alam mo ba Tina, echos itong pinsan mo siguro hindi 'to naka-move-on sa pag-uusap nila ni Blaze kahapon."- napatawa nalang ako ng mahina sa sinabi ni Rhain.
"I swear di 'yan nakatulog." dagdag pa niya.
"Kilig na kilig nga akong kinuwentuhan kagabi. Diba Xy?"- giit ko pa na nagkukunwaring wala akong alam sa mga kinuwento ni Rhain. Pagkatapos ay napatingin ako ng diretso kay Xyriel na nakatingin na ngayon sa kung saan. Kinilig na naman 'tong pinsan ko.
Tumawa nalang kaming dalawa ni Rhain sa naging reaksyon ni Xyriel.
Sus.
Pagpasok namin sa silid ay wala pang masyadong mga tao. Napaaga pala kami ni Xyriel. Gusto ko sanang kwentuhan silang dalawa patungkol sa nangyari kagabi na sa halip na hayaan akong madapa ni Vhaon sa kalsada ay tinulungan pa ako pero nagbago ang isip ko na wag nalang sabihin. Busy na nag-uusap sila Rhain at Xyriel kaya lumabas muna ako sandali sa silid namin.
Nandito lang ako sa hallway. Tinitingnan ang mga estudyante. Gusto ko pa naman sana na nasa second floor o sa mataas pa 'yong room namin kasi type ko ang tumitingin-tingin sa mga tao sa baba pero no choice dahil nasa first floor ang classroom namin.
"Good morning Ma'am"- pagbati ko nang may guro na dumaan dito sa hallway.
Ngumiti lang ang guro sa akin at naglalakad na. Pero hindi pa man siya nakakalayo sa akin ay naramdaman kong napatigil siya kaya napatingin ulit ako sa kanya.
"Iha pwede ka bang sumunod sa akin. May ipapautos ako sayo."
"Yes Ma'am." - walang alinlangan kong pagsagot sa kanya kaya napangiti siya ulit sa akin at nagpatuloy na sa paglalakad.
Ngayon ay sinusundan ko lang siya.
Wala din naman akong ginagawa kundi ang tumitingin-tingin lang. At ang aga pa, di pa magsisimula ang klase.
Pumasok si Ma'am sa silid niya at pinapapasok ako. Matapos niyang maayos na inilagay ang dala niyang bag sa lamesa ay nagsalita siya.
"Iha, maaari mo bang dalhin at ibalik itong mga libro sa library?"
BINABASA MO ANG
Chasing That Probinsyana |COMPLETED|
Teen FictionSiya si Cristina Apello, isang simple at ordinaryong Probinsyana na ipinadala ng kaniyang mga magulang sa lungsod upang doon tapusin ang kaniyang pag-aaral. Maraming taong may iba't-ibang pag-uugali siyang nakilala sa lungsod pero ang pinakatumatak...